Chapter 21

351 8 3
                                    

Renz's POV

Ako na ata ang pinakamasayang lalake sa mundo!

Woooooo!

Sa wakas maliligawan ko na din ang babaeng pinakamamahal ko ^___^

Dapat 'to malaman ni Risse..

For sure magiging masaya siya para sakin.

Pagkatapos kong ihatid si Karina, nagtuloy na ako sa room..

Nakita ko doon si Risse, nakatulala. Parang wala siyang kamuang-muang sa mundo..

Anong nangyare sa kanya?

May ginawa ba si Rodriguez kay Risse?

Andami kong tanong sa sarili ko..

Lumapit ako kay Risse, at nagsimulang magtanong..

"Risse, okay ka lang?"

"Oo naman."

"Sure ka? Parang wala ka sa sarili ngayon eh.."

"Okay nga lang ako eh.."

"Di nga? Gusto mo samahan kitang pumuntang clinic?"

"Renz, ilang beses ko bang uulitin sayo na okay lang talaga ako?"

"Nag-aalala lang naman ako sayo eh.."

"Pag sinabi kong okay ako, wag ka ng makulit.. please"

"Okay."

Umalis na ko sa harapan niya at pumunta na ako sa upuan ko..

Bakit ganun ang inaakto ni Risse?

Parang ang cold niya sakin?

May problema ba?

Sasabihin ko na sana sakanya yung tungkol samin ni Karina, kaya lang wala siya sa mood ngayon..

Sayang talaga eh.

Gusto ko siya ang unang unang makakaalam, pero parang malabo..

 *kriiiinnnggg*

Sheesh, bell na.. tskk..

Risse's POV

 Kailangan kong iwasan si Renz..

Yan ang goal ko ngayon..

Ayoko lumala ang pagka-gusto ko kay Renz..

Alam ko naman di niya ako kayang mahalin eh..

Kaibigan lang ang tingin niya sakin..

Haaay, buong maghapon akong nagbigay ng cold treatment sakanya..

Parang di ko na kaya..

Ayoko siyang iwasan, pero kailangan..

Para na din 'to sa friendship naming dalawa..

"Clarisse, okay ka lang? Tara na, tapos na ang klase" 

"Ah sige, wait lang. Aayusin ko lang gamit ko."

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit, lumabas na kami ni Ivan..

"May gagawin ka ba sa Saturday?" tanong ni Ivan sakin habang naglalakad kami..

"Wala naman, bakit?"

"Iimbitahan kita sana sa bahay, lagi ka kasing hinahanap ni Mommy."

"Sige, punta ako sa inyo sa Saturday.."

"Wag na, susunduin nalang kita.."

"Ako nalang pupunta sa inyo, sayang ang gas ng kotse.. Haha."

"I insist, ako nag-invite sayo. Dapat ako sumundo sayo.."

"I give up. You win. Hahaha."

"Nandito na pala tayo sa parking lot, tara na." 

"Oo nga, di ko napansin na nandito na tayo.. Daldal mo kasi.."

"Sayo lang naman ako madaldal.. Haha.

"Oo nalang.."

Ivan's POV

Ang saya saya ko ngayon!

Grabe di ko inexpect na papayag siyang pumunta sa bahay..

Lagi na lang ako kinukulit ni Mommy tungkol sa kanya eh.. >.<

Tinatanong pa kung nililigawan ko si Clarisse.. tskk

Asa pa naman na sabihin kong may balak akong ligawan si Clarisse..

Pakialaman pa ko nun eh.. tskk -_-

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Belated Merry Christmas everyone! :))))

So here's the UD..

Thank you sa pagsuporta :)))

VOTE.COMMENT.RECOMMEND.

Love lots,

~danirie ♥

A Disaster of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon