Chapter 5

431 5 0
                                    


"Oh, ba't nakabusangot 'yang mukha mo? May problema ba baby?" Tanong ni Jake sa akin habang kinakain niya ang inorder niyang strawberry cake. Dahil sa maagang natapos ang practice nila ay nakipagkita siya sa akin and we end up here in this cute coffee shop. Maliit siya at hindi crowded which is a good thing. Masasarap din ang frappe nila dito kaya naging regular customer kami dito ni Jake. Kilala na rin kami ng mga crew dito kaya we're so comfortable staying here.

"W-wala. May iniisip lang ako." Naiinis pa rin ako. Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni Alyxsis sa akin kanina. Hindi ko malimutan ang mga mata 'yon. The way she stared at me earlier. Sino ba talaga siya? At sa lahat ng lugar, ba't dito pa?

"Ano namang iniisip mo? If you have problems, pwede mo namang sabihin sa 'kin babe. Ano ba kasi 'yon?" Seryosong tanong ni Jake sa akin. Alangan namang sabihin ko na its about that girl di ba? And why I'm thinking about her? Hindi ko rin alam pero shit, mukhang napapadalas na yata ang pagbibisita niya sa isip ko eh!

"School projects lang pero I can handle naman." Pagsisinungaling ko sa kanya. Like hello? Ako mag-aalala sa mga ganung bagay? Ha! Never!

"Well, I know kaya mo naman yun. How about movie marathon?" Agad akong napatingin kay Jake na nangingiting nakatingin sa akin. Sabagay wala naman akong gagawin ngayon. 'tsaka mas mabuti na rin to. Para hindi ko maisip ang babaeng 'yon! I-tetext ko nalang si Daddy mamaya na malelate ako.

"Sige!" Sabi ko sabay hila ko kay Jake.

--

"Hintay ka lang dito babe. Kukunin ko lang laptop ko sa taas." Umupo naman ako sa sofa nila at pinagmasdan siyang umaakyat papunta sa second floor nila. Ilang beses na rin akong nakapunta dito pero hindi ako naglalagi sa room ni Jake. Hindi naman sa hindi ako comportable na kasama siya, its just that ayokong isipin ng parents niya na may ginagawa kaming masama. Mas mabuti ng dito kami sa salas nila. At least, alam nila we're just here for movie marathon. I respect his parents so much and I don't want to disappoint them.

"Gusto niyo ba ng juice ma'am Hannah?" Tanong ni Manang Marie sa akin. Isa sa mga katiwala nila Jake dito. She's in her 50's and bow ako sa kasipagan niya. Close din sila ni Jake kasi siya rin ang nag-alaga sa kanilang magkakapatid noong bata pa sila, hanggang ngayon. Eventually, naging close ko rin si manang and napakabuti niya sa akin.

"Oo manang. Make it two para na rin kay Jake." Ngiting sabi ko sa kanya. Sinuklian niya rin naman ako ng ngiti. Lumakad na si manang papalayo ng may tumakip sa mata ko. Malalaki ang kamay niya at alam na alam ko kung sino 'tong nasa likuran ko. Amoy na amoy ko rin ang panglalakeng perfume niya na may pagka Minty. Well, guess who?

"Hulaan mo kung sino ako!" Sabi ni Jake na iniba pa ang boses. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa pag iiba ng boses niya eh. Ang panget!

"Duh. As if naman may ibang tao dito na kasing panget ng boses mo!" Agad tinanggal ni Jake ang kanyang kamay sa aking mga mata at umupo siya sa sofa habang hila ang kamay ko kaya napakandung ako sa kanya. Agad ko namang naramdaman ang init ng pisngi ko. Siguradong namumula na 'ko ngayon na parang kamatis!

"Hoy Jake! Bitawan mo nga 'ko!" Kinikiliti niya ako at ayaw na ayaw kong ginaganon.

"Pangit pala boses ko ha!" Patuloy niya pa rin akong kinikiliti at halos hindi na ako makahinga sa kakatawa! Leche 'tong lalake 'to! Alam na alam niya ang kahinaan ko eh!

"J-Jake! A-ano ba! Stop!" Sabi ko sa kanya habang pilit na winawaksi ang kamay niya sa baywang ko. Pero mas malakas siya kaya hindi ko mahablot-hablot ang kamay niya. Dumating si manang at nangingiti habang tinitignan kami.

"M-manang oh! Si Jake!" Sumbong ko kay manang Marie. Patuloy pa rin ang pagkikiliti ni Jake sa akin! Lokong to! Halos mahiga na ako sa sahig sa kakailag sa pagkikiliti niya sa 'kin.

"Jake, baka hindi na 'yan makahinga si Ma'am Hannah." Sabi ni manang habang nilapag ang dalawang baso ng juice sa mini table. Agad umayos ng upo si Jake habang pareho kaming natatawa. Mabuti nalang talaga at dumating si manang baka nalagutan na ako ng hinga sa kakakiliti ni Jake sa akin. Iba rin kasi si manang. Jake respect her so much kaya kung ano mang sasabihin ni manang eh ginagawa niya at isa 'to sa example.

"May ginawa rin akong sandwich. Baka gusto niyong kumain?" Nilapag din ni manang ang sinasabi niyang sandwich at it was Jake's favorite. Peanut butter with Strawberry Jam. Masaya namang sumunggab si Jake sa pagkain na para bang 5 years old. 

"Thank you manang! The best ka talaga!" Sabi ni Jake habang enjoy na enjoy sa kakain ng sandwich.

Nang lumakad si manang palayo ay may narinig akong malakas na tunog na parang may nabasag sa taas. Agad akong tumingin kay Jake pero parang hindi niya ata napansin.

"Jake? Narinig mo ba 'yun?" Lumingon si Jake sa akin at saktong may nababasag na naman sa taas.

"Babe, may tao ba sa taas? May narinig akong nababasag sa taas eh." Sabi ko sa kanya at agad na tumayo si Jake.

"Ah, baka cousin ko 'yon. Wait lang, papuntahan ko kay manang." Wait? Cousin? Sino naman kaya 'yun? Si Francis? Benj? Fiona? Hmmm. I already met his cousins so I'm wondering kung sino 'yung tinutukoy niya. At dahil sa curious ako ay hindi ko maiwasang I check kung sino at ano ba talaga ang nangyayari sa taas. So I take a few step at ng aakyat na sana ako ay hinablot ni manang ang kamay ko na siyang ikinagulat ko.

"Ako na Ma'am Hannah." Seryosong sabi ni manang sa akin. Well, nag-aalala lang naman ako eh baka ano na ang nangyayari sa taas. Syempre, si manang na ang nagsabi so wala na akong magagawa. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina, kung saan nandoon na rin si Jake, nakaupo at may kung anong ginagawa sa laptop niya.

"Let manang handle it, babe. Ano ba gusto mong panuorin natin?" I watched him closely at parang may iba sa kinikilos ni Jake. Instead of answering his question, ay tinanong ko siya.

"Sino ba 'yung nasa taas? Si Francis ba 'yon? Or si Benj?" Mga ilang segundo ring tahimik si Jake na para bang pinag-iisipan niyang mabuti ang isasagot niya. Or its just me? Ewan ko ba pero kilala ko si Jake eh. May something wrong sa kanya at this moment at hindi ko mapin-point kung ano 'yun.

"A-ano lang. Hindi 'yon si Benjie or Francis. Isa ko pang cousin." Tipid niyang sabi sa akin habang 'yung mata niya eh nakatutok lang talaga sa screen ng laptop niya.

"Did... I already met her? Him?" Bumaling siya sa akin at bumuntong hinga.

"Nope. Pero you'll met her soon. Maybe sa party. Well, iyon ay kung lalabas siya sa room niya."

"Why? Introvert ba siya? Anti-social?" Nagkibit-balikat lang si Jake tapos balik na naman siya sa paghahanap ng mapapanuod namin sa netflix. I wonder who she is. Well, I should not be bothered. Anyway, mamemeet ko rin naman siya soon. Hopefully, makakasundo ko siya gaya ng ibang cousin ni Jake.

--

Hi! Sorry for the late update. Been busy for shits and yeah, I know this update is a crap but please bear with it.

Oh, Hannah! Why so curious? HAHAHA.

Thank you sa nagbabasa neto. I really appreciate it 😊

Choosing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon