Chapter 3

805 21 11
                                    

Renz’s POV

Nang malapit na kami sa court ni Risse, tumakbo agad ako para saluhin si Karina.. Nagkatinginan kami, at nag-smile siya.. Haay kung nakakatunaw lang ang pag-ngiti, natunaw na ko..Ang ganda niya talaga..

"Uhm, thank you sa pagsalo Renz" sabi ni Karina habang namumula, ang ganda niya talaga..

"Wala yun Karina, kung hindi kita sinalo baka nasaktan ka pa.."

"Sana ako na lang ang nahulog at hindi yung phone ko, lagot tuloy ako kay dad :((" biglang lumungkot ang mukha niya..

"Bakit ba may hawak kang phone habang nag-papractice kayo, di ba bawal yun?"

"Binigay kasi ng ka pep-member ko, tumawag si dad eh''

"Di ba pwede naman sagutin yung tawag kapag break niyo na?"

"Strict si dad eh, kelangan kong sagutin ang tawag niya, Renz thank you ulit.. sige ah, iinom muna ko ng tubig"

"Wala yun Karina, tama na ang isang thank you sakin"then nag-smile ako

"Sige, punta na ko doon"

Nag-nod nalang ako, at nagsimula ng lumakad papalayo sa akin..Naiwan akong naka-ngiti, ng mapansin kong nawala na si Risse sa tabi ko.. Oo nga pala, iniwan ko siya kanina..tskk. magtatampo na naman yun.. i-tetext ko na lang siya..

*To: Risse

Risse, nasaan ka? Bakit bigla kang umalis?*

10 minutes na ang lumipas at hindi pa rin nag-rereply si Risse, kapag di pa din siya nag-reply after 5 minutes tatawagan ko na siya.. tskk..

Risse's POV

Umalis na ko sa court, di nanaman niya ko kelangan dun..nandyan na si Karina sa tabi niya.. Ni hindi man lang niya napansin na wala na ako sa tabi niya.. tsss

*twink* *twink*(sound effect ng text message)

*From: Renz Loves

Risse, nasaan ka? Bakit bigla kang umalis?

haaay.. di ako maka-isip ng i-rereply sa kanya.. pero after 11 minutes nakaisip na ko..

*To: Renz Loves

May pinuntahan ako Renz, importante lang to' kaya sorry kung di ako nakapag-paalam.. Bawi nlang ako next time..

*From: Renz Loves

Ah sige, okay lang.. Wag ka ng mag-reply, maya ka na mag-text..

Kahit wala talaga akong pupuntahan yun nalang ang idinahilan ko kay Renz, magagalit kasi yun dahil iniwan ko.. Masaya na naman siya kasama si Karina.. Punta na nga lang ako sa mall at makapag-shopping.. tskk..

Karina's POV

Waaaaaaa! hanggang ngayon kinikilig ako sa pag-salo sakin ni Renz! di ko inexpect na siya ang sasalo sakin..lalo na nung nag-usap kami, kinilig ako ng sobra..nagpalusot na lang ako na iinom ako ng tubig, baka himatayin ako sa kilig..Oh no, yung phone ko nga pala.. tsss, nagpatak yun eh, nakalimutan ko tuloy sa sobrang kilig.. lagot ako kay dad nito! tskk..

Hi! Ako nga pala si Karina Michelle Ramos, 16 years old, senior, at chearleader ng Clarkson University.. Matagal ko ng gusto si Renz, di ko lang pinahahalata, alam kong gusto din siya ni Lianne, kaya medyo na-iinggit ako sa kanya kapag magkasama sila ni Renz.. tskk

"Karina, ayos ka lang ba? Namumula ka kasi.. Parang maysakit ka?" tanong ng bestfriend kong si Brianna..

"Yup, ayos lang ako"

"Eh? Nasobrahan ka ata sa paglalagay ng blush-on mo..hahaha"

"Hindi noh, nandiyan kasi si Renz eh, alam mo namang gusto ko siya diba?"

"Yieeee, inlove na ang bestfriend ko" kinikiliti niya ko sa tagiliran ng bewang ko..

"Bri naman eh! wag ka nga pahalata diyan, kakahiya kay Renz"

"Teka, di ba si Renz yun?" tinuro ni Bri si Renz, mukhang busy at may ka-text..

"Oo siya nga, bakit anung meron sa kanya?"

"Wala lang, parang inis na inis siyang nag-tetext, siguro may girlfriend na yan Karina"

"Girlfriend!? tskk..Ang alam ko wala pa siyang girlfriend.."

"Ahh okay, nga pala Karina tumawag ang dad mo sakin kanina, sabi niya tumawag kaagad sa kanya.."

"Oh no, nasira ang phone ko..patawag nalang ako Bri.."

"Sige"  binigay na niya ang phone niya sakin..

di-nial ko na ang number ni dad..

"Hello Dad!"

"Where the hell are you Karina!? Kanina pa kitang di-nacocontact!" waaaaaa..ang lakas ng boses ni Dad, siguradong galit na to'tskk

"I'm on school dad, i attend the pep-squad practice"

"You better go home now or else y----" di ko na pinatapos si dad, nakakainis na kasi eh..

"Yes dad, i'll be home in 15 minutes"

tapos pinatay ko na yung call at kinuha ko na ang mga gamit ko..

"Bri, ito na ang phone mo..i have to go na! pina-uuwi na ko ni dad"

"Sige Karina, ingat ka"

Pagkatapos kong magpaalam pumunta na ko sa parking lot..

"Manong, tara na po, pinauuwi na po kasi ako ni Dad"

"Sige po Maam" pinagbuksan na niya ako ng pinto, at pagkatapos sumakay na siya sa driver's seat at sinimulan ng patakbuhin ang kotse

"Manong, Karina na lang po..Nakakatanda ang pagtawag niyo sakin ng Maam..haha"

"Sige na nga iha, Karina na lang itatawag ko sa'yo"

"Salamat po Manong"

after 15 minutes dumating na kami sa bahay..sinalubong ako ni dad na nakakunot ang noo..

Oh no.. Halatang galit na galit si dad..tskk

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Yey! Natapos ko din ang Chapter 3! sana magustuhan niyo! :))

Comment, Vote, Recommend! :))

Thank you! :))

-danirie-

A Disaster of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon