Chapter 3: They Had A Promise

133 2 0
                                    

Ezekiel’s POV

Aamin na ako sainyo. Ayaw ko talaga ng slambook kasi nga as far as I know slambook is for girls kaso si KC kasi yung nagplease eh. Di ko siya kayang tanggihan. Paano ba tanggihan kung mahal mo? Oo, mahal ko si Kayla Catherine Bernal simula pa noong 1st year kami. Di ko nga alam kung nung 1st year lang ba talaga o matagal na? Kaso natotorpe kasi ako noon tsaka may nanligaw agad sakanya nung 1st year at nung nagbreak naman sila may nanligaw ulit sakanya agad. Ganun ulit yung nangyari sa 3rd boyfriend niya. Yung 1st and 2nd boyfriend niya tumagal ng halos 1 taon pero yung 3rd niya halos 6 months. Pero pareparehas sila na niloko lang siya. Si Jessica naman sinabihan kami nina Darren at Dustin na kailangan daw namin iganti si KC. Kaya lahat ng nanloko sakanya nakatikim ng mga kamao namin nina James at Dustin and sampal naman galing kay Jessica. Feeling ko ako ang may pinakamalakas na suntok na binibigay sa mga lalaking yun dahil sinaktan nila ang babaeng mahal na mahal ko. At kaya rin naman ako pokerface sa biro ni Jessica kay James ay dahil ewan ko pero para nasaktan ako na sinabi ni Jessica na girlfriend ni James si KC dun sa cashier.

“Boys, uuna na pala ako. May lakad kasi kami nina Mommy.” Paalam ni Jessica

“Paano ako Bestie?” habol naman ni KC

“Harmless naman yang mga yan eh.” Sabi naman ni Jessica

“Alam ko. I mean wala akong kasabay pauwi.” Sagot ni KC

“Sila na ang bahala sayo. Di ka papabayaan ng mga yan. Di ba?” sabi naman ni Jessica sabay tingin sa amin

“Oo naman.” Sagot ko

“Oh, ayan ha. Okay na? Gotta go! Bye Bestie, Bye guys!” paalam ni Jessica at umalis na rin

AFTER SOME MINUTES

“Guys, di ako na ako makakasama sa paghahatid kay Kayla kasi ang layo ng way ko. Sorry Kayla ha?” sabi ni Dustin sa amin

“Okay lang yun Dustin. Ingat ka na lang.” Sabi ni KC sabay smile at nagsimula na kaming maglakad

“Teka, Eze di ba iba na ang way mo pagdating dito?” si James ang nagsalita

“Oo. Bakit?” sagot ko. Nandito na kasi kami sa street papunta kina KC. Para po malaman niyo nasa iisang subdivision lang ako, si KC at si James. Yung bahay ko sa right side si KC naman at James sa left side.

“Uwi ka na. Ako na bahala kay KC.” Sabi ni James

“Ha? Okay lang. Di pa naman ako hinahanap sa bahay.” Well, to be honest di lang ako kumportable na si KC at James lang ang magkasama kasi ewan ko siguro nagseselos o natatakot na baka magkagusto si KC kay James kasi alam ko naman na mas gwapo siya kaysa sa akin tapos mabait din siya kay KC. Si KC naman madaling mafall sa lalaking sweet kaso di ko alam kung bakit di siya nafafall sa akin eh sweet naman ako sakanya. Tsaka pagnafall si KC kay James masasaktan lang siya dahil si James ang taong di naniniwala sa LOVE.

“Sige. Tara na.” Sabi naman ni KC at nagpatuloy na kami sa paglalakad

Pagkarating sa tapat ng bahay nina KC.

“Salamat sa paghatid Kiel at DJ. Ingat sa daan kahit malapit lang. Hahahaha!”

“Oo na. Sige una na kami ni Eze.” Sabi ni James

“Pasok ka na KC.” Sabi ko at pumasok na siya

Kami na lang ni James ang naiwan ngayon dito.

“James..”

“Bakit Eze?”

“James, Wala ka namang gusto kay KC di ba?”

What is Love? [KathNiel and KathQuen Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon