Chapter 68: Starbucks

569 9 0
                                    

Luke's POV

Pagkasabi ko kay Cheska na magkita kita daw kami sa Starbucks Ay umalis na ako.

PAGdating ko sa Starbucks Ay wala pa sila kaya heto.. Loner muna ako ngayon. After 30 minutes Ay dumating narin si Matt at Francis na sinundan rin agad ng magkasintahang Sky at Cammile.

"Asan na ba si Cheska? Bakit kasi hindi mo nalang sinabay Luke?" Sabi ni Matt. Nagkatinginan naman silang lahat sa'kin.

"She's busy kanina." Tanging sagot ko.

"Teka nga! Nag-away ba kayo?" Usisa ni Cammile.

"Naku naman! Asot Pusa parin talaga kayo ano kahit na magkapatid pa kayo! What more pa kaya kung naging kayo?"

"Arayyy! Araay!" React ni Sky ng pingutin siya ni Cammile.

"I understand. Tsk."


"Hey guys! Sorry I'm late!" Mabuti naman dumating na siya. Umupo siya sa tabi ko pero hindi ko pinansin.

"O-kay.. So dahil kompleto na tayo.. Ano ba yang important announcement mo Matt huh?" Tanong ni Cammile.

"Well, I just want to inform you guys that.."

"THAT?!" KAMING LAHAT.

"I'm getting married next year." lahat kami Ay hindi makapaniwala sa narinig. Si Matt? Ikakasal na? Haha kanino naman?

"Nice joke dude!" Francis.

"Wow ah, pinapunta mo pa talaga kaming lahat dito para sa bago mong joke Matt." Sky.

"And who's that unlucky girl kung sakali?" Cammile.

"Seriously dude?" Ako.

"Grabe kayo sa'kin ah! True friends ko ba talaga kayo? Cheska i- congrats mo naman ang best friend mo."

"Matt.. Nananaginip ka lang ata? Sandali huh." Sabay kurot sa pisnge ni Matt.

"Ouch naman! Pati ba naman ikaw? Hayst.. Bahala na nga kayo kung ayaw niyong maniwala! Hindi na kayo invited sa wedding day ko! Let's end this conversation!" Aalis na sana siya.

"Hoy Matt di ka na mabiro!" Cammile.

"Ya nga! Kwento kana daliii!" Cheska.

"Sinong girl yan dude pakilala mo naman kami!" Sky.

"Bakit biglaan ka magpapakasal Matt? If I know wala ka namang pinapakilalang girlfriend eh." Francis.


"Tsk. Uupo muna huh? Well, arrange lang po kami."

"Ahh, kaya pala." Saad ko. Kawawang Matt.

"Bakit ka pumayag dude?" Tanong ni Sky.

"Ano pa bang magagawa ko? Eh nasa sinapupunan palang kami ng mga nanay namin pinagkasundo na kami." Seryoso?

"Omy? So.. Hindi na talagang pwedeng mag back out?" Umiling naman si Matt sa tanong ni Cheska.

"Maganda ba? Sexy? Hot? Chicks?" Nasapok na naman ni Cammile si Sky.

"Sorry naman tiny."

"Actually, kilala niyo na siya." Kilala namin? Sino?

"Huh? Sino?"

"Si Sophia Rivera. Siya ang fiance ko." Napanganga ako sa sinabi niya, sila naman Ay tulala sa narinig.

"Seriously dude? Nagkita kayo ni Sophia?"

"Hmm. Magkaibigan ang Lola namin."

"Basta. At dahil tropa tayo. Siyempre kayong lahat Ay part ng kasal ko. Cheska and Cammile, abay kayo ah. Luke, Francis and Sky lam niyo na." Kumindat pa ang loko baliw talaga to.

"Sinong best man mo?" Tanong ko.

"Siyempre si Sky." Sabay akbay niya kay Sky.

"G*go magpakasal ka na nga! Akin yan eh!" Cammile sabay hila kay Sky.

"Ang possessive mo! May fiance na ko no! Tsk." Matt.

"Eh sinong maid of honor ng fiance mo?" Tanong ni Francis.

"Yong best friend niya daw ei." Ayun, hanggang sa nag-asaran na sila ng kung ano ano at mga balak nila sa kasal ni Matt at Sophia. Masaya ako para sa dalawa kong kaibigan, sana matutunang mahalin ni Matt si Sophia. Bagay naman talaga sila.

Sana lang.. Makaabot pa ako sa araw ng kasal. Pero sa tingin ko..

Malabo..

My Cheap Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon