Chapter 3

606 4 0
                                    


"You! Ikaw 'yung babaeng noong isang araw!" Sigaw ko sa babae at sa Math teacher naming kalbo. Alam ko na siya 'yun kahit naka eyeglasses pa siya at nakaponytail! I can't believe na makikita ko siya ngayon though I planned to search her. And why the hell is she here? Tumikhim ang teacher namin at tumingin pareho sa amin.

"Guess you already met each other then? This is Alyxsis Sophia Adams. New student natin dito. A-and she's Hannah Jazmine Montereal." So her name is Alyxsis huh. Tinignan ko muli ang babae at ramdam ko na takot siya sa akin. Maybe she already knew me then. I mean, anak ako ng may - ari ng school na 'to. Everyone knows me.

"So bakit nandito siya? Anong kinalaman niya dito? Don't tell me that I just waste my time for this stupid introduction?" Sabi ko habang nakapamywang. Is she something important? Artista? Musician? Anak ng presidente?

"Actually, she will be your partner for the whole semester. Everytime na may projects, activities sa mga subject niyo ay pair kayo." Kabadong sabi ng teacher namin na para bang alam na niya ang susunod na reaksyon ko.

"What?! No! Alam ba 'to ni daddy?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Tumango naman ang teacher namin habang nakayuko ang babaeng nasa harap ko. Shit! So ito pala ang balak ni daddy! Kakausapin ko siya mamaya!

"You don't have to worry Hannah. Magaling na studyante itong si Alyxsis. Actually, scholar siya dito. She topped the entrance exam having 98% average. She can be a great help to you."

"I don't care! Hindi ako bobo! I don't need her to pass your subject if you're worried about that." Totoo naman kasi. Hindi naman ako bobo. Tinatamad lang akong mag - aral. Madalas rin ang pagkacutting class ko so laging bagsak.

"Hannah, your father suggested this. You can talk to him if you want to but this is final. So please, please treat her well. Be good to her." So ayun, pinalabas na kami ng panot naming teacher sa office niya at kasama ko si hoodie girl. Yeah, I named her that kasi naka hoodie jacket siya kahit ang init-init ng panahon! Hindi man lang siya umiimik. Para bang nakikipagstaring contest pa siya sa sahig!

"Hey." Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin na diresto pero walang salitang lumalabas sa bibig niya.

"I should make this clear to you. I don't need you. I can pass all the subjects without you. Since final na 'yung decision according to that panot teacher, I want you to act." Naghihintay ako sa reaksyon niya. Like mapapatanong siya o kahit 'huh?' man lang. Pero wala! Nakatingin lang siya sa akin. Tangina!

"Anyway, what I want you to do is to act like we're a team pagandyan ang teachers natin. Naiintindihan mo naman ako siguro di ba?" Hindi pa rin siya umiimik pero nakatitig siya sa akin. Ewan ko ba pero ang awkard pag ganito ang ginagawa niya sa akin. Kung makakatitig siya eh para bang binabasa niya ang kilos ko, ang pananalita ko, ang pagkatao ko. Ang natatakot ako.

"Can you stop that?! Stop staring at me!" Utos ko sa kanya. Napakurap siya at parang napagtanto na nakatitig pala siya sa akin.

"S-sorry." Tipid niyang sabi sa akin at tumalikod na. Aba'y iba ka rin no! How dare you to turn your back at me?!

"Teka! Ang bastos mo naman! Hindi pa tayo tapos mag - usap!" Hila ko sa kanyang balikat. Alam kong mahigpit ang pagkakahila ko kasi nakita kong napangiwi siya sa sakit. But the hell I care!

"S-sorry." Sabi niya ulit sa akin. Ewan ko pero naiinis ako sa ginagawa niya. Hindi ko siya mabasa. Para bang may iba sa kanya na hindi ko ma pin point kung ano! Nang lumuwag ang pagkakahawak ko sa kanya ay kumaripas siya ng takbo. Hahabulin ko pa sana siya ng...

"Hey bitch!" Salubong ng mga kaibigan ko sa akin. 5 kami sa grupo at andito silang apat para sunduin ako. Siguro magkacutting classes na naman sila.

"Saw you with that new girl. Binubully mo ba 'yon?" Tanong ni Kim sa akin nang umakbay siya sa akin. Cheerleader siya at I'm jelous with her height. Mahahaba kasi legs niya at sexy pa kaya madaming siyang admirers di lang sa school pati na rin sa labas. Childhood friend ko rin siya at kaklase ko siya buong buhay ko. Close ang families namin kaya parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya.

"Nope. She's my partner." Simpleng sabi ko sa kanila.

"What? Are you into girls now?" Lokong tanong ni Tricia. Sabi nila parang magkapatid kami. May pagkakahawig kasi kami pero hindi naman masyado. Well, we're cousins so expected 'yun. She's originally from states pero she stayed here noong grades six. Nasa bahay namin siya nakatira kasi nga nasa states ang parents niya. Busy as fuck.

"No! What I meant is that partner ko siya sa mga subjects. 'Yung ang sabi ni kalbo." Nagsitawanan kami sa sinabi ko. Grabe talaga kaming magkakaibigan eh.

"OMG! Nabasa niyo ba 'to?" Eto naman si Kayla. Siya 'yung chikadora sa amin. Updated lagi sa mga chismis sa school. Siya 'yung source namin. Ewan ko ba, pero parang hobby niya na ang maging chismosa. Nakakaaliw naman din siya kasama kaso nakakainis rin siya minsan. Bukang bibig niya kasi 'yung mga issues sa school.

"Ano yan? Hindi ka talaga nauubusan ng chismis ano?" Pangtutukso ni Faith sa kanya. Si Faith nga pala ang best friend ni Kayla. Well, more on enemy pero magkaibigan talaga sila. Actually, naging kaibigan namin si Kayla dahil kay Faith. I met Faith noong freshmen years namin. Athlete siya ang we get along nang nagkateam kami sa volleyball.

"Its about the new girl we saw kanina! See!" Pinakita ni Kayla ang screen niya and it was an article about Alyxsis. She's a famous painter and named as "Art Prodigy".

"Oh! Sikat na sikat pala siya sa UK! Tsaka nakahakot pa ng maraming award!" Sigaw ni Faith na manghang mangha siya sa nalaman niya. Nagsitinginan ang iilang studyante sa amin kaya sinush ko sila.

"What the hell! I can't believe it na may ganitong tao tayong mamemeet! Classmate pa natin!" Sabi ni Tricia na tuwang tuwa.

"And guess what? Partner pa ni Hannah! Ang swerte mo bitch!"Sumang-ayon naman ang tatlo sa sinabi ni Kim. Hindi ko na alam kung ano pang pinagsasabi nila pero intrigang intriga talaga sila bagong student. I wonder why she's here. Kung sikat siya doon, she could just stay there. Mas maraming magandang school doon so why here?

Art Prodigy, huh.

Choosing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon