Chapter 5: Coincidence?
Carmina's POV
"B!!! Hurry up!!" Sigaw ko kay Bridget na kahit kelan napakabagal. Ugh, first day namin ngayon at ayan mukhang malalate pa kami sa kabagalan niya.
"Can you please wait?!?! Hindi mo kasi ako ginising ng maaga!!" Aba, siya pa may ganang magalit. Ang aga aga iniinis na naman niya ako!!!
Iniringan ko siya. "Aba, ako pa may kasalanan ngayon!! Uso kasi alarm diba." Tsss. Tumataas na naman ang presyon ko sakanya. Oh, Diyos ko gabayan mo ako. "Eh kung bumangon ka ng maaga, e'di sana nagawa mo yang anik-anik mo sa buhay!! Dalian mo ngaaaa!!!!!" Nakakainis. First Day namin ngayon sa bagong university, buti na lang at naka-dorm kami kundi super duper hassle to the max.
"Oo na ho, bibilisan na. Teka magsasapatos lang ako." Hay salamat nakaramdam din!
Nasa loob na kami ng University. Kailangan na namin maghiwalay dahil hindi kami magkapareho ng course. "B, dito na ako. Dun daan ng building ko eh. Byieee."
"Bye. Kita na lang maya." Sabay kaway. At umalis na ako.
Bridget's POV
Hininanap ko na kung nasan bang lupalop ang classroom ko. At ayun, pagpasok ko, wala pa yung Prof. Yes, hindi ako late. Pumasok na ako at nilibot ko yung mata ko kung san pwede umupo. Ah, dun na lang sa isang row na isa pa lang ang nakaupo, isang babae.
Paupo na ako ng bigla niya akong tignan. "Hello!" Masaya niyang bati sakin. "Hi." Bati ko with matching smile nung naka-upo na ako. Be polite and behave, Bri.
"I'm Hailey!" Sabay abot ng kamay sakin.
"Bridget." Nagshake-hands kami.
"Buti na lang may kakilala na ako." Bulong niya pero rinig ko pa rin.
Lumingon ako sakanya. "Bago ka lang?"
"Yup. Galing ako sa University of Durham. Ikaw?"
Tumango ako. "Bago lang din. Bakit ka lumipat?"
"Masyadong mahirap sa UD, hindi kinaya ng braincells ko." Natawa siya.. Joke ba yun? Ba't siya natawa? Corny naman neto. Behave, Bridget!!!! Tumawa na lang din ako ng pilit. "Ikaw, bakit ka lumipat?"
"Ah, yung bestfriend ko kasi lumipat. Di rin kinaya ng braincells niya sa dati naming school. Ayoko naman maiwan mag-isa dun kaya lumipat na rin ako." Tumango na lang siya. "Tsaka, malapit dito yung favorite place ko."
"Oh.." Tumango na lang siya. Nalipat yung tingin niya sa kabilang side ko. Lumingon ako sa kanan at.. Whoa.
"Hi." Bati niya sakin sabay umupo sa upuan na katabi ko.
Shet, bakit pamilyar siya. "Hello." Bati ko sakanya with emotionless face. Inaalala ko kasi kung saan ko siya nakita.....
AAAAHHH!! Isa siya sa mga bestfriend ni Ash. Yung nakilala ko sa Welcome Party. Siya si Mr. Pacool-at-mayabang. Ugh!!!!!
"Hi, remember me?" Tanong niya with his smile abot tenga. "Kelvin, kung di mo maalala. You're Bridget, right?" Tumango lang ako. AYOKO TALAGA NG VIBES NIYA!!!!!! Naiirita ako.
Humarap naman siya kay Hailey. "Hi." Bati niya dito. "I'm Kelvin."
"Oh. Hailey." Sabay ngiti.
SHETNESS. BAKIT KATABI KO PA TO!!!!!!!!!!! BADTRIP NAMAN OH.
A/N:
Dedicated to Gianne kahit wala siyang Wattpad. Dentistry kasi course nilang tatlo. =))

BINABASA MO ANG
By My Side
Roman pour AdolescentsIs it coincidence or fate? Maraming tao ang magsasabi na isa lang itong coincidence. Pero, may parte ng utak natin na naghahanap ng explanation sa bawat bagay. Explanation tungkol sa tinatawag nating coincidence, sabi nga "everything happens for a...