Chapter 6: Difference

96 3 2
                                    

Kayla Catherine's POV

"No one could hurt her! And I will never let anyone to hurt her! Kahit isa sainyo walang may karapatan para saktan si KC! If you dare to touch her again, I'll make sure that you will regret it!"

"Bakit Darren, ano mo ba si Bernal? Ha?!"

"She is my PRINCESS!"

Pinapanood ko ang pag-uusap ni DJ at ng mga babaeng taga-section B na superfan niya ng biglang---

"KC..."

"Kiel, sinundan mo ako?"

"Sinundan mo din siya eh."

"Kiel, gusto lang naman malaman ang dahilan kung bakit nila ako sinaktan.."

"Gusto mo malaman? Nalaman mo ba?"

"Hindi. Nahuli kasi ako. Hindi ko narinig ang kailangan kong marinig dahil nahuli na ako ng dating."

Pagkarating ni Jessica ng room tinanong ko siya kung nasaan si DJ tapos sabi niya parang papunta daw yata sa likod ng school para kausapin yung mga babaeng nanakit sa akin kaya naman agad akong sumunod pero nagtago ako para di nila makita. Hindi ko namalayang sumunod pala sa akin si Kiel.

"Nahuli ka kaya naman narinig mo ang bagay na hindi mo dapat marinig.." ano bang ibigsabihin ni Kiel?

"Ha?"

"You are our PRINCESS..." ano daw? Ako? Prinsesa?

"Princess? Di kita maiin-- aaahhhh~ ARAY!"

Ezekiel's POV

"Nahuli ka kaya naman narinig mo ang bagay na hindi mo dapat marinig.."

"Ha?"

"You are our PRINCESS..." kailangan mo na malaman lahat bagotuluyan kang maguluhan at na baka ikahulog mo pa kay James

"Princess? Di kita maiin-- aaahhhh~ ARAY!"

"KC~!!"

"Eze, anong nangyari kay KC?!" tanong ni James

"Hindi ko alam. Biglang sumakit yung ulo tapos nawalan ng malay.. James, dalhin natin siya sa clinic!"

Magkatulong namin dinala ni James si KC sa clinic.

"Eze, ano ba talagang nangyari kay KC?"

"James, di ko talaga alam eh. Basta sumakit yung ulo niya pagkatapos kong sabihin na--"

"Na ano?"

"Sabi ko kasi sakanya "You are our Princess..." kaya ayun nagtaka siya tapos bigla sumakit yung ulo niya at nawalan ng malay.."

"Bakit mo sinabi yun, Eze?!"

"Dahil narinig din niya na sinabi mong prinsesa mo siya!"

"Narinig niya?"

"Oo James, narinig niya!"

"Paano?"

"Obvious ba? Sinundan ka niya. Katulad ng dati sinundan ko din siya dahil alam ko iba ka kapag galit ka. Lagi namang ganun di ba mula pagkabata natin. Kapag umalis ka ay susundan ka niya at ako kapag sumunod siya susundan ko din siya.. Hanggang kailan ba tayo ganitong tatlo? Nakalimutan na nga niya ang mga prinsipe niya pero bakit ganun pa din ang nangyayari sa ating tatlo? Bakit James? Bakit?!"

What is Love? [KathNiel and KathQuen Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon