Kelly' POV
Tumutulo ang aking pawis patungo sa aking baba. Pinunasan ko ulit ito ng face towel bago bumalik sa pag-hahalukay ng mga files dito sa registar's office.
"Matagal pa ba 'yan?" Mataray na tanong ni Mrs. Erraño, ang aming Registrar.
Binagsak ko muna ang hawak hawak na lumang folders bago ako nameywang at humarap sa kanya, bumuntong hininga ako.
"Malapit na po." Sagot ko at ibinalik ang atensyon sa shelf na sa sobrang dami ng alikabok ay tiyak na kung ilang araw akong humarap dito magkaka-tuberculosis agad ako.
Nakita ko naman sa peripheral vision ang pag-irap niya sakin bago tumalikod para pumihit papunta sa itaas at bumalik sa kanyang mesa.
Matapos kong i-angat ang isang lumang envelope ay nahanap ko na agad ang pulang envelope na naglalaman records ng estudyante na inuutos sa akin ni Mrs. Erraño.
Bumaba na ako sa pagkakapatong sa isang silya habang hawak hawak ang folder. Binuklat ko ito at nakita ang ngalan ng taong nagmamay-ari nito.
Wu Yifan
Siya pala ang sinasabing estudyante ni Mrs. Erraño.
Birthdate: November 6, 1990
Gender: Male
Birthplace: Guangzhou, Guangdong, China
Ilan lang iyan sa nabasa ko sa records nang marinig ko ang boses ng registrar namin.
"Wala ka na bang mas itatagal pa diyan, Ms. Choi?" Mahinahon ngunit mahihimigan mo ang iritasyon sa kanyang boses kaya dali dali akong pumunta sa pinto para ibigay sa kanya ang hawak hawak kong envelope.
Hinablot niya na sa akin ang envelope at 'di na nag abala pang mag-pasalamat at umalis na para umakyat.
Napailing iling nalang ako.
Tiningnan ko ang aking relos at nakitang 3pm na pala. Oras kung kailan matatapos ang aking pagiging student assisstant.
Scholar ako dito Saint Laurence University kaya kinakailangan 'kong pumasok bilang student assisstant. Hindi 'ko naman kasi kayang matustusan ang pag-aaral ko sa kolehiyo kung hindi ako nakapasok bilang scholar dito.
Kinuha 'ko sa isang gawa sa kahoy na mesa ang aking backpack at isinukbit iyon sa aking mga braso para umalis.
Naabutan 'kong abala sa binabasa si Mrs. Erraño tungkol sa record nung Wu Yifan kaya hindi ko na siya inabala pa at umalis na lang.
Dumiretso ako sa cr para makapag-ayos ng mukha. Para naman maging presentable din akong tingnan bago pumasok sa classroom.
Pinusod ko pataas ang buhok ko at naglagay ng pulbo sa mukha. Nag lagay na rin ako ng konting liptint.
Nang makuntento na ako sa aking anyo ay lumabas na ako sa cr at naglakad papunta sa next class ko.
"Kelly! Wait!" Narinig ko naman ang isang tinig na kilala ko.
"Eliteia! Bati ko sa kanya pagkarating na pagkarating niya sa aking kinatatayuan.
Siya ang isa sa mayayaman na estudyante dito sa Saint Laurence University.
"Sabay na ako sayo" pormal niyang sabi at nagsimula ng maglakad kaya sumabay nalang din ako.
Mayaman nga si Eliteia pero hindi siya yung tipong mayaman na matapobre. Actually, sila nga ang naunang pumansin sa akin noong freshman pa lamang ako dito sa SLU.
"Ano nga ipe-perform niyo this coming intramurals, Kelly?" Pormal na tanong niya.
"Remix ng Falling In Love ng 2ne1 at The Boys ng Girls Generation" pormal din ang pagkakasagot ko sa kanya. Tumango naman siya.
Sa aming magkakaibigan si Eliteia ang pinaka-pormal kung gumalaw. 'Yung isa kasi na kaibigan namin parang walang kain kung umasta.
Kasali din ako sa isang K-Club sa SLU dahil required sa aming mga scholar na pumasok sa isang club. Marami namang club dito katulad ng Photography Club, Journalism Club, Radio Club etc.
K-Club ang napili kong club dahil hilig ko na talaga ang pagsasayaw at pagkanta, at ito lang ang club na related sa talento ko.
Nagkahiwalay na agad kami ng upo ni Eliteia dahil tumabi na ako kay Asthreya, isa rin sa kaibigan ko.
"Hey, Kelly." Nakangiti niyang bati kaya ngumiti din ako pabalik at ngumiti.
Hindi na kami nakapag-usap ni Asthreya dahil dumating na ang professor namin.
----
"OMG!!" Umalingawngaw ang tili ni Asthreya sa hallway ng SLU. Kasama na namin ang barkada dahil lunch break na.
"Asthreya! Maghinay-hinay ka nga! Kita nang madaming estudyante dito sa hallway!" Gigil na saway naman ni Eliteia.
"Nakita niyo yun? Pinansin ako ni Kyungsoo!" 'Di niya pinansin ang saway ni Eliteia at kilig na kilig pa. Natawa naman ako sa kanyang inasta at si Eliteia naman ay umiling-iling nalang.
Si Kyungsoo, isa sa mayamaman na estudyante dito sa SLU. Nagmamay-ari lang naman ang mga magulang niya ng shipping lines.
Matagal nang may gusto sa kanya si Asthreya Byun, ang isa sa kaibigan ko. Ewan ko ba diyan kay Asthreya, sa lahat ng pwede niyang magustuhan diyan pa talaga kay Do Kyungsoo na gwapo nga medyo may pagka-suplado naman.
Dumiretso na kaming tatlo sa aming nakasanayan na mesa at umupo. Umorder na sina Asthreya at Eliteia ng kanilang pagkain kaya sumama na rin ako.
"Iyan lang ba sa'yo, Kelly?" Tanong naman ni Eliteia at tumango naman ako, "Okay na ako dito." Nakangiti ko namang saad at tumango na rin sila.
"Let's go back na." Aniya ni Asthreya.
Naglakad na kami pabalik sa aming table at nagsimula nang kainin ang biniling pagkain.
Nang matapos ay nag kanya kanya na kaming pumihit papunta sa klase namin. Magkaiba kami ng subject ngayon kaya magkakahiwalay kami.
----
Pagkatapos ng klase ko ay nag text na ako kina Eliteia at Asthreya na hindi ako makakasabay dahil tinawagan ako ng Guidance Councillor namin, si Sir Andrada.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko pinihit ang doorknob at pumasok, nakita ko si Sir na nakahalukipkip sa kanyang swivel chair.
"Good Afternoon sir." Bati ko sa kanya at tumango naman siya, "Upo ka Miss Choi." Pag-aaya niya sakin at tinuro pa ang bakanteng upuan sa kanyang harap.
"Pinatawag niyo daw po ako?" Tanong ko kay Sir Andrada pagkaupo na pagkaupo ko at tumango naman si Sir.
"Ayos lang ba sayo na tumigil ka muna sa pag-s-student assisstant mo kahit mga ilang weeks lang?" Tanong naman niya at medyo napangiwi naman ako.
'Sino ba may ayaw sir?' Ani ng sub-conscious mind ko.
"May ipapagawa kasi ako saiyo." Saad ni sir at inayos pa talaga ang salamin na nasa mata niya.
"Ano po yun sir?" Tanong ko sa bitin niyang pahayag.
"Asikasuhin mo ang transferee natin dito. Ako ang pumili sayo dahil nalaman ko na BS Bussiness Administration ang kanyang kursong kinuha dati sa kanyang paaralan— which is kapareha mo." Paliwanag naman ni Sir Andrada.
I scratch my nose, typical manner ko kapag seryoso ako. I know it's weird.
"Ano po ba ang pangalan niya?" Tanong ko kay Sir.
Ngumiti muna siya bago ako sinagot.
"Mr. Kris Wu..."
END OF CHAPTER 1.
BINABASA MO ANG
Notes of Love
RomanceRead the story of Kelly and Kris. Warning: This story is a fan fiction and made by an amatured writer. Typographical error and grammatical errors are visible ahead, if you're a perfectionist type of a reader then you better leave this story. LANGUAG...