Chapter 10: I'll stay at your side..

69 2 0
                                    

Ezekiel's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas matapos sabihin at aminin nina James at KC sa barkada na may relasyon. At dalawang linggo na rin akong di pumapasok. Bakit? Kasi naguguluhan ako! Ilang araw pa lang ang nakalipas noon pagkatapos ng komprontahan namin ni James tungkol sa feelings niya. 3 days pa lang yun tapos last last week sabi nila one week na sila? Paano ako hindi magagalit? Kung sinabi mismo niya sa akin na hindi niya gusto si KC? Ginagago ba niya ako? Alam niyang mahal ko si KC, nilinaw ko pa nga sakanya na hindi lang mahal kundi mahal na mahal! Friday ngayon at ngayong lang ulit ako papasok at haharap sa barkada. Naglalakad na ako sa hallway mag-isa.. Hindi katulad ng dati na kasabay ng barkada. Siguro mamaya na lang ako sasama sakanila, kailangan ko munang ihanda ang sarili ko.

Kayla Catherine's POV

Dalawang linggo na kaming nagpapanggap ni DJ at aaminin ko mahirap kasi si Jessica pakwento ng pakwento kung paano daw nanligaw, bakit di daw nila nahalata. At bakit daw di ko sinabi sakanya na nagkatotoo na ang pangarap niyang maging kami ni DJ at mapatino ko siya. Paano ko ba ikwekwento sakanya na walang ligawan, walang aminan, walang mahahalata dahil lahat ay pagpapanggap lang.. Araw-araw inihihingi ko ng tawad sa Diyos ang pagsisinungaling na ito kasi naniniwala ako sa kasabihang "LIARS GO TO HELL" at ayokong mapunta kami ni DJ dun. Hindi nga pala makakapasok ngayon ang aking si Last. Bakit? Dahil po may sakit siya at hindi ko siya pinapasok. Fake man yung relasyon namin pero mahalaga naman si DJ sa akin kaya may care ako sakanya. Naglalakad na ako papasok ng room ng matanaw ko si Kiel. Sigurado akong si Kiel, kaya naman tumakbo ako papalapit sa kanya.

"KIEL~!!!!"

"KC..."

"Grabe, ang tagal mong wala.. Namiss kita Kiel~!"

"Namiss mo ako?"

"Oo naman.. SOBRA!"

"Mukha nga. Kasi ang higpit ng yakap mo sa akin ngayon eh."

"Ayy, sorry. Hahahaha! Tara sabay na tayo pumasok?"

"Sige ba tutal masyado mo akong namiss eh. Hahahaha!"

"YABANG!"

Habang naglalakad kami sa room biglang nagbago ang facial expression ni Kiel.

Ezekiel's POV

"Grabe, ang tagal mong wala.. Namiss kita Kiel~!" namiss niya daw ako? Teka, bingi ba ako? Baka naman mali yung pagkarinig ko

"Namiss mo ako?"

"Oo naman.. SOBRA!" namiss niya daw talaga ako!!! WOOOOOOO~

"Mukha nga. Kasi ang higpit ng yakap mo sa akin ngayon eh." ngayon lang niya ako ulit niyakap, dahil ang huli beses na niyakap niya ako ay nung araw bago sila umalis ng pamilya niya

"Ayy, sorry. Hahahaha! Tara sabay na tayo pumasok?"

"Sige ba tutal masyado mo akong namiss eh. Hahahaha!"

"YABANG!"

Nagsimula na kaming maglakad papasok pero napansin kong wala si James. Si James na boyfriend niya! Nasaan na yung tarantadong yun?! Siguro nambabae na naman! Hayop talaga siya! Sabi niya importante sakanya si KC tapos ngayon ginagago at niloloko din niya si KC?!

"Kiel, okay ka lang?" at dahil kay KC bumalik ako sa reyalidad

"Ha? Bakit KC?"

"Yung mukha mo kasi parang biglang nagbago."

"Ah. Wag mo na intindihin. KC, nasaan yung boyfriend mong PLAYBOY?" diniinan ko talaga ang word na playboy baka sakaling matauhan si KC at iwanan si James dahil sasaktan lang naman siya nito

What is Love? [KathNiel and KathQuen Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon