Chapter 1 (Familiar face)

169 2 4
                                        

Chapter 1: Familiar Face

Kelvin's POV

*KKKKKKKKRRRRRIIIIIKKKKK!!* (Alarm Clock)

Kinapa ko yung tumutunog kong cellphone at pinatay. Istorbo naman oh! Tumingin ako sa orasan.. 9:15am. Nakatamad naman bumangon! Bakit ba kasi kailangan ko pang pumunta sa 'Welcome Party' nung ugok na yun? Mas swabe pa kapag biglaan eh. Hindi yung may saktong oras. Hassle!

Tsk. Makaligo na nga!

*After 30 minutes*

"Ba't di hindi ka pa bihis, Thomas? Di ka punta?" 

"Sunod na lang ako! May kailangan pang daanan eh." 

"Tsk, pre. Di na magugulat si Ash, dakila kang tamador ng pagkalate eh." 

"Nyenye. Lumayas ka na nga bago kita masapak!!"

"Lul." Kukunin ko na sana yung susi ng kotse ko ng biglang... *snap*

"Ay puuuuuuuuu----!!!" napasigaw ako ng bigla kong maalala na hiniram pala ni Lester yung auto ko. Ako pa tuloy magsasakripisyo! Hirap pa naman magcommute. Tsk, anak ng tinapa yan oh. Badtrip. 

"Oh, bakit? Problema mo?" saad ni Thomas.

"Hiniram pala ni Lester yung kotse ko." Dahan-dahan akong tumingin sakanya ng may iritang mukha. "Tangina naman oh!! Ako tuloy magcocommute! Init init eh."

"Andami mong satsat. Layas na!" tinaboy nya ako gamit yung kamay nya

"Hoy hindi ako aso, bangasan kita dyan eh."

"Gawa?!" Tinignan nya ako ng maangas. Aba, angas neto ah. "G@go joke lang. Hoy umalis ka na!"

"Oo na, eto na. Kups." habang palakad palabas ng pinto.

"Hoy, magingat kang kupal ka ha? Tanga ka pa naman!" Sigaw niya mula sa bitna. Napangiti naman ako at napailing. 

Naglakad na ako para magabang ng tricycle. Sasakay na nga lang ako ng FX at MRT. Kahit mas hassle, ayoko ng bus, nakakahilo masyado yung amoy. 

 Bridget's POV

(Now Playing: Just Let It Go)

Never could imagine life without

From the moment you walked into my world

Never knew how long a loving flame would burn 

But losing you has forced me to learn

Nandito na naman ako. Eto na naman yung kanta. Kelan ba ako titigil at kelan ko ba maibabaon sa limot ang lahat? Masakit, sobrang sakit kapag naalala ko bawat alala.. Pero, ewan ko ba kung bakit paulit-ulit ko pa rin binabalikan. 

That we cant change the way we feel inside

And every try at love never turns out right

We both know its better if we just let it go

Move on? Madaling banggitin. Madaling sabihin. Madaling isulat. Madaling itatak sa utak. Pero sobrang hirap panindigan.. 

so lets have 

one last kiss

one last touch

one last tender moment between us

one last dance

to our first song

Bubugso na naman mga luha ko. Ng biglang--

*BZZZTTTTTT!!!*

Napatingin ako sa hawak kong cellphone.

*Calling Gab*

Hay, eto na naman po si Mr. Makulit. Tinanggal ko muna yung earphone sa tenga ko bago ko sagutin.

"Hello?"

[Hello, Bri! San ka na?]

Napapikit ako.. Pupunta ba ako o hindi?

"Uhm... dito pa sa bahay. Kakagising ko lang." Isa ka malaking sinungaling, sigaw ng subconscious ko.

[Ah, pero pupunta ka diba? Sabi mo kagabi pupunta ka! Gusto mo sunduin na kita? Paalis pa lang din ako. Sabay na tayo.]

 Mangungulit lang to ng mangungulit eh. Sige na nga.. Psh.

"Oo, Gab. I'll go, but.. 'wag mo na ako sunduin. Cocommute na lang ako. Mapapalayo ka pa eh."

[Sure ka?]

"Yup! Sige, mag-aaayos na ako. See you later, then."

[Okay, bye! Ingat, Bri!]

"Bye."

Pinatay ko na yung ipod ko at tumitig sa dagat. Mas gugustuhin ko pang mag-emo dito kesa pumunta dun! Kung di lang talaga ako pinilit ni Gab. Tsk.

Tumayo na ako at nagabang ng masasakyan papuntang Trinoma. Sasakay na nga lang ako ng MRT. 

Kelvin's POV

(GMA-Kamuning Station)

Nag-aabang na ako ng tren. Hay, hassle talaga kapag commute! Nakakabadtrip. Malaking utang ang sisingilin ko kay Ash para sa pagcocommute ko! Tiniis ko tong init ng Pilipinas para sa kanya, ha! 

Eto na yung tren. Isa malaking sagupan ang magaganap bago ako makapasok sa loob. *sigh* 

Nakasiksik na ako at natapat ako sa isang babaeng.. pamiliar. Parang nakita ko na siya.. Pero saang lugar? 

Tinignan ko ulit syang mabuti. Nakasuot sya ng earphones at nakatitig sa kamay niya. Bigla niyang inangat ulo niya at tumingin sakin. Umiwas ako ng tingin. Akward. Tumingin ulit ako sakanya, nakatitig ulit siya sa kamay niya.

Tinignan ko uli siya.. Napansing kong kulay brown yung buhok niya na medyo wavy, nakasuot sya ng dress with collar and blue green blazer. Ang ganda- shet, napansing kong napatitig na naman ako. Ayos nga, Kelvin para kang manyak. Shinake ko yung ulo ko at tumingin na lang ako sa labas. Pilit ko pa rin iniisip kung saan ko na ba sya nakita.

 A/N:

Ailee's picture at the side! :D At last, may chapter one na ako. Hahahaha.

Kung nagtataka kayo kung bakit may dagat malapit, medyo malayo layo naman, sa Trinoma or sa city.. sakin na yun! Basta ganun na yun! May ganun kasi dito, malapit lang siya sa City or whatsoever. Gawa-gawa ko lang yun, dahil alam kong walang ganun sa Pilipinas! Ha, basta dito meron! Eastbourne tawag.. counterpart ng Manila Bay! Pero ayoko ng Manila Bay, masyadong madumi ay marami polusyon. Yung sa kwento ko, dagat pero malinis. Isipin niyo na lang malinis pa ang Pilipinas!!!!! HAHAHAHAHA.

By My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon