Chapter 22

399 10 13
                                    

Renz’s POV

Saturday na..

Ilang araw ko ng napapansin na umiiwas si Risse sakin.

May nagawa ba ako sa kanya?

Bakit ba siya nagkakaganyan?

Haaay, nag-aalala na ako sa kanya..

Kakausapin ko si Tita baka may alam siya kung ano na ang nangyayari kay Risse.

Nagbihis na ako at pumunta na sa kanila.

Saktong sakto lang ang dating ko dahil nagdidilig lang sa garden si Tita.

“Good Morning Tita”

“Ay jusmiyo.Renz ikaw pala,ginulat mo naman si Tita..”

Haha. Natawa ako sa reaction ni Tita ^_^v

“Sorry po.. hehe”

“Bakit ka nandito? Si Lianne ba ang pinunta mo?”

Gusto kong sabihin oo, pero nag-aalangan ako..

“Hindi po Tita, kayo po ang sadya ko.”

“Ahh, sige. Maupo muna tayo.”

“Mabuti pa nga po, baka po mangalay tayo sa kakatayo. Hehe”

“Anong pakay mo Renz? Nagka-problema ba kayo ni Lianne?”

“May itatanong lang po ako sa inyo. Opo, may problema po ako kay Risse”

“Ano yun? Baka makatulong si Tita.”

“Tita, kasi ilang araw na akong iniiwasan ni Risse eh. Alam niyo po ba kung bakit?”

“Nako iho, hindi ko alam. Pero napansin ko siya noong mga nakaraang araw na malungkot at matamlay. May ginawa ka sa kanya noh?”

“Wala naman po akong naaalala na ginawa ko na ikagagalit niya.”

“Tanungin mo nalang si Lianne, kung bakit siya umiiwas. Di naman kasi siya masyadong nago-open up sakin, alam mo na.. Busy ako lagi..”

Haaaay, oo nga pala. Daddy's girl si Risse..

“Sige po Tita. Salamat po sa time. Mauna na po ako..”

“Ingat ka sa pagd-drive iho. Sana maayos niyo ang problema ng anak ko..”

Hindi pala alam ni Tita.. tskk

Si Ivan kaya alam?

Siguradong alam niya, siya lagi kasama ni Risse eh -_-

Tanungin ko kaya siya?

Wag Renz! Wag na wag mo siyang tatanungin..

Argggh! Tatanungin ko na nga siya, para maayos na namin ni Risse ang problema..kung sakaling meron man.

Nagbaba din ako ng pride ko.. tskkk

Nagpunta ako sa bahay nina Ivan.. Pagdating na pagdating ko doon, nag-doorbell agad ako.

Ivan's POV

Pang-gulo naman 'to..

Tsskkk..

Agang-aga may nagdo-doorbell..

"Sandali lang Clarisse, intayin mo nalang si Mommy. Pababa na din yun"

"Okay."

Ngumiti na lang ako kay Clarisse, tapos lumabas na ng bahay para buksan ang gate..

Pagkabukas ng gate, nagulat ako.,.

Bakit nandito siya?

Bakit nandito si Renz?

"O, Renz. Bakit ka nandito?"

"May itatanong lang sana ako.."

"Ano yun?"

"Ivan, tinatawag ka ni Tita sa loob.."sigaw ni Clarisse habang papalapit siya sa gate..

"Sige Clarisse, pumasok ka na.. Susunod na ko.."

"Nandyan pala si Risse."sabi ni Renz..

"Oo, bakit? May masama ba doon?"

"Wala naman, sige Ivan. Next time nalang tayo mag-usap.. Goodbye.."

"Sige, ingat ka."

Ano kaya ang itatanong ni Renz sakin?

Shet. Nacu-curious ako..

Makapasok na nga sa loob.. 

Naghihintay na sakin si Clarisse at si Mommy ^___^

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Short UD of ADL :)))

Sorry sa mga naghihintay :))

Bawi bawi nalang ako kapag may free time ulit. :))

COMMENT.VOTE.RECOMMEND.

Love lots,

~danirie ♥

A Disaster of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon