Chapter 41: His Secretary

793 17 0
                                    

"Sir Pinapatawag niyo raw po ako." Sabi ng secretary ko. She's Mayan, ang half Male half Female Kong secretary.


"Yes, I just want our team to gather data and other informations about the biggest trend today." Tama si dad, siguradong mas tataas ang ratings namin kapag nilabas namin ang biggest trend ngayon.


"Sure kayo sir?"


"Sasabihin ko ba kung hindi? Bakit may problema ba?"


"Eh sir, base on rumors marami ng publishing company ang naglabas ng balita about po sa biggest trend ngayon at halos pare pareho lang po sila ng nilalaman. And base on the info. Nagkakainitan na po ang tatlong publishing company na ito. Pero don't worry sir, nasa top 1 parin po tayo sa ratings."


"Ano ba kasi yang biggest trend na yan ngayon?" Nagtataka Kong tanong.


"Hindi niyo alam sir? Hindi po ba kayo nanonood ng T.V? O sa social media?"


"I don't have time to do that, just tell me.."


"Ahh okay sir, ang biggest trend po ngayon na naging talk of the universe Ay ang sikat na sikat na fashion designer model na si Miss. Laraine, siya rin po ang may ari ng famous clothing line sa buong bansa na L Fashion. And sir, hindi lang po siya sikat. Very gorgeous pa kaya naman pinag-aagawan ng maraming guys."


"Tsk. Then, we should think a bright idea kung paano malalamangan ang iba sa pagkuha ng info. About sa biggest trend na ito. We should make it more unique and different. Mayan.."


"Yes Sir."


"Call the manager of Laraine and convince him/her na ma-interview natin Live si Laraine and we can release topics about her."


"Seryoso kayo sir? Malaki po ang ibabayad natin sa kanila kapag ininvite natin sila dito."


"If that's the only way para mas lalong umingay at makilala ang pangalan natin then go. I'm willing to pay a huge amount for the sake of our success. I'm giving this task to you Mayan, ikaw ng bahala."


"Tama kayo sir, ang galing niyo po talaga. Don't worry sir, ako na pong bahalang kumausap sa manager ni Ms. Laraine." Sabi nito saka lumabas ng office ko.


Napangisi ako, siguradong magugulat ang lahat kapag nailabas namin ang live interview ng model na yun. Kapag nagkataon, mas lalong hahangaan at tataas ang LPC. That's great right?






"Ang gwapo talaga ni Sir Luke noh?"


"Tama ka girl kaso sabi nila babaero daw."


"Anong babaero? Sabi nila NGSB daw siya eh."


"Ewan ko, iba iba naman kasi ang chismis eh."


Akala Siguro nila hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila. Tsk. Ang ayoko pa naman sa lahat Ay mga empleyadong chismosa, pasalamat sila at wala kami sa loob ng kompanya dahil kung hindi pinalayas ko na sila.


Tinuloy ko nalang ang pagkain. I'm here at a restaurant near the company. Sanay na akong mag-isang kumakain kapag hindi sumusulpot ang asungot Kong secretary. And speaking of my secretary..


"Hey sir, sabay na po ako sa inyo." Natutuwa rin naman ako sa kanya dahil hindi siya tulad ng ibang gay na malalandi, meron din naman siyang taglay na ganon pero alam niyang ilugar. For me, Napaka professional niyang tao.


"I heard that girls saying a while ago, saan po doon ang korek sir?" Nakalimutan kong sabihing May lahi din palang chismosa ang baklang to.


"Masyado kang chismosa. How's your task?"


"Oh that.. Nakausap ko na yong manager ni Miss. Laraine and kakausapin niya daw muna ang alaga niya." Maaasahan talaga ang isang to.


"That's good."


"Sir, may girlfriend ka na ba?"


"Bakit mo naman naitanong yan? I have a lots of girls why?"


"So yong isang girl po pala ang tama, thanks sa pagsagot ng tanong ko sir." Napakamot nalang ako sa batok, naisahan na naman ako ng baklang to ah.


"You know what sir, bakit hindi po kayo nagseseryoso sa relationship niyo. Have you ever been in love Sir?" Anak ng chismosa, bakit napunta na sa love ang topic namin?


"Kapag nagmahal ka masasaktan ka lang." Yun ang katotohanan.


"Pero part po yun ng pagmamahal, the more you hurt the more you learn to fight. Let me guess sir, your broken hearted right? Iniwan kaba ng babaeng love mo at pilit mong kinakalimutan? Pero I think, your not truly finished your moving on process." Nasa harap ko na ata ngayon si Madamme Auring.


"Manghuhula ka ba?"


"Bakit sir? Kasi tama po ako diba?" Aish.


"Tsk. Maiwan na nga kita Jan. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho." Tinalikuran ko na siya at aalis na sana kaso natamaan ako sa huling sinabi niya.


"Hayy, iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal.. You learn to do things that you didn't want just to forget everything that caused pain. But in the end, marerealized mo pa'rin na hindi nakakalimot ang puso. Lahat ng sugat may naiiwang alaala, a scar that never fades and remains forever.." Sapul na sapul.. Nakalimot nga ba ako? O sadyang isinisiksik ko lang sa isip ko na nakalimutan ko na siya.? Pero sa puso ko.. Nandito pa rin ba siya?

My Cheap Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon