Chapter 48: At WonderPlace

665 14 0
                                    

"Wow!! May ganito pala dito?" Manghang wika niya pagdating namin sa wonderplace.

"Haha. Bago lang kasi to, 3 years palang."

"Really? Kaya pala. Tara rides tayo." Nagulat ako ng hilain niya ako papasok.

"Miss, 2 tickets for zip line." Sabi niya sa may ticket booth.

"Dalawa? Bakit dalawa?"

"Alangan namang isa? Siempre dalawa dapat tayo." Tayo? Diba wala namang kami? Aish.

"Sure ka bang sasakay ka dito?" Naalala ko kasi noon sa ferris wheel nga lang takot na siya dito pa kaya? Sabagay, hindi na pala siya si Cheska Madrigal.

"I'm not afraid of heights anymore.. Someone told me na whenever I'm scared isipin ko lang daw siya, dahil oras na mahulog man ako, sasaluhin niya naman ako." I see that he's talking about Kent. What a lucky guy you are..

"Alright then. Just think of him." I smiled bitterly.

"Yeah."

Lahat ng rides sinakyan namin. Bumili din kami ng ice cream and as usual ube flavor ang pinili niya. Pumunta kami sa souvenir shop.

"Good Afternoon Ma'am, Sir. Welcome to WonderSouvenir." Btw guys, naka sumbrero nga pala tong kasama ko at shades para hindi makilala. Alam niyo na.. Famous ehh.

"Yes sir, couple shirt po ba hanap niyo? Couple watch? Couple shoes? Couple Hat? Or couple Jacket?" Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Were not a couple po." Sagot ni Lara.

"Oh? Ahh.. Sure po kayo? Actually, kayo nga po yong Napili as a couple of the day nagyon eh. Ayun po yong pic. Niyo oh.." Sabay turo sa isang malaking screen at may picture nga kami ni Lara habang papasok sa Shop.

"Couple of the day?" Ulit ko.

"Yes sir, at may premyo po kayong couple shirt, big bear and two copies of your picture."

"Here Ma'am, Sir. Welcome to WonderSouvenir." Inabot sa'kin nong lalaki yong prize daw. Napatingin ako dito at napakamot sa batok.

"Oh." Sabay abot ko Kay Lara yong isang shirt, teddy bear at isang copy ng picture namin.

"Ang cute naman Neto.." Sabay pinch niya sa ilong nong bear.

"Ahh, may bibilhin ka bang souvenir?" Tanong ko sa kanya.

"Wait lang huh?" Bigla kasing nag vibrate yong phone niya. Lumayo siya ng konti bago ito sinagot.

"Ahm Tristan, kailangan ko na kasing umalis eh."

"Huh? Ihatid na kita." Presinta ko.

"Wag na, mag tataxi nalang ako. Sorry talaga."

"Ano kaba? Okay lang yun." Ngumiti ako sa kanya hanggang sa tuluyan na nga siyang umalis. Wala na akong nagawa kundi lumabas narin ng shop, napatingin ako don sa picture naming dalawa. Napangiti nalang ako, itatago ko talaga ang pic na to.

Cheska's POV

Lakad patakbo akong umalis sa wonderPlace. Mabuti nalang dahil paglabas ko Ay may taxi agad kaya pinara ko at sumakay.

"Kuya, sa airport po." Napasapo ako sa akong noo dahil for sure naiirita na ang lalaking yun sa kahihintay sa'kin. Ang demanding pa naman ng isang yun, hayss. Nakakahiya tuloy Kay Tristan, naiwan siyang mag-isa don.

Ang syunga syunga ko naman kasi eh, sa dinami dami ng pwedeng kalimutan yong pagdating pa ni Kent ang nakalimutan ko.

Pagdating sa airport Ay agad Kong hinanap si Kent.

"Wooh! Anjan ka lang pala. Sorry kung natagalan ako.." Hinihingal na saad ko, napatingin ako sa kanya.

"Natagalan? Or baka naman tinagalan mo talaga? Alam mo ba na halos mag ta-tatlong oras na akong naghihintay dito?" Cold niyang sabi. Sabi ko na nga ba eh, umiral na naman ang kasungitan ng mokong.

"Sorry na nga diba? Hindi ko kasi namalayan yong oras."

"Tsk." Sabi niya at naunang naglakad.

"Hoy Kent! Saan ka pupunta?" Hinabol ko siya at sinabayan pero parang wala siyang pake.

"I'm going home. I'm tired. Umuwi ka na rin." Seryosong sabi niya at naiwan akong tulala. Seriously? Nagtampo agad siya dahil don? Aish! Cheska naman kasi eh, kasama mo lang si Tristan nakalimutan mo na ang boyfriend mo. Diba naka move on kana? Diba?

Wala na akong nagawa kundi umuwi mag-isa. Mag-iisip nalang ako kung paano ko susuyuin ang lalaking yun. Bigla Kong naalala na may hawak pala akong teddy bear Kanina sa taxi.. Shemayy!! Naiwan ko yong bear na bigay sa WonderSouvenir.. Sayang.. Hayst..





"Good Morning hija."


"Good Morning too Dad.. Nasan po si Tita Mama at Tristan?"


"Ang Mama mo nasa fashion house at si Luke naman maagang pumasok sa company." Idol ko rin si Tita Mama eh.. She's a great designer just like My Mom. Speaking of Tristan? For sure natambakan na siya ng schedule today dahil hindi siya pumasok kahapon..


"Manang tubig nga." Utos ni dad sa isa naming katulong.


"Yes sir."


"Btw dad, aalis nga pala ako."


"Saan ka pupunta?"


"Pupuntahan ko po si Kent.. Kararating niya po kahapon."


"Really? Alam mo sa tingin ko tinadhana talaga kayo ni Kent sa isa't isa. Hindi man natuloy yong engagement niyo noon ngayon naman kayo na. Diba umalis ka dahil ayaw mong magpakasal sa taong di mo mahal? Kung hindi kaba ipapakasal noon hindi ka aalis?" Natigilan ako sa sinabi niya. Actually, isa rin yun sa reasons ko.. But I have a deeper reason kaya ako umalis.


"Basta ang importante po ngayon Ay masaya tayong lahat at masaya na po ako sa buhay ko kasama kayo.." I just answered at nagpaalam na ako.


Lahat ng desisyon natin sa buhay may reason. Maybe for good or for bad. Pero ang mahalaga, natututo tayo sa mga desisyon natin. Ako? Alam ko sa sarili ko na I deserve what I am now. May nawala man sa'kin.. May dumating namang mas better at mas deserve ko. Mahirap talagang mag stay sa iisang level, kailangan mo ring umangat para makamit mo ang deserve mo.


Ayoko ng bumalik sa nakaraan, ayoko ng maalala si Cheska Madrigal. Ibabaon ko na ang lahat sa limot, ako.. Ako si Laraine Laguisma, ang babaeng matapang, mataray, maldita, fashionista at higit sa lahat, hinahangaan ng lahat. Kung may maaalala man ako sa nakaraan.. Yun Ay ang pamilyang minsan akong minahal at pinahalagahan. I'll keep all those memories we had in my heart. And I wish that someday.. Makita ko ulit sila at sana mapatawad na nila ako..





Happy Reading!


P.S: Gawa gawa ko lang po ang wonderplace so wag niyo na pong pansinin at seryosohin. All of this is just a product of the crazy imagination of mine so please understand the flow of story. And also, alam ko pong maraming typos, wrong grammars, wrong spelling at kung ano ano pa kaya paki-intindi narin po. Thank you😘😘😘


Vote.. Comment na daliii😂




















My Cheap Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon