Chapter 15

568 9 7
                                    


"Guys, we're here..." Masiglang sabi ni Kayla sa amin ng nakarating na kami sa beach resort nila. Matapos kaming nagkwentuhan ng gabing iyon ay napagkasunduan naming mag outing once okay na ang paa ko. Matagal na rin kasi kaming hindi nakapag-outing. And now, its happening!

"As expected! Ang lawak ng resort niyo Kayla. Sayang hindi nakasama si Kim." May ngiti sa labi ni Trish pero kita sa mata niya ang lungkot. Namimiss niya siguro syempre palagi silang nag-aasaran ni Kim eh.

"Oo nga eh. Magtatalon 'yun sa tuwa for sure." Ngising sabi naman ni Faith.

"Don't worry. Sabi naman ni Kim, susunod siya with her brother. We'll call her later too. Boys? Kayo na bahala sa mga gamit ha?" Baling ni Kayla kina Jake at sa mga cousin niya. Nagsitanguan sila at lumabas na sa van. Nagsibabaan din ang mga girls except kay Alyxsis na parang natutulog pa. Kaya naman, lumipat ako sa pwesto niya and I was right. She was peacefully sleeping.

"Naku. Nakatulog pala si Ali. Can you wake her up babe?" Tanong ni Jake sa akin na may buhat-buhat na bags kasama sila Dave, Xian and Troy.

"Oh sure." Sabi ko kay Jake at naglakad na siya papasok sa hotel na tutuluyan namin. Nang hindi ko na siya natanaw ay bumaling ako kay Alyxsis na mahimbing na natutulog.

"A-Alyxsis?" Mahina kong sabi sa kanya pero hindi pa rin siya nagising. Nakatabon ang iilang hibla ng buhok sa mukha niya kaya hinawi ko iyon and again, I called her name.

"Alyxsis? Gising na..." Tinapik ko siya ng mahina pero nakapikit pa rin ang mga mata niya.

Then, I stare at her face. Parang anghel lang siyang mahimbing na natutulog. Ang amo ng mukha niya... May freckles siya under her eyes, sa may nose at sa may cheeks pero these made her more... beautiful. Oh, and her eyebrows. It was perfectly arched and enough thick tulad ng mga models na nakikita ko sa magazines. Then I stopped at her eyelashes. Its so black, thick and long. I wanna touch it...

"Can I Alyxsis?" I whispered. She was still asleep, not moving an inch.

Unti-unti kong inangat ang kamay ko and I brushed my index finger to her lashes. Holy shizzz! Its real!

"Hannah?" Alyxsis said and I saw my reflection into her deep brown eyes. It made my heart skipped a beat sa gulat at kaba. Dali-dali kong itinago ang kamay ko na para bang may ginawa akong masama sa kanya. I could also feel the heat in my cheeks. Shit!

"A-ano... I tried to wake you up. Nasa resort na kasi tayo. Hehe." I looked away.

"Talaga? Sorry... Ang haba kasi ng byahe kaya nakatulog ako. Naiwan kapa tuloy dito dahil sa akin." Sabi niya habang kinusot-kusot ang mata niya.

I shake my head and smiled at her. "Ano ka ba, its fine. Tara?" Aya ko sa kanya. Tumango naman siya kaya una nakong bumaba sa van. Dali-dali akong naglakad habang sinasampal-sampal ang sarili.

Shit! Muntik na 'yun! Ano ba kasi itong pinaggagawa ko? Simula 'nung kasama na naming siya lagi, nagiging weird ako and I don't fucking know why! Excited na excited akong pumasok sa school and I want to see her first in the morning! I smell her secretly and damn! I'm like a pervert who's addicted to her scent. I also secretly peeked at her while she was busy doing something in her notebook or even kumakain kami sa cafeteria! I always checked her out, like every damn day! Habang nagiging malapit siya sa amin, sa akin... I'm starting to act weird around her!

"Lalim ata ng iniisip mo?" Sabi ni Alyxsis na biglang sumulpot sa tabi ko. I instantly step aside sa gulat which made her chuckle.

"Sorry, nabigla kita." Sabi niya na may ngiti pa rin sa labi.

Choosing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon