Wanderer (2)

1.9K 69 10
                                    

Nakakalunod.

May munting haplos sa aking puso dala ng halik na ibinibigay niya. Nakakapawi ng sakit. Nakakapagaan ng damdamin.

Saka lang ako natauhan nang unti-unting humiwalay ang kanyang mga labi sa akin. May pagaalinlangan sa kanyang magandang mukha. Gusto ko sanang sabihin na wala siyang dapat ipagalala sa nangyari ngunit walang lumalabas na salita sa aking bibig. Maging ang utak at puso ko'y naguguluhan.

Kasabay ng pagpapaalam ng banda sa madla ay ang paghakbang ko palayo sa kanya.

------------

Nakatambay lang ako sa pinakalikuran kung saan wala masyadong tao. Nagpapahangin at pilit inuunawa ang naganap kanina. I just can't believe that she'd actually kiss me. I mean, why? Di rin ako makapaniwala na I actually like it. Ewan ko ba, ang gulo ko. I was just being overly dramatic over my ex earlier, ngayon naman para akong tanga na nahalikan ng unang beses. Di ko mapaliwanag pero there's something in her na nakakapagtanggal ng poot sa aking puso. Ang gaan ng loob ko sa kanya kahit ngayon pa lang kami nagkakilala. Kung naniniwala lang talaga ako sa soulmates, baka naisip ko pang soulmate ko siya. Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko dahil gulong gulo na ako. Hay.

Tatayo na sana ako upang balikan siya at makahingi ng tawad sa pang-iiwan sa kanila nang may tila nag aabot ng tubig sa akin. Tumingala ako upang makita kung sino ito....naunahan na pala niya ako.

"Rhi..." I said softly.

She half smiled. "Here, baka nauuhaw ka na." Tinulungan niya akong tumayo at saka inabot ang tubig na siya namang inabot ko.

"Rhi..." sambit kong muli.

"Look, G. I'm really sorry. I don't what has gotten into me. Ikaw naman kasi. We were just happy singing along tapos all of a sudden bigla ka mananahimik. I didn't know what to do when you started crying so I just did the first thing that came into my mind. I'm sorry if I offended in you in some way. Mukhang na-trauma ka pa sa akin. But I do hope you could forgive me. I still wanna be friends with you, you know." Tuloy -tuloy na paliwanag niya.

Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon. Para siyang batang nagpapaliwanag sa galit na nanay. Pero heto, ayaw magpapigil ng ngiti na kumawala sa aking labi. "Rhi, I was just gonna thank you for the water. Ang dami mo nang sinabi." Tuluyan na akong natawa. "But since you brought it up, I say we're cool. Nagulat lang ako. Sorry din na bigla akong umalis." Okay naman talaga eh. Dapat naman talaga akong mainis dahil sa pagnanakaw niya ng halik pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong di ko nagustuhan ang halik niya. Pero syempre di ko naman pwedeng sabihin sa kanya yon. "Grabe ka pala ah pag may nakikita kang umiiyak, hinahalikan mo." Pangaasar ko sa kanya.

Pinamulahan ito ng mukha ngunit nakabawi agad. "Sayo lang." Ganti niyang asar sa akin.

Sayo lang. Ewan ko ba dito sa malandi kong puso, kinilig naman.

"Wag ka nang kiligin diyan. Let's go find some food?" Aya niya sa akin.

"Y-yeah. Sure." Nauna na akong maglakad.

--------

Ang dami na naming kinainang booth pero hindi ata nabubusog tong kasama ko. Hinayaan ko na lang, mukha kasing nageenjoy sa iba't ibang pagkaing natitikman niya. Pero ang mas ikinatutuwa ako ay yung mga similarities namin with each other. Pareho kaming hindi mahilig sa sauce. Halos lahat ata ng dip na kasama sa mga binili naming pagkain ay isinantabi lang namin. Maging ang ketchup ay hindi uso saming dalawa.

Nakaupo kaming dalawa sa bench at malayang nagkukwentuhan. Mas lalo kong nakikilala ang katauhan ni Rhi. Mas lalong gumagaan ang loob ko sa kanya. I love how carefree she is. Her spirit inspires people. Parang ako, she somehow managed to motivate me to pursue what I really want. Yung ako mismo magdedesisyon para sa sarili ko. Yung walang dikta mula sa ibang tao.

Love, RASTROWhere stories live. Discover now