The Proposal (2)

978 52 5
                                    


Can this day get any better?

Wala naman akong ginawang masama sa universe eh. I've been a good daughter, a reliable friend, and a loving partner to my oh so gorgeous girlfriend. Pero bakit simula nung gumising ako ngayong araw eh puro kamalasan na ang dumarating sa akin? Tulad ngayon, tirik na tirik ang araw gaya ng sasakyan ko na tumirik sa gitna ng daan. I've been waiting for help under the heat of this blazing sun for almost 20 minutes already. Nauubos na ang pasensya ko. I've got a lot to accomplish today at hindi ko magagawa yun kung napakaraming hadlang para magawa ko ang mga iyon.

"Damn it!" I growled out of frustration. Pumasok ulit ako ng sasakyan at doon pinakalma ang sarili.

Actually, hindi lang kaninang umaga nagsimula ang kamalasan ko eh. Last night when Rhian called and blurted out her good news, I was supposed to be happy, we were supposed to be happy but my initial reaction got her off. She didn't like what she saw; shock and panic were evident in my face. She accused me of not being happy with her sudden comeback and that she thinks i'm with someone else. Yes, that escalated quickly. As much as I tried so hard to assure her that i'm excited to see her and that I have nobody else but her, she wasn't convinced. I fell asleep knowing that my girlfriend is fuming mad at me.

Napaangat ako ng tingin nung may kumatok sa katabi kong bintana. Dumating na pala yung tulong na isang daang taon ko nang hinhintay. Agad ko namang binaba ang bintana.

"Ma'am, sensya na ho. Mabagal ang usad, trapik eh." Kakamot kamot pa si kuya habang todo explain.

"Naku po! Flat pala yung isang gulong dito sa likod. Mukhang matatagalan tayo niyan, ma'am," sabi nung isang kasamahan ni kuya.

Kumukulo na yung dugo ko sa sobrang inis. Kung kailan nagmamadali saka pa mamalasin ng ganito. "Ahhh sige po kuya. Yung spare tire nasa likod. Pakigawa na lang po as soon as possible."

Bumaba ulit ako ng sasakyan at dinial ang number ng best friend ko. Buti naman maaasahan to sa pagsagot ng tawag.

"Oh, Glai? Nakarating ka na ba?"

"Ayun na nga eh. Naflatan ako ng gulong. Medyo matatagalan pa ako dito sa daan. Badtrip! Ngayon pa talaga natirikan out of all days! Hindi ko na nga macontact girlfriend ko, maling kape pa ang nabigay sa akin kaninang umaga, unavailable yung venue na tinawagan ko kanina, feeling ko pa lumapit ang geographic location ng Pinas katabi ng sun, tapos ngayon naisipan pa ng gulong ko na maflat! Chynns, nakakainis!" Di ko na maiwasang ibuhos sa best friend ko ang frustration ko. I know hindi tama na inuuna ko ang init ng ulo pero sinasadya ata ng universe to eh. Feel ko eh!

"Nyeta, Glai. Ikalma mo nga sarili mo. Walang mangyayari kung mag papanic ka lang. Sumasakit din ulo ko sayo eh!"

"Pero Chynns, I got roughly 15 hours to finish everything before Rhian arrives. What if hindi enough yung time to finalize everything? What if may aberya?" Eto na naman ako, nag papanic.

"Hep! Calm down. Let me handle things. I'll just call you for the details. Ang mabuti pa, ikalma mo sarili mo diyan habang naghihintay na maayos yung kotse mo. After that dumiretso ka na para bumili ng engagement ring, okay?"

"You sure 'bout that? Inform me every now and then Chynns ah. Di ako mapapakali hanggat di naaayos ang lahat. I just wa----"

"Oo na Galura! Ang sarap kurutin ng tagiliran mo eh. Nakakaloka ka! Napaka excited naman kasi, kala mo babalik agad ng London yung tao pagkalapag ng eroplano sa Pinas. Atat lang teh?"

Napabuntong hininga naman ako sa tinuran ng aking magaling na best friend. "Alam mo Chynns, mahirap na kasing isagawa ang plano kung nandito na si Rhian. Malakas pang amoy nun eh. Mabubuking agad plano ko if ever."

Love, RASTROWhere stories live. Discover now