Chapter 9

581 16 8
                                    

Renz's POV

 

Natapos na ang 1st subject namin..

Hindi ko pa rin kinakausap si Risse, pero halata sa mukha niya na gusto niya akong makausap..

Pucha kasi eh, nakakabanas.. Tawagin bang ganun ni Ivan si Risse! sinong di maiinis!

Buti na lang at hindi pumayag si best na tawagin siyang Risse ni Ivan..

Dahil kung nagkataon, masusuntok ko talaga si Ivan..

Gusto ko ako lang ang tatawag sakanya ng Risse! Selfish ba ako? Oo, selfish ako pagdating kay Risse!

Halata namang may gusto itong si Ivan sa bestfriend ko eh..Pero nabalitaan kong playboy daw si Ivan, kaya habang maaga pa kailangan ko ng mailayo si Risse sakanya, para hindi mahulog ang loob niya kay Ivan..

Masyadong importante sakin si Risse, kaya ayoko siyang masaktan.. Masakit makitang nasasaktan ang kaibigan mo..

"Oi, Renz" -Risse

"Bakit?"

"May problema ba? Kanina ka pang walang imik"

"Wala"

"Ah okay"

"Nga pala Risse, dun sa hinihingi kong tulong.. Mamaya ko na lang sasabihin.."

"Sabihin mo na lang ngayon.."

"Mamaya na lang"

"Sabihin mo na nga ngayon"

"Mamaya na nga lang eh"

"Please. sabihin mo na kasi"

"RISSE! ANO BA!? MAMAYA NA NGA LANG EH! ANG KULIT MO!" nasigawan ko na siya..kakulit kasi..

"Mr. Fajardo! keep quiet!" -Sir Santos

Nakita ko si Risse na nagpaalam sa teacher at tumakbo na sa labas..

Susundan ko na sana siya, pero biglang tumayo si Ivan at nagpaalam..tapos tumakbo palabas..tskk

Ang bagal bagal ko kasi! Ang bagal ko! Naunahan tuloy ako ng Ivan na yan.. Nakakainis! >.<

Risse's POV

 Sinigawan niya ako!? Never pa niya akong sinigawan kahit bad-vibes siya..

Bago pa tumulo ang luha ko, nagpaalam na agad ako sa teacher namin at tumakbo hanggang sa makarating ako sa may field, at doon na humagulhol..

A Disaster of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon