Chapter 6 (Instant Disaster)

99 2 0
                                        

Chapter 6: Instant disaster

Natapos ang subj nila na tahimik si Bridget. Tinatanong din siya paminsan-minsan ni Kelvin at Hailey. Sumasagot siya pero sobang tipid. Wala lang talaga siya sa mood magsalita. Lalo na't katabi niya pa si Kelvin. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya dito, wala naman itong ginagawa sakanya. Approachable pa nga ang lalaki. Si Bridget lang talaga ang problema. 

Patayo na siya ng biglang magtanong si Hailey. "Uhm.. Bridget?" Tinignan niya lang ito ng nagtatanong. Nakita niyang medyo nagaalinlangan at nahihiya pa si Hailey sa sasabihin niya. "Pwede bang.. pwede bang makisabay ako sa'yo maglunch? Ikaw pa lang ang kilala ko sa ngayon eh. Kung okay lang sayo..?"

Ngumiti si Bridget kay Hailey. "Oo naman.. bakit hindi?" Magaan ang loob niya dito, pero sira lang talaga ang mood niya kaya medyo natatarayan niya ito kanina. "Pero kasama natin yung mga kaibigan ko ah? Ipapakilala na lang kita sakkanila. Approachable naman yung mga yun. Hindi ka mao-OP."

Bigla sumaya ang aura ni Hailey. "Yes! Akala ko kakain ako mag-isa. Thank you, Bridget!"

"Ano, tara na?" Nag-nod si Hailey as an answer.

Papalabas na silang ng classroom ng makita nila si Kelvin na naghihintay sa tapat ng pintuan. 

"Pst." Hindi pinansin ni Bridget si Kelvin. Malay ba niyang siya yung tinatawag.

Tinawag ulit ni Kelvin si Bri. "Hoy Maria!!!" Hindi pa rin ito lumilingon. " Khaki!! Bridget! Hoy!!!!" Naiinis na rin si Kelvin. Anak ng bingi ba'to?

Nakasunod naman si Hailey kay Bridget kaya nilingon niya si Kelvin. "Bridget tawag ka ni Kelvin." Nagroll eyes lang siya. Bakit ba siya binobother ng lalaki to? Nakakairita na ah. Isip isip niya.

Para matapos na, humarap na ulit siya kay Kelvin. Tinaas niya ang kilay niya. "What now?"

"Psh. Bingi ka ba? Kanina pa kita tinatawag ah."

Mas lalong nasisira ang mood niya sa inaasta ng lalaki. Ang yabang talaga kahit kelan!!!!!! UGH. Napangiwi siya. "May matino kasi akong pangalan. Hindi pst at hoy ang pangalan ko. At 'wag na 'wag mo ako tatawagin ng Maria, Guillermo. Ano bang kailangan mo at ang epal mo?" 

Whoa. Whoa. Nagulat si Kelvin sa sinabi ni Bri. Epal? Marunong pala siya ng mga ganyang words. Akala niya prim at proper ang dalaga. Natawa siya bigla. Pero tumigil din siya nung tinaasan siya ng kilay ni Bri. "Ano, kaya ako epal, kasi nagtext si Thomas." Nakita niyang nagbago ang mukha ng dalaga. Siguro nagtataka eto kung sino si Thomas. "Si Thomas yung kaibigan ko. Kasama niya raw yung friend mong si Carmina Torres. Pinapasabi ni Carmina na kung pwede raw isabay ko na kita sa pagpunta sa tambayan namin. Nandun daw siya."

Biglang nagvibrate yung phone ni Bri. Kinuha niya ito sa bag niya at tinignan. "Bri, sama ka na lang kay Kelvin papunta dito. Kasama ko si Thomas. Wala na kasing table sa canteen. At ayoko ng pagkain dun at wala ka ring gugustuhing kainin dun. Sige na. Wag ka na magmatigas." Text ni Carmina.

Mas lalong nairita si Bri. Ano pang trip ni Carmina at sumama siya sa Thomas na yun!! Ugh, so matagal ko pang makakasama tong Guillermo na 'to? Sirang sira na ang araw ko. Ugggghhh kill me.

"Ano tara na?" Tinignan siya ng masama ni Bridget. "Fine. Kung ayaw mo sumama e'di wag.. ginagawa ko lang naman ang pabor ng kaibigan mo." Tinignan niya si Hailey na kanina pa nakatayo at tinitignan lang sila. "Hailey? Ikaw, sama ka?"

"Uuuuhhh..." Hindi alam ni Hailey ang isasagot. Tinignan niya lang si Bri ng patanong. 

Tumingin si Bri kay Hailey, at kay Kelvin at sa malayo at kay Kelvin ulit. Nagiisip kasi ito. "Oo sige sasama kame."

_______

Carmina's POV

Hahahahahahahahahahaha. Nandito kami sa tambayan o small house o kung anong mang tawag dito sa lugar na to nila Thomas. Gusto niyo malaman kung bakit ako sumama kila Thomas dito sa tambayan nila? 

Medyo totoo yung sinabi ko kay Bri. Masikip na masyado sa canteen at ayoko ng ambiance. Nauurat ako. Pero totoo yung sinabi ko ayoko ng pagkain dun. Mapili ako, pero mas mapili si Bridget sakin.  Kaya wala rin siyang makakain dun. Napakapihikan niya sa pagkain. Parang baliw lang.

Pero siyempre hindi lang yan ang dahilan. Siyempre may mas super rason yata ako.. *evil laugh*

Sumama ako kila Thomas kasi crush ko siya! Hahahahaha. De joke lang siyempre... medyo lang naman. Gwapo kasi eh. T^T Tapos ang gentleman pa. Okay ang landi ko lang. XD

Ang totoo ko talagang rason eh, patunayan kay Bri na mabait si Kelvin. Masyado kasi siyang iritable sa taong yun. Ewan ko ba bakit siya ganun, eh wala namang ginagawa yung tao sakanya. Baliw talaga yung bestfriend kong yun =o= 

At, gusto ko rin siyang inisin. Alam na alam ko na naiinis siya kay Kelvin pero dapat mawala yung pagkainis niya sakanya. Kailangan mawala yun. Kailangan mabago yung first impression niya dito. 

Bakit ko ginagawa 'to? Kasi.. gusto ko lang. Gusto ko lang talaga. Ang sungit niya kasi dun sa tao at naawa ako. Wala namang masama kung tulungan ko si Kelvin na makipagkaibigan kay Bri diba? Friends ko na rin naman si Thomas at kakabat ko rin naman si Lester. So, combine force kaming 3!! Ay with Gab pa pala, so combine force kaming apat!

Speaking of Gab, tinawagan ko rin siya na dito na pumunta. Okay lang naman kay Thomas at Lester. Kababata naman namin ni Gab si Lester. Reunion na rin to para samin. XD At sigurado naman din daw na okay lang din kay Kelvin. 

May nag-dingdong. Binuksan ni Lester yung pinto. Nakita ko si Gab. "Uy pre buti di ka naligaw? Hina mo pa naman sa direksyons." Asar ni Lester kay Gab. Medyo mahina nga si Gab sa direksyon. Kaya nakakapagtaka... "Hi, Gabbie!" Kumaway ako sakanya.

"Aaaahh. Sumabay kasi ako sakanya" Tapos may tinuro siya sa labas. "Carms!" Tapos lumapit siya sakin.

Tumabi sakin si Gab. Nakatingin pa rin ako sa pinto. Iniintay ko kung sino yung tinuro ni Gab.

Lumingon din si Thomas sa tinuro ni Gab pero balik siya sa paglalaro. Si Ash pala. "Oh pareng Ash! Musta na ang pokemon?" Sabi ni Thomas kay Ash habang naglalaro ng PS3. Oo, parang condo na bahay tong tamabayan nila. Ang cool nga eh. May kitchen, bar stool, billiards, PS3 at may bedroom pa nga, tig-iisa sila. Apat na bedroom. Kasama si Ash. Barkada sila back in highschool diba? Kaya ayun included pa rin siya. Hati-hati sila sa pagpapagawa neto. Mayaman naman silang lahat kaya walang problema. -,-

Binato ni Ash ng unan si Thomas. Natmaan ito sa ulo. "Ay shet ka, wag ka magulo pre. Kitang naglalaro yung tao eh."

"Pre." Sabi ni Lester, "akala ko may class ka?"

"Free cut. Punta rin dito si Indy ah?" Kakaupo niya pa lang sa sofa ng may biglang nagdoorbell.

"Si Indy na yata yan, ako na." Tumayo ulit siya at binuksan niya yung pinto. 

"Hi baby." Kiniss at niyakap niya si Ash. Binalik din naman ni Ash yung binigay na affection sakanya nung babae. Pero bakit parang nagbago expression ni Ash.

Biglang may pumasok at dumaan sa gitna ni Ash at nung babae. "Hopss hoopppsss!!! Bawal PDA sa aking teritoryo. Itigil yan." Lakas umepal ni Kelvin sa eksena. "Peace pre." Ngumiti siya kay Ash at dirediretso sa sofa kung saan nakaupo si Thomas. Maglalaro rin yata.

Tinignan ko ulit si Ash. Nakatingin pa rin siya sa labas. Sinundan ko yung tinitignan niya. Oh no, this is not a good idea. Nakatingin sakanya ng masama si Bridget.

OH NO ANAK NG MALIGNO. Carmina, ano bang iniisip mo?!?!

INSTANT DISISTER.

A/N:

Halos isang buwan ako di nagupdate. More or less. Ngayon lang sinipag. :D 

 Dedicated kay Tonguetiedbabe, ang ganda kasi ng "A Night with Mr.Arrogant" and you're so nice and approachable! :D 

By My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon