Prologue

48 7 12
                                    

Naglalakad ako sa hallway going to our classroom. Habang iniisip ang crush kong si Joshua. Joshua has always been the man of my dreams. Bubuksan ko sana yung pinto ng may narinig akong mga boses na nag-uusap sa loob. Boses ng lalaki ang naririnig ko.

"May tanong ako sa'yo dude." The voice sounds somewhat familiar.

"Ano 'yon?"  Tanong ni Joshua.
Joshua? Sinilip ko kung sino ang mga nag-uusap sa loob. Sina Joshua at ang kaibigan niyang si Ian ang nag uusap sa loob. Nanatili talaga ako sa labas para makinig sa usapan nila.

"What do you think of Ciara? Do you like her?" Ian asked. Wait ako ang pinag uusapan nila.

"I can't imagine myself admiring  someone like Ciara."  sagot naman ni Joshua. Unti unti kong naramdaman na parang pinipiga ang puso ko sa sinabi niya.

"Bakit naman dude?" Naguguluhang tanong ni Ian.

"Mukha siyang plain." Nababagot namang sagot ni Joshua. What! Ako mukhang plain. Sa ganda kung 'to.

"Si Ciara plain? Eh ang ganda ganda nga niya." Nasorpresang sagot ni Ian. You're right Ian maganda talaga ako.

"Hindi naman siya kagandahan, nadala lang ng kaartehan niya sa katawan." Naiiritang sagot ni Joshua kay Ian.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Bigla kong natamaan ang pinto dahilan para magulat ang dalawang nag uusap sa loob. Biglang may nagbukas ng pinto at iniluwa nito si Ian.

"C-ciara?" Gulat na gulat ang itsura ni Ian ng makita ako sa labas ng pinto. Akmang hahabulin pa sana ako ni Ian.

Pero hindi ko na kinaya kaya tumakbo nalang ako habang patuloy na umiiyak.

"Why do I helplessly fall for you even if I know you will never ever fall for me."

HelplesslyWhere stories live. Discover now