Chapter 46: Lara and Tristan

774 11 0
                                    

Luke's POV

Ngayon nga Ay nasa harap kami ng hapag kainan. Kaharap ko si Cheska, katabi ko si Mommy at si Daddy Ay katabi si Cheska.

"Luke, Pwede mo bang samahan si Laraine bukas sa company?" Sabi ni Dad.

"Okay po."

"Nalinis mo na ba yong kwarto mo hija?"

"Yes po Tita."

"Call me Mom, Mommy or Mama dahil simula ngayon.. Isang pamilya nalang tayo hija."

"Okay po.. Mama."

"You remind me of Liezel, kamukang kamukang mo ang mommy mo. I miss my best friend." Nagtaka ako kasi kilala ni mommy ang mommy ni Cheska.

"I miss her too tita.."

"I promise to her that I will take good care to your dad and you Hija. I can't believe na tanggap mo na ako para sa daddy mo Lara." Lara? Best friend ni mommy ang mommy ni Cheska? Ako ang first love ni Cheska since pa daw kami? Ube ice cream? Bff niya si Cammile? Lara? Cheska Laraine? Siya yong bata sa resort?

"Ikaw si Lara?!" Nagulat sila sa tanong ko.

"Hindi mo pa ba alam Luke? Si Cheska at si Lara na kababata mo Ay iisa." Ngayon lang nag sink in sa utak ko lahat. Parang puzzle pieces na unti unting nabubuo.

Bakit ba hindi ko naisip yun? Na ang anak ni Daddy at si Lara Ay iisa? Si Cheska, si Laraine at si Lara Ay iisa!?

Kaya pala, kaya pala ang gaan gaan ng loob namin noon sa kanya kahit hindi pa namin siya lubusang kilala. Siya si Lara, ang dahilan kung bakit nabuo ang barkada, at ang dahilan din ng pagkabuwag nito. What a small world.

Nagkuwentuhan lang kami ng kung ano ano, tinanong pa nga nila kung kamusta ang love life namin ni Cheska. Wala naman akong choice kaya sinabi ko nalang na may dinedate ako pero hindi man lang naapektuhan si Cheska, sabagay.. Naka move on na nga daw siya diba? Bakit ba kasi umaasa pa akong maibalik yong dati? At sa dinami dami ng magiging boyfriend niya si Kent pa ang kuya ni Sky. Mas matanda lang siya ng isang taon samin.


"Luke please treat my daughter Laraine as your own real sister.. Close naman na kayo diba?" Tumingin ako Kay tito tapos Kay Cheska.


Muli Kong binalikan yong mga araw na nakilala ko si Cheska sa L.U. I can't even believe na mangyayare ang lahat ng to. Ako at si Cheska, titira sa iisang bahay at magiging mag kapatid.. For real..


"Of course tito.." I just answer and look to Cheska.


"Thanks son. Oh btw, Laraine.. Kamusta ang interview mo sa LPC?" Napunta naman lahat ang tingin namin Kay Cheska.


"Maayos naman po.. LPC have a great and nice staffs and employees, actually.. I can't believe until now na isa na po ako sa mga topic ng LPC, I just feel na.. Na proud po kayo sa'kin. Thank you dad."


"Your success is also our success hija. At hindi lang namin ginawa yun para magpasikat o para tumaas ang tingin saamin ng iba, we do that.. Because I want them all to know na ang taong hinahangaan nila Ay anak ko.. I'm so much proud of you Laraine and I'm so sorry for being a useless father when the time you need me. Now I can say that, your my daughter and I believe on you."


"Thanks dad.. Thanks for believing in me. I promise na hindi ko na po kayo ulit ididisappoint."


"Awww.. You both are sweet to each other.." React ni Mommy kaya na siyang kintawa naming lahat.


I can say that, masaya nga ang may buong pamilya. May Nanay ka, Tatay at kapatid.. Wala ka ng ibang mahihiling pa. Pero bakit ganon.. Parang may kirot parin sa tuwing nakikita kong iba na siya. Hindi na siya ang babaeng mahal ko. Hindi na siya si Cheska Madrigal at kailangan ko ng tanggapin na.. Cheska Madrigal doesn't exist in a real world, para siyang character sa isang drama na walang katotohanan, she's only a product of fiction. And I need to accept the truth na nabubuhay ako sa real world. Siguro nga kailangan ko na siyang iwan at ibaon sa limot.


"I need to move on.. Marami pang iba Jan Luke, marami ka pang makikilala na mas deserve mo." Bulong ko sa sarili habang nakatanaw sa mga kumikinang na bituin sa langit.


"Ang ganda.." Nagulat ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Cheska.


"Cheska?" Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Sabihin niyo nga sa'kin? Paano kayo magmomove on sa taong ngiti niya pa lang kompleto ka na. Partida kapatid mo pa! Asan ang hustiya don?


"Paano ka makakalimot kung pati pangalan niya.. Hindi mo makalimutan?" Sabi niya at tumingin sa mga bituin.


"Pangalan mo naman talaga yun eh, anong magagawa ko?" Reklamo ko.


"Haishhh! Kalimutan mo na si Cheska.. Wait.." Napakunot noo ako ng inayos niya kunwari yong damit niya at humarap sa'kin ng seryoso.


"Hey! I'm Lara Laguisma, 23 years old. You are?" Naglahad siya ng kamay. Fine.. Makiki ride on nalang ako sa trip ng abnormal na to.


"Well, I'm Tristan Laguisma, 23 years old. CEO of Laguisma Publishing Company. Nice to meet you." Sabay abot ng kamay niya.


"Nice to meet you too my dear brother." She said while smiling so I smiled at her too.. Smiling like a stupid idiot, it's better to be fake in front of her than to be truth that became a mistake to all.








My Cheap Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon