Chapter 32: Stalker alert

779 17 0
                                    

AFTER 2 WEEKS..

Cheska's POV

"Yan, bagay yan sa'yo." Sabi ni Josh. Nandito kami ngayon sa mall at namimili ng mga damit. Ililibre niya daw ako eh. Yong mga suot ko ngayon eh libre lang niya, wala kasi akong nadalang gamit, naiwan lahat sa bahay nila Inay, nahihiya naman akong bumalik. Dalawang linggo na rin since napadpad ako sa condo ni Josh.


"Kunin ko nalang to. Siya nga pala Josh."

"Bakit?"

"Kamusta love life mo?"

"Wow! Yun pa talaga ang tinanong mo eh no.? Ayun, still in a not relationship. What about you.?"


"Complicated." Simpleng sagot ko.

"Tropang single pala tayo eh. Bakit hindi mo hanapin yong kababata mo, si Tan Tan." Napahinto ako sa sinabi niya.


"Sa tingin mo ba.. Naaalala niya pa ako?"

"Maybe." Napangiti nalang ako.

After how many years, akala ko tuluyan ko ng nakalimutan ang nararamdaman ko para Kay Tan Tan pero Hindi pala. Dahil nong nakita ko siya ulit mas lalo pang lumala ang nararamdaman ko para sa kanya. Oo mahal ko si Tan Tan, yong kababata ko. At hanggang ngayon, siya pa'rin pala ang laman ng puso ko. Kung Alam mo lang Josh.. Na natagpuan ko na ang first love ko, oo, natagpuan ko na si Tan Tan. Si Tan Tan at Luke Ay iisa. Nakakatuwa noh? Yong dating pinapangarap mo lang ngayon hawak mo na.


"Lalim ng iniisip ahh. Di ko masisid." Asar niya pagkatapos mabayaran lahat ng binili namin.


"Alam mo.. Kain nalang tayo ng ice cream." Suggest ko, bigla nalang kasi akong nag crave ng ice cream eh.


"Lakas magyaya ahh. May pera ka?"


"Wala, sinabi ko bang ililibre kita? Tsaka may 20 pesos pa naman ako dito eh.."


"20 pesos?"


"Ou? Bakit ba?"


"Wala lang.. Ang yaman mo kasi.. Tara na nga.." Bigla niya akong inakbayan kaya kinurot ko siya pero tawa lang siya ng tawa. Hayy.. Namiss ko to.. Namiss Kong makipag kulitan sa best friend ko.. Mabuti nalang nandito siya, kahit papaano, nakakalimutan ko yong problema ko.


Luke's POV


Pauwi na ako galing sa school ng may nakaagaw ng atensyon ko mula sa labas ng bintana. Si Cheska may kasamang lalaki kaya pinagilid ko yong kotse.


Naikuyom ko ang mga kamao ko ng inakbayan siya nong lalaki, Hindi ko Alam pero feeling ko ang saya saya niya kasama ng lalaking yun. Pareho pa silang nakangiti habang patawid ng kalsada at nagkukulitan. Parang gusto Kong manuntok pero pinipigalan ko lang ang sarili ko. Gusto Kong makausap si Cheska. I want to know who's that guy. Madami akong gustong itanong sa kanya.


Lumabas ako ng kotse at sinundan silang dalawa, s*it! Bakit hanggang ngayon nakaakbay pa'rin yong lalaki sa kanya? Tapos Hindi man lang niya tanggalin. Mukang nag-eenjoy pa siya..? Masyado na silang PDA ah?


Huminto sila sa tapat ng isang ice cream parlor..


"Ate, isang ube ice cream po." Rinig Kong order ni Cheska.


"One chocolate ice cream miss." Tsk. Babaero! May pa kindat kindat pang nalalaman ang gunggomg na kasama ni Cheska don sa saleslady. Tusukin ko mata niya eh.


"One ube and one chocolate ice cream. Enjoy sir, ma'am." Sabi nong saleslady ng iabot yong order nila.


"Ate, bayad ko-."


"Here, pati na'rin yong sa kanya." Tsk. Yabang.


"Diba sabi ko ako na yong magbabayad?" Kaya nga, papansin kasi ang lalaking yan Cheska.


"Alam ko namang poor ka, don't worry.. May bayad yan." Aba? Nanlait pa ang g*go!


"Libre.. Tapos may bayad? Ano yun?"


"Don't worry, it's not about money.. Basta mamaya ko nalang kunin yong bayad." Hindi pera? Eh anong bayad ang sinasabi ng ulupong na yun?


"Tsk. Baka kung ano na naman yan ah.."


"Haha. Siguradong mag-eenjoy na naman ako nito." Ano bang sinasabi niya? Baliw ata to eh? Saan ba yan nakilala ni Cheska?


"Tara na." Ang takaw talaga ng babaeng to. Akalain mo ba naman naubos niya agad yong ice cream niya?


Lumingon si Cheska sa pwesto ko kaya agad akong tumalikod at pasimpleng naglakad palapit sa kotse ko. Nakita niya kaya ako? Lumingon ako sa kanya pero nakatalikod na ulit siya at sumakay sa isang motorbike kasama yong lalaki.


Pinaandar ko yong kotse at sinundan sila. Saan ba sila pupunta? Sinusundan ko lang sila hanggang sa makarating kami sa isang hotel.


Sinundan ko sila at sumakay sila ng elevator, buti nalang medyo maraming tao kaya nakipagsiksikan ako. Thanks god hindi niya ako nakita. Sa 4th floor, huminto sila sa tapat ng isang kwarto.


"Hoy! Ano ba kasing bayad nong ice cream huh?"


"Ano pa ba? Edi yong dati nating ginagawa?"


"Seryoso? Ang aga pa kaya.. Sa Gabi lang naman ginagawa ang bagay na yun eh. Masyado kang excited."
Gabi lang? Don't tell me? Ano bang gagawin nila? F*ck!


"Edi dun tayo sa madilim, para mas enjoy. Ano okay ba?" Madilim?


"Tsk. Fine, humanda ka sa'kin! Papahirapan kita!" Papahirapan?


"Talaga lang ahh. Baka nga hindi pa lang naipapasok sumisigaw kana?" Wat the hell are they talking about?


"Whatever! Let's go! Siguradong madugo to!" Gusto Kong hilain si Cheska pero huli na. Ano bang gagawin nila sa loob? Gagawin ba nila yong? Aisshh! Ang sarap pumatay! Pinagpalit na ba niya ako sa unggoy na yun? Paano na ako Cheska? Hays.. May tiwala ako sa'yo. Kahit gaano pa kayo kahirap, Alam Kong hindi mo gagawin ang bagay na yun.. Alam Kong mahal mo ako.. Mahal ako ni Cheska.


My Cheap Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon