Chapter 4

542 5 0
                                    


Kinausap ko si daddy tungkol sa sinasabing pair up namin ng transferee. He said that it was for me. To make me better. I don't understand him though. Oo, lagi akong nagkacutting classes pero hindi ako bobo. In fact, I was a math quizzer noong elemntary. It's just that, class is boring. Ba't pa ako mag eeffort kung mamanahin ko naman ang school in the future. Kung ano mang klaseng plano ito, siguro akong hindi lang ito tungkol sa akin. It's also about that girl. Alyxsis Sophia Adams. Why are you here? Who are you?

So I searched her on the web. I found out na wala siya social media accounts! Grabe! Ang tanging nakikita ko lang are articles about her and her works. Walang masyadong infortmation about sa family niya pero sabi sa ibang articles is Irish ang father niya while pure Filipina ang mother niya. At the age of 4 ay nakitaan na siya ng husay sa pagpinta. I saw her wonderful works and I think nararapat ang na tawagin siyang Art Prodigy. Most of her paintings were realism art work. At gaya nga ng sabi sa article na nakita ni Kayla, marami na siyang nahakot na awards sa iba't ibang bansa. Ang pinagtataka ko eh hindi man lang siya ngumingiti sa mga pictures. Hindi ko mabasa ang mata niya pero parehong pareho ito sa tuwing tinititigan niya ko. 'Yung titig na para bang tagos na kitang kita niya ang kaluluwa mo. Hindi ko ma explain eh pero nakakatakot.

Nagreresearch pa rin ako tungkol sa kanya ng nagchat si Jake sa akin.

Jake: Hi Baby!

Agad akong napangiti. Kahit busy siya sa school ay bumabawi naman siya. Hindi niya ako nakakalimutang tawagan o ichat pagnagkakatime siya. Agad akong tumipa at nagsend ng reply sa kanya.

-Hi! Kamusta araw mo?

Jake: Okay lang naman. Sorry, hindi na kita nahatid kanina. Puspusan practice namin eh.

-Okay lang. Hinatid naman ako nila Faith sa bahay. Nagshopping rin kami so its fine.

Jake: I miss you so much ☹

-Miss rin kita baby! Date mo 'ko once tapos na game mo ha?

Jake: Will do baby! By the way, may celebration kami sa bahay this weekend. Mom and dad wants you to be there!

-Ah, so si tita at tito lang ang may gusto na pupunta ako?

Binibiro ko lang siya kaya naman laking gulat ko ng nag-ring ang phone ko para sa videocall. Napangiti ako dahil alam kong natataranta na 'yon ngayon! I end the call at ngumisi ako. Ha! Sarap pagtripan nitong si Jake eh!

Jake: Answer my call right now!

-Seen.

Jake: Baby!

Jake: ;(

Jake: Hannah Jazmine Montereal!

Halos maluha na ako sa kakatawa! Ewan ko ba ba't ang dali daling mapraning nitong boyfriend ko. Tumawag siya uli and this time, sinagot ko na. Mukha niya agad ang nakita ko. Nasa kwarto siya dahil alam ko ang color ng wall niya sa room. Mas natawa pa ako ng nakabusangot siyang nakatitig sa akin. Ang cute lang!

"Sorry baby! Ano ka ba joke lang 'yon!" Tawang tawa pa rin ako sa kanya habang ganon pa rin ang mukha niya.

"You know that I badly want you to be here! Kung pwede nga lang dito ka sa tabi ko buong magdamag eh!" Iba rin 'tong boyfriend ko eh. Gustong magpalambing! Tampu-tampuhan!

"I know baby. Sorry na! I'll be there so don't worry! Ngiti na!" Sabi ko sa kanya habang nangingiti. Matapos ng ilang minutong pagkukulit at paglalambing eh ngumingiti at tumatawa na siya ngayon. Parang babae rin 'to eh. May topak minsan!

Choosing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon