Gone in the Wind

1.8K 53 11
                                    


"Happy birthday, Bea. I hope you'll have a great year ahead of you."

That was her very first message to me a year ago. I never expected that she would recognize me. Nagulat na lang ako when I received a notification coming from her. I don't even know kung paano niya ako nakilala because I do believe that I'm a nobody compared to her. Her name's familiar to almost everyone here at school. Bukod kasi sa angking ganda nito ay hindi rin matatawaran ang galing sa larangan ng sining. Personally, I'm amazed by how she's able to play with her art, putting so much emotion to every work that she does. She's practically gifted with not only visuals but as well as with words. Once you get to see her art, you'll unconsciously get drawn to it....and to her.

At first, I thought it was just a little admiration. Who wouldn't admire her as a whole, right? I was pretty sure last year that whatever this feeling I have towards her is nothing but a petty crush. Di ko rin naman sineryoso to dahil hindi naman kami magkaklase. Never kaming nagkakasama. Bukod don, iba ang pinagkakaabalahan ko ng mga panahong iyon. Pero iba rin ang takbo ng isip ni tadhana, naisipan niyang paglapitin ang aming mga mundo. It was a month ago nang maging malapit na kaibigan ko si Alexandra, bestfriend niya. Dahil na rin siguro sa friendly personality ni Alex ay naging kaibigan na niya halos lahat sa batch namin, kasama na don ang mga kaibigan ko. Nagustuhan ko ang ugali ni Alex kaya na rin siguro napalapit ako sa kanya. We got along so well kaya mas naging mag close kami ni Alex kesa sa mga kaibigan ko na nauna niyang nakilala. During those times, hindi maiiwasan na magtagpo ang landas namin ni Zoe, the one and only. Obviously, mag bestfriends ang dalawa kaya kung nasaan si Alex ay naroon din si Zoe most of the time. Pareho naman kaming hindi isnabera ni Zoe kaya pag nagkikita kami ay nagbabatian naman kaming dalawa, kunwari close din kami.

Tulad ngayon, magkatapat ang aming upuan sa lecture hall kung saan ginaganap ang huling session ng retreat namin. Nung magtama ang aming mata ay nginitian niya ako at ganun din ang ibinalik ko sa kanya. Hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng hiya knowing na ilang oras kaming uupo na magkatapat. Maybe because I am not so confident about myslef and her beauty is overflowing? Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pakikinig sa lecturer.

The time has come for us to exchange retreat letters and have a moment for ourselves. Medyo marami rin yung ginawan ko ng letter at syempre sinama ko na siya dun. Marami rin naman akong natanggap pero ang mas ikinatuwa ko ay yung makita ako na binigyan din pala niya ako ng letter. Agad kong binasa ang mga natanggap kong sulat at inihuli ko ang galing sa kanya.

Dear Bea,

You are such an inspiration to a lot of people. Little did you know that I admire you for being such a good singer and a brilliant student. I hope to bond and be more close with you before the school year ends. Continue to share smiles and comfort to those who might need it. Please do enjoy the retreat. Good luck on your career.

All my love,
Zoe V.

I'm smiling like an idiot now. Pansin niya pala ang aking pagkanta minsan kasama ang banda ng bestfriend ko. Di ko maiwasang kiligin ng slight sa kaisipang hindi naman pala ako isang hangin lang sa kanya. Kilala niya pala talaga ako at sabi pa niya she admires me. Tapos, she hopes to spend more time with me. Akalain mo yun, napapansin din pala ako ng isang Zoe Velasquez.

"Makangiti wagas ah! Kanino ba yan?" pang uusisa ng bestfriend kong si Jong.

"Manahimik ka nga. Nagmomoment mga tao dito oh. Pakielamero ka talaga." Umiling na lang ang bestfriend ko at ibinaling ang atensyon sa kakalase namin.

Nagpatuloy ang exchange of HIs and HELLOs namin ni Zoe everytime na nagkikita kami. There are other times na we get to have a small talk pero syempre kasama namin si Alex o di kaya iba pa naming kaibigan. Napansin ko na rin na parang iba na ang ikinikilos ko lately. Parang somehow I became conscious sa itsura ko at sa pananamit ko. Feeling ko rin yung mga ginagawa ko is to get her attention. Everytime pa nga na dumadaan ako sa room nila eh todo lingon ako sa door nila na para bang mababalian na ako ng leeg. Do I like her already?

Love, RASTROWhere stories live. Discover now