Chapter 20: Let Me Finish

35 0 0
                                    

Kayla Catherine's POV

Sabi ko na eh! Trip lang yun! Paano nga ba magmamahal ang taong na hindi naniniwala sa pag-ibig?! Ang tanga ko talaga! Umasa pa ako! Ang sakit! Sobrang sakit!

"KC!"

"Kayla!"

"Catherine!"

"Bernal!"

Oo naririnig ko ang pagtawag sa akin ng paasa kong kaibigan na si DJ pero ayoko na kasi masakit na sobrang sakit na!

"Kayla Catherine Bernal soon-to-be Pedragosa!"

Napahinto ng kusa ang mga paa ko sa narinig ko. Di ako makagalaw. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganun? Parang nawala lahat ng sakit sa isang iglap. 

"Sus. Yun lang pala makakapagpahinto sa'yo eh! Pinagod mo pa ako at ang sarili mo. Pasalamat ka mahal kita!"

"DJ, itigil mo na ito. Ayoko na makipaglaro sa'yo. Natutunan ko na yung leksyon na tinituro mo sa mga naging babae mo. Tama na. Kasi sobrang sakit parang ikakamatay ko na."

"Mahal kita. Mahal kita. Mahal na mahal kita."

Author, ano ba naman pahirap lang? Ginaga*o ba ako ng lalaking ito? Di yata marunong magtagalog eh.

"DJ, can't you understand? I told you to please stop. Because it is too painful that it can kill me!"

"I love you. I love you. I love you so much. You are the one who can't understand KC!"

"Leche naman Darren James! Ano ba! Ginag*go mo ba ako? Sasabihin mong mahal mo ako tapos sasabihin mong di ka naniniwala sa love? Sira ba yang ulo mo?!"

"Bakit ba kasi di mo ako pinatapos?"

"Ha?"

"Ngayon tanungin mo ako ulit kung hindi ako naniniwala sa love."

"Di ba hindi ka naniniwala sa love?"tanong ko naman

"Oo. Pero--"

"Tang*na naman yan DJ! Pinatanong mo pa eh paasa ka talaga eh!"

"Patapusin mo ako! Pwede?"

"Okay..."

"Oo. Pero noon yun. It takes so many years for me to understand what does the meaning of my smiles when I see you, my laughs when you are making funny faces, my fast heartbeats when you are beside me, my anger when I see you in pain, and this painful feeling inside whenever I see someone making you smile and happy. Sh*t Kayla Catherine Bernal, mahal na pala kita noon pa! Nabulagan ako sa nararamdaman ko para sa'yo. Di ko alam na ang meaning pala sa akin ng mahalaga ay mahal. Di ko masabi kasi against ito sa paniniwala ko. Kasi ayokong maniwala na mali ako. Mali ako na hindi totoo yung love. All this time in love pala ako. In love ako sa'yo. Tama si Dustin, makakahanap ako ng katapat ko. Nahanap kita. Nahanap ko yung babaeng magpapamulat ng mga mata ko. Wala akong naramdaman sa kahit sinong babae na naging girlfriend, ka-fling o kalandian kasi sa'yo lang ako may naramdaman at nararamdaman. Sarado na yung puso ko sa iba. Sa'yo lang kasi ito eh! Ikaw lang mula noon hanggang ngayon. Kinailangan ko pa lumayo para maamin sa sarili ko na ang tanga-tanga ko. Pinalamon mo sa akin lahat ng sinabi ko KC. Totoo ang love. Sorry KC. Di ko alam kung paano pero  gagawin ko lahat para maiayos ang lahat. Please, paniwalaan mo ako. Mahal kita. Mahal na mahal kita."

FROZEN... Parang huminto ang mundo..


*KRINGGG.. KRINGGG!*

"Nak, Good morning! Ano pa hinihintay mo diyan? Aba, Kayla bumagon ka na diyan. Naku, malalate ka na sa kasal. Kanina ka pa tinatawagan ni Jessica." gising sa akin ng aking nanay

"Ma, anong oras na po?"

"10am na anak, naku!"

"Kasi naman puyat po kami kagabi, Ma."

"Sige na. Pabridal-bridal shower pa kasi kayo eh."

Oo nga pala, it's been 8years after our highschool graduation. At ngayon ang araw ng kasal, araw ng kasal ng bestfriend ko na si Jessica at ang kanyang lucky groom na si Dustin. Hahahaha! Anong akala niyo kasal ko? Ofcourse not! Pero ako kaya kailan ikakasal? Sige guys, magpreprepare na ako kasi kailangan na ako ni Jess sa hotel.


-

Hahahaha! Pabitin muna guys. Gulat ba kayo sa biglaang fast forward na malupit? XD

What is Love? [KathNiel and KathQuen Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon