Chapter 3: The talk
Bridget's POV
"Bridget.. Bridget Brown. Nice meeting you, Mr. Guillermo." We shake hands. Okay.. what's with me? Why did I address him as 'Mr. Guillermo', oh for Pete's sake, Bri! This is not a business meeting.
"Kelvin. Just call me Kelvin. Its not a formal meeting though." He smirked.
I fake smile. "Okay. Kelvin." At inirapan ko siya. Ayoko sa mayabang. =o=
Siniko ako bigla ni Carmina. Napatingin ako sa kanya and I mouthed the word 'What?', and she gave me the lagot-ka-sakin-look.
"Uhm..." He interupted the boys. "Excuse lang guys. We'll go to powder room first. Do you mind?"
"Okay." They nodded. "Alam mo niyo na naman kung saan diba?" Tanong ni Ash.
"Yup." Carmina answered. "Okay. Let's go, B!" Hinatak niya na lang ako bigla bigla.
Naglakad na kami papunta sa direksyon ng powder room. At habang naglalakad kami inagaw ko yung kamay ko sakanya. "What now?!" Tinanong ko siya na may halong inis. Magtratransform na naman siya bilang dragon. Sa tagal na naming magkaibigan alam ko na mga excuses niya, at alam ko rin ang dahilan niya. Okay, its about me again.
"You know what's the problem B, pinagusapan na natin to nila Gab. Be nice to people! Kelvin's being nice to you. Bumalik na naman yang kamalditahan mo." She scolded me like a mom. Yes, she's always like that. And, I hate it!
"Omygod. Can you please..." Calm down Bri, wag ka na makipagtalo. "Ugh, just stop being grumpy, okay?!" Tinaasan niya ako ng kilay. Ugh, simula na naman tong marathon ng sermon.
"Then tigilan mo yang pagmamaldita mo." Talagang diniinan niyang sinabi ang word na 'pagmamaldita'. Oo na ako na maldita---
"But I don't like his pa-cool-looks-and-mayabang-vibes!!!" Nakakainis lang, ang yabang kasi ng dating niya. And... and.. ugh nevermind.
She sighed. "You're being judgemental again, Bri. Kakilala mo pa lang sakanya sasabihan mo na siya ng pacool at mayabang?" Ayan na yung tono niya.. tono niyang nakaka-guilty.
"FYI, Carms. I'm not being judgemental. Sinasabi ko lang ang first impression ko sakanya." Magsasalita na sana siya pero tinuloy ko ang sasabihin ko. "Cut it out. Fine! You win, Carmina Torres.I will be nice to him. To everyone else!! Alright?"
"Dapat lang.. dapat lang. At, isali mo na rin pala si Ash. Alam kong galit sakanya kaya tatarayan mo siya sa abot ng makakaya mo."
"But---"
"Hush!" Tinapat niya yung kamay niya sa mukha ko. "Kung hindi.. tatawagin ko si Gab at magjojoin force kami laban sayo." Oh no no no.. no way. Masyadong masaklap ang aabutin ko sakanilang dalawa.
"Fine!!" Ugh this...
"Good." Ngumiti siya abot hanggang anit at pumasok na sa powder room. Nasa tapat lang kami ng powder room kanina. Wala namang tao kaya nagkaron siya ng oras pagalitan ako at yun naman talaga ang purpose niya. Pigilan ang pagmamaldita ko kay Kelvin "Mr. Pacool-slash-mayabang" Guillermo.
Nakatayo lang ako sa labas ng powder room at nananalangin na sana hindi inubduct ng Aliens si Carms sa loob.
Gabriel's POV
Nakaupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno. Hinihintay ko sila Carms. Sigurado akong hindi lang sa Powder Room pumunta yung dalawang yun. Sinermonan na naman ni Carms si Bri for sure.
Habang nakatingin ako sa relo ko, may biglang lumitaw na basong may lamang alak sa harap ko..
Kinuha ko yung baso. Uminom ako ng kaonti.. Ay, hindi pala alak. Softdrinks lang pala. "Tagal nating hindi nagkita ah. Dito ka na ulit magsstay?" Tumingin ako sakanya habang papaupo sa bench na inuupuan ko din.
"Oo, pre eh. Kailangan ko tulungan si Dad, alam mo na. Business stuffs. Ano, kamusta na si Bri?" I smirked. Hindi talaga mawawala si Bri sa usapan namin. Pero bakit niya kinakamusta si Bri? Ang alam ko nag-uusap naman sila minsan.
"Hindi mo ba siya nakakausap? Akala ko nagchachat or Skype kayo?"
Ngumiti siya. Ngiting pilit. "No. Busy ako masyado eh. Masyado maraming inaasikaso. Pati nga kay Indie wala na akong time minsan eh." Oh. So that's the reason.
Umiwas na ako ng tingin sakanya, nakatingin na ako sa harap ko. "Ah. Kaya pala."
Nagulat siya. Bigla siyang humarap sakin. "Kaya pala...?"
Tumingin ulit ako sakanya at ngumiti. "Kaya pala inis sayo si Bri. Akala ko nag-away lang kayo about some stuffs. Muntik na nga siyang hindi pumunta dito sa 'Welcome Party' mo eh."
"Oh." He looks dissapointed. "Muntik? Paano siya--"
"Pinilit ko. Alam mo naman yun. Ayaw ng makulit." I chuckled. "Sa susunod, huwag mo na ulit siyang iiwan sa ere. Double kill ka na sa kanya. Baka hindi ka na talaga pansinin nun sa susunod."
"Thanks, bro. Bestfriend talaga kita." He smiled at tinapik niya ako sa balikat.
"Wala yun, pre. Para saan pa ang pagkakaibigan natin ng ilang taon. Nga pala, nasan si Indie?" Nagtataka ako. 'Welcom Party' niya to pero wala yung girlfriend niya.
"Ah. Ayun nasa eroplano. Mamaya pa siya dadating eh." Oh, hindi pala sila sabay umuwi.
"Okay.. Pero nagtataka lang ako pre ha. Bakit umaga tong 'Welcome Party' mo. Diba dapat gabi? Weird ka talaga kahit kelan." Alam ko kasi ang mga ganitong party ginaganap tuwing gabi.
He chuckled. "Napansin mo rin pala. Maraming appointment mamayang gabi eh. Susunduin ko si Indigo sa airport, then dinner with her family. Balik Canada na ulit family niya bukas. Walang oras. Si Dad may meeting and si Mom may dinner with her amigas.. basta, lahat kami may lakad."
"Oh. Hectic, pre. No choice pala talaga kasi bukas pasukan na. Dun ka rin ba?" Halos magkakaparehas pala kaming lahat ng school. Nakikita ko kasi yung dalawa niyang kaibigan sa pinapasukan kong university. Pati si Carmina at Bri lumipat na rin sa school ko.
"Oo. Nandun kayo eh. No choice." He chuckled.
Tumawa rin ako. Namiss ko talaga tong mokong na to kahit minsan epal to. Nakatingin ako sa hawak kong softdrinks at pagangat ng ulo ko. Nakita ko na sila Carms. Ang tagal nila ha. Nakita rin ako ni Carms at ginamit ko ang head-gesture na pumunta dito. Hinatak niya si Bri papalapit samin ni Ash.
"Uy." Sabi ni Ash.
Sinagot ni Carmina si Ash with full smile. "Hi, Ashie! Namiss kita." At tumingin sakin with umalis-tayo-dito-at-hayaan-magusap-tong-dalawa-look.
Ngumiti si Ash. Bago pa siya magsalita inunahan ko na siya. "Geh, bro. Kuha muna ako pagkain. Nagutom ako bigla eh." Tumayo na ako sa bench.
"Ay! Ako rin. Sama ako sa'yo Gab!" Bago kami umalis tinulak niya muna si Bri sa tabi ni Ash at tinignan niya ito with umayos-ka-at-kausapin-mo-si-Ash-look. Tinignan lang siya ni Bri with poker face.
Inoofer ko sakanya yung balikat ko at naglakad na paalis. Pagtalikod namin, tumingin ulit siya kay Ash at kumindat. Narinig ko yung tawa ni Ash.
Napailing ako sabay ngiti. Mga para-paraan talaga ni Carmina.
A/N:
Sorry for grammatical errors. Don't mind the title. Wala ako maisip eh. :-)
For you, Bading. Wala na kasi akong madedicatan eh. Hahahha. Miss you!
BINABASA MO ANG
By My Side
Novela JuvenilIs it coincidence or fate? Maraming tao ang magsasabi na isa lang itong coincidence. Pero, may parte ng utak natin na naghahanap ng explanation sa bawat bagay. Explanation tungkol sa tinatawag nating coincidence, sabi nga "everything happens for a...