Chapter 4: Scars
3rd person POV
Hindi pa rin nag-uusap si Ash at Bridget simula nung iwan nung dalawa. Ang awkward ng atmosphere, sabi nila sa sarili. Ilang minuto na ang nakalipas, wala pa ring umiimik sakanilang dalawa. Pareho nilang hindi alam kung saan magsisimula. Parehas silang natameme sa kinauupuan nila. Nag-iintay kung sino gagawa ng first move.
Habang sa hindi kalayuan.. nakabantay at nakamasid pa rin si Gat at Carmina. Naiinis na sa Carmina dahil hindi pa rin nag-uusap ang dalawa! Inis na inis na talaga siya. Ano bang problema ng mga to? Tanong niya sa sarili.
"Hoy Gabriel!!" Sigaw niya dito dahil siya lang pala ang apektado sa hindi pag-uusap ng dalawa.
"Ano?!" Inis na sagot niya. Kumakain kasi ito at iniistorbo na naman siya ni Carmina.
"Aba nagawa mo pang kumaing loko ka! Hindi pa rin sila nag-uusap!!!!! Nakakainis!!! Tayo na nga gumawa ng paraan para mag-usap at magkaayos sila pero.." Parang batang nagtratrantrums si Carmina. "Pero tignan mo!!!! Tignan mo!!" Tinuro turo niya yung dalawa na hanggang ngayon hindi pa rin naguusap.
Tinignan ni Gab kung nasan yung dalawa. Aba oo nga, wala pa ring umiimik sakanila. Gusto niyang gumawa ng paraan pero gutom na talaga siya. Gutom na gutom!! "Hayaan mo nga sila! Malalaki na yan. Mind your own business." Sabay subo ng pasta. "At, itikom mo muna yang bibig mo. Ang ingay mo, ang ingay ingay mo nasisira ang focus ko sa pagkain!!" Sabay kain ulit.
Inirapan na lang siya ng babae. Umiral na naman ang pagka-Glutton ni Gab. Tinignan niya ulit yung dalawa.. "Tsk. Haynako!" Tinignan niya ulit si Gab na parang isang taon hindi pinakain ng nanay niya! Glutton talaga, sabi niya sa sarili. Bigla siyang nakaramdaman ng gutom.
Mas mabuti pa ngang kumain na lang ako at hindi intindihin yung dalawa, isip isip niya. "Pst, gabbie. Kuha lang ako ng food at naiistress ako."
"Mas mabuti pa nga." Sangayon ni Gab. Tumayo na si Carmina at pumunta sa buffet table.
Balik naman tayo sa kila Ash at Bridget. Hindi na kinaya ni Ash ang wakward atmosphere nila kaya siya na ang gumawa ng first move.
"Bri... I'm sorry. I'm so sorry." Marami siyang gustong sabihin pero ito lang ang lumabas sa bibig niya.
Irap lang ang sagot ni Bridget kahit hindi ito kita ni Ash. Galit pa rin siya dito dahil sa pangalawang pagkakataon, iniwan na naman siya nito sa ere.
"Sorry kung hindi na tayo nakakapag-usap for the past few months.. sobrang wala na akong oras. Marami akong inaasikaso. Alam mo naman yun. Sorry talaga.." Hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap niya na si Bridget. Nagulat naman si Bridget sa ginawa ng lalaki pero after ilang sugundo nakarecover din siya. Hindi ulit siya nagsalita. Medyo unti-unti na nawawala galit nito sa lalaki, pero inis pa rin ito dito.
Tinanggal na ni Ash ang pagkakayakap niya kay Bridget. "Sorry, Bri.." Sabi niya dito habang nakayuko. Sa dami ng gusto niyang sabihin "sorry" lang ang tanging lumalabas sa bibig niya.
Nainis na si Bridget. "Sorry lang ba kaya mong sabihin?! Ha?!" Puro sorry sorry sorry! Hindi naman makakain yung sorry niya. At lalong hindi maalis yung sakit at inis na dinulot neto sakanya!
Hinawakan niya yung kamay ni Bridget. Pero biglang inagaw kagad ito ng babae sabay iring. "Bri.. Please, understand na sobrang busy ko. Schoolworks, trabaho at tinutulungan ko si Dad sa business. Tons of stuffs to do." Nakatingin lang ito sa babae habang sinasabi ang kanyang lame excuse. "Plus si Indie pa." Sabay yuko. Alam niya sa sarili niyang hindi naman talaga ito ang dahilan, o hindi lang ito ang dahilan kung bakit hindi na sila nakapag-usap for the past few months.
Natawa ang babae dahil sa inis. "Ha, Ash reasons mo. Ganda gandahan mo naman. Dati naman kahit busy ka nagagawan mo pa rin ng paraan! Ikaw pa nga ang nagsabi na 'lahat ng bagay may paraan at kung ayaw may dahilan'" Ngumiti siya pero yung ngiting inis. "Kung kelan naman bumabalik na yung dating tayo.. saka mo ulit ako iniwan." Rinig na rinig sa tono ng babae ang lungkot.
Napapikit si Ash. Masyado siyang tinamaan sa sinabi ni Bri. Ayun, andun na yung dahilan.. dahil bumalik sila sa 'dating sila'.. At pilit niya mang itago, pilit pa ring bumabalik yung damdamin niya para kay Bri. Ayaw niyang saktan si Indie kaya gumawa siya ng paraan para pigilan muli ang damdamin niyang mahulog kay Bridget. Gumawa siya ng desisyon na alam niyang tama kahit masakit..
A/N:
Hanggang dito muna. Ang sakit na ng ulo ko. Title based sa kanta.
Hi, Grace! Connngggrraaatsss!

BINABASA MO ANG
By My Side
Teen FictionIs it coincidence or fate? Maraming tao ang magsasabi na isa lang itong coincidence. Pero, may parte ng utak natin na naghahanap ng explanation sa bawat bagay. Explanation tungkol sa tinatawag nating coincidence, sabi nga "everything happens for a...