Chapter 2 (We met again)

129 3 5
                                        

Chapter: We met again

Kelvin's POV

Nandito na ako sa tapat ng bahay ni Ash. Pawis-pawis pa ako! Ano ba yan. Medyo naligaw pa kasi ako. Sorry na, t@nga lang! Magdoorbell na nga ako!!!

*ding* *dong* *ding* *dong*

Binuksan nung kasambahay nila yung gate at pinapasok ako. 

"Nandun po sa Garden sila sir." saad nung sambahay.

"Ah, thank you po." medyo alam ko na tong bahay nila. Noong nandito pa kasi siya nakatira sa Pinas, madalas pumupunta kami dito para sa Barkada Boding. Alam mo na, inuman session.

Pumunta na ako sa Garden. Nilapitan ko si Ash at tinapik sa balikat.

"Pre!" sabi ko habang nakangisi.

Humarap siya sakin at ngumiti. 

"Uy, Kelvs! Long time no see!" sabay yakap at tapik sa likod. (A/N: Kung pano mag-yakap ang mga lalaki. Alam niyo na yun.)

"Whoooaaa. Is that you, Ash Lopez?! Laki ng pinagbago ah. Pumogi ka yata!" 

"Lul, ikaw walang pinagbago. Bading ka pa rin!"

"Bading my ass. Pumunta ka lang ng Canada hindi mo na alam yung salitang joke! Tsk." sabay iling. 

"Nye." with matching ang korny mo face. "Baka ikaw hindi mo alam? Kasi katotohanan ang term sa sinabi mo hindi joke!" 

"Deh, alam naman natin kung sino mas pogi satin, pre. Amin na."

"Oo na, pogi ako. Bading mode ka na naman eh. Psh. Nga pala, sa'n si Thomas at Lester?" Ah, duwag talaga to. Iniba topic. Psh.

"Duwag. Alam mo naman si Thomas, dakilang late. May dadaanan pa daw. Si Lester naman--" Nakita ko si Lester kakarating lang. Pucha, yung auto ko! "Ayan na pala si Lester eh."

"Ster!!!" sigaw ni Ash kay Lester. 

Tumakbo si Lester papunta samin. T@angina, bading talaga. 

"Tol!!!!!!!!!" nakasakal si Ash kay Lester. Nasa loob ng balikat ni Lester si Ash. Habang pinupukpok yung ulo ni Ash. Brutal talaga tong mokong na to.

"Hoy t@ngina mo, bitawan mo ako!!! Hoy!!" habang pilit kumakawala ni Ash. Sila kasi talaga yung totoong mag-bestfriend. Nakisali lang kami ni Thomas nung 2nd year. Ang tagal na rin pala naming magkakaibigan. 7 years na.. Kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. 

"Huy bitawan mo na yan." sabay batok kay Lester. Binatawan na niya. 

"T@ngina mo, Lester. Pakyu ka." Ginulo mo pa buhok ko!" inis na sabi Ash. Habang inaayos niya yung buhok at damit niya.

"Hahahhaha, para pogi." sabi ni Lester.

"Aasshh!!" sigaw ng isang babae. "Halika muna dito iho." 

"Uy, punta muna ako dun ha. Kain na kayo."

"Ge." sabay naming sabi ni Lester. 

Tumingin ako kay Lester. "Pst. Susi?" sabay lahad ng kamay sakanya.

"Oh. Salamat, pre. Ginasolinahan ko."  sabay bigay sakin yung susi. "Sa'n si Thomas?"

"May dinaana pa. Alam mo naman yun. Madaming kalokohan sa buhay." naupo muna kami sa upuan.

"Ah, paano ka nakapunta dito? Commute?" Malamang commute! Engot talaga to. Alangan naman naglakad ako.

"Sumakay ng sasakyan malamang. Ano sa tingin mo? Tsaka ko lang naalala na hiniram mo pala yung kotse ko nung paalis na ako. Badtrip. Nadugan mo ako dun ah!" sabay tulak sa balikat.

"Aray! At least nagpaalam ako! At ginasolinahan ko pa. Bayad na ako sa panduduga ko sayo. Haha!" tumawa sya. "Kuha na ako pagkain! Gutom na mga ahas ko sa tiyan. Sama ka?" 

"Tara."

Nakakuha na kami ng pagkain. Sakto dumating na si Thomas. 

"Oh pre. Buti naman nakaabot ka pa." Pangaasar ko. Minsan kasi sobrang late na niyang dumadating. Late as in gabi na. Muntanga lang. Sobrang adjusted yata yung orasan neto. 

"Tigilan mo ako, Guillermo. Gutom ako. Kaya kukuha muna ako ng pagkain bago ko kausapin ang isang katulad mo." At sabay alis. Ugok talaga yun. Psh.

Kumain na ako, at bumalik na si Mang Thomas. Umupo siya sa tabi ko.

"Si Lester dumating na? Asan?" 

"Oo, nauna pa sa'yo." hinanap ko sya gamit ang binocular eyes ko. Nakita ko na siya. May kausap siyang dalawang babae at isang lalaki.  "Yun oh." Tinuro ko kay Thomas kung nasa si Lester.

"Kahit kelan talaga ambilis dumamubs nyang lokong yan. Tsk tsk." With matching Manong face. 

"Wow. Look who's talking.." 

He chuckled. "At least ako, one at a time."

"One a time nga, every week ka naman nagpapalit. Tinutulad mo sa brief mo yung mga babae eh." Napailing na lang ako.

"Ulul. Everyday ako nagpapalit ng brief.." I chuckled. Tinignan ko ulit kung nasan si Lester.

Nagulat ako sa nakita ko.. "Oh shit." I whisper.

Napatingin din si Thomas kina Lester at binalik ang tingin sakin. "Poblema mo?" 

"Ah wala, wala." Binalik ko yung atensyon sa kinakain ko at pati si Thomas nagpatuloy ng kumain.

Pero tumitingin pa rin ako sa isang babaeng kausap ni Thomas. Sht, siya yung babae nakaupo sa harap ko kanina.. sa MRT. Yung pamiliar.. siya yun. What the heck. What a coincidence.. Bakit siya nandito? Kaano-ano siya ni Ash? 

"Hoy Kelvin!!!!" Sigaw sakin ni Thomas. Napabalik ako sa totoong mundo. "Tawag tayo ni Ash." 

Tumayo na kami at pumunta kay Ash. Kasama niya si Lester at yung pamiliar na babae at isa pang babae at isang lalaki. Sila yung kausap ni Lester kanina.

"Bakit?" Tanong ni Thomas kay Ash. Sabay ngiti dun sa dalawang babae. Isa pa tong chickboy eh. Ngumiti naman yung isang babae, yung babaeng pamiliar ngumiti pero mukhang pilit..

"Ah, kababata nga pala namin ni Lester." Nakatingin lang kami sakanya. Hinihintay naming ipakilala niya kami sa isa't isa. 

Tinignan niya rin kami ng nagtataka. "Oh, ano pang ginagawa niyo? Kayo na magpakilala sa sarili niyo! Ang lalake niyo na at may bibig naman kayo!!" 

At siyempre si Thomas ang unang nagpakilala. Kinamayan niya sila isa-isa. Kapal talaga ng mukha neto.. Siniko na lang ako bigla ni Thomas. Anong poblema nito? Bat biglang nangsisiko? Tinignan ko siyang nagtataka.

"Ikaw naman magpakilala." Bulong niya sakin. Ay shet, oo nga pala!

Una kong kinamayan yung lalaki. "Hi, Kelvin Guillermo." Inabot niya yung kamay niya sakin. "Gabriel Cayetano. Nice meeting you, pre." 

Sunod naman dun sa babaeng may bulaklak sa buhok. Ang cute niya. "Hi, Kelvin Guillermo." 

"Carmina Torres." Sabay ngiti at shakehands. "Nice meeting you."

Not but not the least.. the girl who has the familiar face. Tsk. Mukhang suplada. Inabot ko na yung kamay ko. "Hi, Kelvin Guillermo." Pakilala ko with my killer smile. 

"Hindi ako bingi. Ilang bese ko ng narinig." Siniko siya ni Carmina. At, tinignan niya lang ito with annoy look. Pero, inabot na niya yung kamay niya sakin.. Suplada pala talaga, tama ang hinala ko.

"Bridget.. Bridget Brown. Nice meeting you, Mr. Guillermo."

A/N:

Kelvin (Nichckun) and Ash (Taecyon)'s picture on the side. Kayo na mag-judge kung sino mas pogi!! :-) And also Carmina's picture. Ganyan yung suot niya diyan sa party. Yung suot ni Bridget nasa Chapter 1. 

Dedicated to Yumiko Macayan! Dahil wala lang, gusto ko lang! At dahil dun sa beach na malapit sa Trinoma. Hahahahaha!! Its possible though. But not there! 

By My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon