Airport Misfortune (Bonus)

944 56 14
                                    

- -

Disclaimer: If you think you were satisfied with the ending in the previous chapter then I am telling you...SKIP THIS CHAPTER. I REPEAT, SKIP THIS CHAPTER.

The demand for a bonus chapter is super high kaya I just had to add this. 😂

- -

Mahimbing na natutulog ang anghel na katabi ko sa aking balikat. Napagod ata sa buong araw na pag-iikot at kadramahan na naganap sa aming dalawa. Kanina ko pa siya pinagmamasdan kasabay ng panaka-nakang haplos at halik sa mukha niya. Mygoodnes, I just can't get enough of her.

Iba rin talaga maglaro ang tadhana. Pareho kaming hindi makapaniwala na magkatabi kami ng seat number. Parang meant to be na magkita kami muli. Simula kaninang boarding hindi na kami mapaghiwalay. Ayoko na siyang pakwalan pa lalo na't alam ko na ang tunay na nararamdaman niya.

Tinawag na ang flight number ko for boarding kaya dali dali akong naglakad papunta sa gate number na naka assign sa amin. I stopped on my track when I saw her. Kahit ilang oras lang kami na nagkalayo namiss ko agad siya.

Medyo mahaba na ang pila for boarding pero ipinagtataka ko kung bakit instead na pumila siya eh tila ba may hinahanap siya. Hindi kaya ako ang hinahanap niya? Hindi na ako nagpalipas pa ng oras kaya lumapit na ako sa kanya. Nakatalikod siya nung paglapit ko kaya hindi niya pansin ang presensya ko. She really looks bothered sa hinahanap niya kaya di niya namalayan na may tao sa likod niya. Naisip ko na magparamdam na nang sa gayon ay makapagpaalam ako sa kanya ng maayos bago kami maghiwalay ng landas. Alam ko naman na sa paglapag namin sa Manila ay imposible na namakapag-usap pa kami.

"Looking for me?" Pasimple ko sa kanya.

Natigilan siya pero hindi siya lumingon agad. Naisip ko tuloy na baka ayaw niya talaga akong makita kahit sa huling pagkakataon. Pero laking gulat ko nung lumingon siya na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Glai..."

"Rhi..." Napangiti na rin ako sa kanya.

"Akala ko hindi na kita makikita. I was looking for you," sabi ni Rhian.

"Hinahanap mo ako?" may pagtatakang tanong ko.

She nodded. Hindi pa rin nawawala yung ngiti niya. "I need to tell you something. You need to hear me out."

"Ano ba yun?"

She took a step closer at huminga ng malalim. "Nahirapan akong sagutin ang tanong mo kanina kasi.....ang totoo kasi Glai...."

"Ano yung totoo, Rhi?" inip kong tanong.

"Ang totoo kasi....hindi naman talaga kita nakalimutan. Andito ka pa rin sa puso ko at hindi ka na mabura-bura. You aksed me to teach you how to unlove me but how can I if I myself don't know how to unlove you. Glai, if there's one thing I realized, yun iyong katotohanan na mahal pa rin pala kita after all these years. Umalis nga ako at di na bumalik pero....pero yung puso ko naiwan sayo."

Hindi ako makapaniwala na narinig ko lahat ng iyon. Ang buong akala ko ay tapos na ang meron sa amin. Akala ko wala nang pag-asa ang kwento naming dalawa. Akala ko ako na lang ang nagmamahal. Akala ko lang pala.

"I just thought you needed to know," pahabol niya.

"Yes, Rhian." Lumapit ako lalo sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "That's all I ever needed to know. I'm glad you told me."

"Mahal na mahal kita, Rhian. Mula noon hanggang ngayon," sambit ko sabay halik sa noo niya.

"Last call for the passengers of Flight 5J856 bound for Manila. Please proceed to Gate 4."

Love, RASTROWhere stories live. Discover now