Chapter 7
Weekends ngayon at laking pasasalamat ko dahil tinanghali na ako ng gising. For sure malelate ako kung sakali mang may pasok ngayon.
Di muna ako bumangon at nagmuni muni muna sa kama. Inaalala ko lahat ng nangyari kagabi. Gosh! That group especially Alex, they all are pain in ass.
Humiga pa ako at nagtaklob ng kumot! Sa totoo lang inaantok pa ako at dinadama ang sakit ng katawan ko dahil sa pagkabigla ng mga ginawa namin kahapon, pakiramdam ko nag-gym ako ng isang buong araw. Bawat muscle masakit.
Napatingin ako sa kawalan at naalala kung gaano kasaya sa amusement park. Yesterday was great and memorable. Memorable has two purpose -_-
Tinanggal ko ang nakataklob na kumot sa mukha at tumingin sa wall clock sa tapat ng kama ko. It was already 12nn! Balikwas ako ng tayo at takbo sa cr. I clean myself up ang fix my bed.
Tanghali na nga ako nagising T_T agad kong narinig ang pagkalam ng sikmura ko, aish siguro naman may pagkain na sa baba.
"Where's my siblings?" Tanong ko kay manang nang mapansing sobrang peaceful na sa baba.
"Maagang umalis ang mga kapatid mo iha, ate Bloomy mo lang ang naiwan jan." Sabi ni manang.
"Kumain na po ba siya?" Tanong ko kay manang sabay kuha ng toast sa mesa.
"Di pa iha." Sabi niya habang naglilinis ng sala.
"Okay manang, dalhan niyo na lang po kami ng pagkain sa kwarto ni ate. Dun na lang po kami kakain."
Tumango lang si manang at umakyat na ako sa kwarto ni ate. Di na ako kumatok at pumasok na sa loob. Medyo madilim pa sa loob ng silid niya dahil natatakpan pa ng kurtina ang sinag ng araw.
Tinignan ko siya, nakatalukbong lang siya ng kumot. Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi sa kanya nung nakita namin yung Royals sa haunted house.
"Princess, what are you doing here so early?" Nabigla ako. How did she know? Aba! Imposibleng kakagising lang nito! At pano niya nalamang si Lily Zenford to? :3
"WAKE UP! WAKE UP!" Masigla kong sabi sabay nagtatatalon sa kama niyang malaki. Sa siglang inilabas ko nawala lahat ng gumugulo sakin.
"Stop...." sabi niya ng simula kong nang paluin siya ng unan. Di parin natalab sa kanya. Hmmm?
Hinigit ko pagilid ang kurtina, kaya maligayang pumasok papasok ang sinag ni haring araw! Weeewoooo! Napatakip ako sa tindi ng liwanag at agad na bumaling kay ate Bloomy na ngayon ay sandamakmak na kumot ang hinigit para tabunan ang mukha. Pffft! Tough?
Humiga ako sa kama at niyakap siya ng pagkahigpit higpit. Sabay tanggal ng kumot sa mukha niya.
"Good morning ate! Gising na dyaaan!" Nakangiti kong sabi sabay kiss sa pingi niya.
Narinig kong humagikgik siya at tanggal ng kumot sa katawan niya at sabay kaming umupo.
"Why so wild Lily??" Sabi niya habang kinukusot ang mga mata. Tatawa sana ako ng mapansin kong namamaga ang mga mata niya.
"Oh my ghad ate what happened to your eyes?!" Turo ko dun sa mata niyang kala mo sinapak. Grabe magang maga talaga. Nag iwas siya ng tingin at agad na tumayo papuntang banyo.
"Ate what's wrong?" What happened ate? Di ko tuloy mapigilang isipin na may kinalaman yun kagabi.
Umiling lang siya at ngumiti sakin. Tsk! Fake smiles dont work to me sister.
Akma na sana akong magtatanong ulit ng biglang may kumatok.
"Iha, andito na ang breakfast," si manang andito na! Tinignan ko muna si ate na nakapasok na sa cr. Ano kayang problema niya?
YOU ARE READING
The Badboy Fell Inlove
Teen FictionA bad boy with an intimidating aura being attracted to an unknown nerd.