Chapter 1

1.6K 12 0
                                    



Isang oras na rin akong naghihintay dito pero hanggang ngayon, wala pa rin siya dito. Sabi kasi ng mabuti kong boyfriend ay dito ko nalang siya hintayin sa parking lot total, dito naman nakapark ang kotse niya. Sandali lang naman daw siya, meeting lang naman with his team pero damn! Seryoso? Alas kwatro pa 'ko dito, eh anong oras na! Kanina ko pa siya tinatawagan, hindi ko naman ma contact!

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area...

"Jake! Bwiset ka! Lagot ka sa akin mamaya!" Sigaw ko sa hawak kong iphone. Pang ilang ulit na rin niyang ginawa 'to sa akin. Pinaghihintay ako ng matagal! May pa promise-promise pa siya sa 'kin na manunuod kami ng movie! Bahala siya sa buhay niya! Aalis nako!

"Nasaan na ba 'yung mama mo? Ang lungkot mo siguro 'no?" Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling pero I'm sure na babae iyon. Kaya naman naglakad-lakad ako at sinundan ang boses na narinig ko. Hindi naman siguro 'yon multo di ba?

"Gusto mo iuwi kita sa amin?" Sabi ulit ng babae. Nanginginig man ako ay patuloy ko pa rin siyang hinanap. Gusto kong makasiguro kung tao ba talaga iyon o multo? Ewan. May kwento-kwento kasi sa classroom namin na may mutlong gumagala sa parking lot namin and hell, hindi ako naniniwala doon. Pero kung tao nga siya, sino naman siya? Sino ang kinakausap niya? At anong ginagawa niya dito, eh anong oras na!

"Hmmm... " Shit! Tumindig ang balahibo ko ng may narinig akong humehele! Napahinto ako at napalunok! What if ghost nga siya? Pero imposible 'yon! Walang ganon! Walang multo! Tao 'yon! Pinagpatuloy ko ang aking paglakad hanggang sa nakita ko ang isang tao na naka jacket ng kulay itim. Nakatalikod siya sa akin at naka upo. Patuloy pa rin siyang humehele at parang hindi niya ako napansin kaya naman ay tumikhim ako na siyang nagpahinto sa kanya.

"Hello! Narinig kita kanina and I got curious so I followed you here." Hindi pa rin siya lumilingon sa akin kaya naman ay hinawakan ko ang kanyang balikat.

"Sino ka? At anong ginagawa mo dito?" Nang hihilahin ko sana ang hood niya ay tumakbo siya! Nakita ko ang uniform niya at pareho ito sa akin. So student siya dito at tao talaga siya! Hindi siya multo!

"H-hoy!" Hinabol ko siya at binilisan ang pagtakbo upang maabutan siya. Patuloy ko pa rin siyang tinatawag pero hindi man lang niya ako nilingon! Tangina! Hindi niya ba alam kung sino itong humahabol sa kanya?!

"I said stop!" Sabi ko ulit habang hinihingal. Ramdam kong pawis na pawis na ako sa kakatakbo and damn, hindi ko ito nagugustuhan! Kailan ba siya hihinto?! Bingi ba siya?! May lakas pa talaga siya ng loob na pahabulin ako?! Halos malapit na kaming makalabas sa parking lot kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakbo at ng isang hakbang nalang ang paggitan namin ay hinila ko ang hood niya.

"Gotcha!" Sa paghila ko sa kanya ay hindi ko inasahan na madadapa kami kaya sa bilis ng pangyayari ay pinikit ko nalang ang aking mata. Agad kong naramdaman ang sakit sa aking siko at sa ibang parte pa ng aking katawan.

"Shit!" Sabi ko sa sarili. Nang minulat ko ang aking mata ay isang pares ng mala tsokolateng mata ang nakatitig sa akin. Halong may takot at pagkabigla ang mga ito. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang titigan siya. Para bang namamangha ako sa mukha niya. May freckles siya sa mukha and I realize na parang may pagka foreigner siya. Hindi naman siya panget, ang totoo'y bagay ito sa kanya. Napalunok ako ng tinignan ko ang labi niya. Malambot ito kung titignan at malarosas ang kulay nito. And hell, I'm sure wala siyang nilagay na lipstick or lip balm pero ang sarap tignan, I wonder what does it taste like?

WTF Hannah! What the fuck are you thinking?!

Agad akong napatayo sa pagkakaibabaw sa kanya at inayos ang damit ko. Ganoon rin ang ginawa niya. Pinagmamasdan ko siya at napagtantong hindi ko pa siya nakita sa buong buhay ko. Transferee? First year? Pero hindi eh. Feel ko magkasing edad lang kami. Siguro'y tatanuning ko na lang siya.

"Hey, what's your -"

"Babe!" Isang pares ng braso ang yumakap sa akin at iyon pala ang lecheng boyfriend ko! Hindi man lang ako nakapagreact dahil sa siniil niya ako ng halik. Agad ko siyang tinulak.

"Leche ka! Pinaghintay mo 'ko ng isang oras Jake! And you dare to hug me?! kiss me?!" I crossed my arms in annoyance.

"I'm sorry, okay? Si coach kasi. I'll make it up to you. Sorry na..." Naka puppy eyes siya and damn! Alam niyang weakness ko 'yon. Paano ba kasi, ang gwapo-gwapo kaya naman ang cute niya pag ginagawa niya 'yon.

"Sorry na babe. Ano, ngingiti na 'yan!" Tumatawa siya at kahit pilit ko mang pinipigilan ang sarili ko ay unti-unti na ring gumuguhit sa aking labi ang ngiting gusto niyang makita. Kinikiliti niya 'ko kaya naman bumigay na talaga ako. Pareho kaming tumatawa at ngayong ko lang napagtanto na may babae pa lang akong kinakausap kanina.

"Where is she?" Sabi ko ng hindi ko na makita ang babae. Nilibot ko ang mata ko sa paligid pero wala na siya.

"Sino babe? May kasama ka pala kanina?" Tanong ng boyfriend ko sa'kin. Inilibot niya rin ang tingin niya sa paligid. "Tayo lang naman ang tao dito."

"Meron! She's here kanina! Tatanungin ko pa nga siya kung sino siya eh! Saan kaya 'yon nagpunta?" Ang bilis naman niyang nakaalis! Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. Anyway, student naman siya dito kaya malamang makikita ko rin siya bukas. I'll make sure of that.

"Baka naka alis na. We should go now, magstastart na rin 'yung movie babe." Hinihila na ako ni Jake habang tinitignan ko pa rin ang paligid. Nang makasiguro na 'ko na wala na talagang tao ay ngumiti ako sa boyfriend ko at nagpahila na papunta sa kotse niya.

"Let's go!"


--

Hi, first time ko lang magsulat sooooo sana mag enjoy kayo! :)


Love,

D

Choosing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon