Chapter 52: Reunion (part 2)

649 11 0
                                    

"Luke, can we talk?" Nagulat ako ng lumapit si Sky at kausapin ako. Lumayo muna kami sakanila na busy sa pagkukwentuhan at asaran.

"Its so gay but, I just want say sorry Dude. I felt I'm a useless best friend. I'm sorry Dude." I feel his sincerity.

"Naiintindihan kita Sky. Alam Kong may rason kung bakit ka nagalit sa'kin. I admit na kahit ako nagalit din ako sa sarili ko dahil hindi ko siya naipaglaban, pero tapos na yun, matagal nayun. Past is past kaya sana kalimutan na natin yun. Pareho na kaming masaya ni Lara ngayon kaya sana kalimutan na natin ang lahat ng yun. I'm sorry din."

"I feel free now. Cammile is right. Thanks Luke dahil kung hindi dahil sayo.. Hindi magiging kami ni Cammile at hindi ko sana natagpuan ang mundo ko. I owe you a lot dude!"

"Haha! Wala yun.. Kayo naman talaga ni Camille eh simula pa lang."

"Paano mo naman nasabi?"

"Hula ko lang noon pero nagkatotoo na ngayon."

"So manghuhula ka pala? Bakit di mo hulaan kung sino ang babaeng nakatadhana para sayo?" Tumatawang sabi niya.

"Matagal ko ng nahulaan kung sino."

"Huh? Eh sino?"

"Secret."

"Ulol! Maniwala sayo!"

"Trust me dude! Sabihin ko sayo pag nagkatuluyan na kami."

"Loko! Wag mo nga akong gawing bata."

"Bat kita gagawing bata? Manghuhula lang ako dude hindi Magician!"

"Haha! Abnormal kamo!"

"Sino?"

"Sino ba sa akala mo?"

"Ikaw."

"Pakyu!" Nagtawanan nalang kami ni Sky sa mga kabaliwan namin. I miss this moment, yong tipong nag-aasaran kayo pero walang nagpapatalo. Ang saya. Ang saya magkaroon ng mga kaibigan na deserve mo. Yong about nga pala sa hula ko kung sino yong babaeng nakatadhana sa'kin. Si Lara parin. Kahit sabihing magkapatid na kami, nandon parin yong fact na hindi kami magkadugo at may pag-asa pang magkabalikan kami. It's my choice anyway.

"Ayieeee! Okay na sila!" Kantyaw nilang lahat ng makita kaming magkasama ni Sky.

"I miss you bro." Si Sky sabay akbay sa'kin.

"Yun oh!" Sila.

"Pano ba yan? Okay na kami ni Luke, party na ba?"

"Let's party!" Sigaw ni Matt. I was just happy dahil sa wakas, after how many years na pinagdaanan at pinagsaluhan ng buong barkada. Mga lungkot, saya, hirap, at pagsubok na naranasan namin heto kami ngayon.. Kompleto at sama samang nagpapatuloy sa bawat chapter ng buhay namin. Masayang balikan ang nakaraang kasama mo sila pero mas masaya kung kasama mo parin sila sa kasalukuyan habang binabalikan ang nakaraan. That's the matter of true friendship.


"Masaya ako dahil okay na kayo ni Sky."  Sabi ni Lara.


"I'm happy too." I answered.


"Nakakatuwang isipin na si Sky at Cammile na, dati rati lagi lang nirereject ni Sky si Cammile. Mabuti nalang at hindi sumuko si bff. They deserve a happy love story." She said while watching Sky and Cammile so sweet to each other. Bagay nga sila.


"Tama ka. Ako nalang ata walang love life sa tropa." Napatingin naman siya sa'kin.


"Anong wala?! May Sophia ka kaya. She's kind and pretty, bagay kayo." Bagay nga kami, hindi naman siya ang mahal ko.


"Bagay ba  talaga kami?"


"Oo."


"Okay."


"Lara my best friend halika dito dalii!" Lumapit naman Siya Kay Matt. Langyang Matt 'to, alam ko namang best friend sila ni Lara eh kaso mang-aagaw ng kausap tsk.


"Kailan ka babalik ng France Lara?" Rinig Kong tanong ni Francis.


"Hindi ko pa alam Francis eh."


"Babalik ka pa sa France?" Tanong ko.


"Hmm. Nandoon ang career at business ko, actually iniwan ko lang ang L Fashion Kay Josh."


"Ahh, btw. Kamusta naman pala ang best friend mong yun?" Tanong ni Cammille.


"Ayos naman, abnormal parin."


"Akala ko pa naman mag s-stay ka na dito for good. So iiwan mo ulit kami?" Nagtatampong sabi ni Matt.


"Kailangan eh. Magbabakasyon naman ako lagi dito eh, ang lapit lang kaya ng France. At saka may Skype naman, lagi parin tayong magkikita."


"Kasama mo ba si kuya babalik ng France Lara?"


"Oo Sky. Wag na kayong malungkot guys, ang mahalaga.. Nandito tayo ngayon at sama sama. Enjoyin nalang natin ang araw na 'to."


"Sabagay.."


Kung aalis ulit siya.. Maiiwan na naman ako. Ano bang karapatan kong masaktan? I'm just her step brother.



Maghapon naming sinulit ang araw na kompleto kami, bukas balik na naman kami sa kanya kanya naming trabaho. Busy na naman ang mga schedule namin.


"Whoooaaahhh!! I love you guys!!" Sigaw ni Matt pagkatapos nag group hug kaming lahat. Ang cheesy namin noh? At least mahal namin ang isa't isa. I love my barkada.








My Cheap Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon