CHAPTER 3

31 4 0
                                    

Kelly' POV

Narinig ko ang hiyawan ng mga tao matapos ko kantahin ang New Divide ng Linkin' Park. Iyon ang pinag-pa-practican ko kanina sa sasakyan nina Joshua.

Uminom muna ako ng tubig na dala ko sa aking bag. Hindi iyon malamig.

Pagkatapos ay bumalik ako sa stool at umupo. Bago ko inilapit ang aking labi sa microphone ay huminga muna ako ng malalim.

"The next song I'm gonna sing is Your Guardian Angel by The Red Jumpsuit Apparatus."

Ipinikit ko ang aking mata nang magsimula nang tumugtog sina Joshua,

When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
Now that I'm strong I have figured out
How this world turns cold
And it breaks through my soul and I know
I'll find deep inside me
I can be the one

Dumilat muli ako at ngumiti.

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
It's ok
It's ok
It's okayayay

Habang kumakanta ako ay hinahanap ng mata ko ang lalaking nagmamay-ari ng matang nakatitig sakin kanina pero sa kasamaang palad hindi ko na siya makita.

Pinagpatuloy ko ang pagkanta hanggang sa last verse..

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven

Ngumiti ako sa mga taong nagpalakpakan, kumaway naman ang Equilibrium kaya mas lalong naghiyawan ang mga tao sa loob ng bar.

Bumaba na kaming lahat sa stage dahil natapos na namin ang nasa playlist. Kasama na kasi sa kasunduan nina Joshua at ni Sir Eliakim na huwag na muna tumanggap ng request kasi hindi ako handa, biglaaan lang kasi ang pagkuha nila sakin bilang subtitute na vocalist. Buti nalang talaga at pumayag si Sir Eliakim.

Ininom ko ulit ang natitirang tubig sa aking tumbler bago ako lumapit ulit kina Joshua, Perry at Zach.

"Nice performance, Kelly!" Bati agad sakin ni Zach na may hawak nang baso na alak siguro ang laman.

"Salamat, Zach. Salamat sa inyong lahat" Nakangiti kong pasasalamat sa kanila at tumango naman sila at kumamot pa sa batok na para bang nahihiya.

Tumawa naman ako bago sila niyakap isa isa kaya tumawa na rin sila at ginantihan ako ng yakap.

Naputol lang ang aming biruan nang lumapit si sir Eliakim sa amin. "That was so smooth, Equilibrium!" Bati niya sa amin at kinamayan kami.

"Salamat, sir..." nahihiya pang pasasalamat ni Joshua.

Binigay na agad ni sir Eliakim ang bayad kay Joshua kaya tinanggap naman niya ito. "Here's the payment, sakto 'yan sa pinag-usapan natin. Thank you for accepting my request to perform in my birthday." Sabi niya nang tinanggap ni Joshua ang pera na nakasilid sa envelope.

"Walang anuman sir, salamat po dahil kami po ang inimbitahan niyo." Nakangiti ding pasasalamat ni Perry kay Sir at bahagya pang yumuko.

"No problem, guys. Anyway, order any drinks you want. Don't be shy." Nakangiti namang sabi ni sir kaya tumango nalang din sina Joshua.

"Thank you, sir.." sabay sabay naming pasasalamat kay sir at tumango naman siya.

"Excuse me, guys. I need to go. Order anything you want, booze is on me." Sabi naman ni Sir kaya tumango nalang kami at nagpasalamat uli.

Notes of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon