Galing sa gym dumiretso na kami ni Rain dito sa library. Umupo kaming dalawa sa may bandang likuran ng library."Anong libro yang binabasa mo Rain?" Tanong ko sakanya dahil tutok na tutok siya sa kanyang binabasa.
"Ah, Chemistry book. Bakit?" Sagot niya ng hindi naman nakatingin sa akin.
"Wala lang." Sagot ko naman at tumayo ng biglang nagsalita si Rain.
"Saan ka pupunta?"tanong niya sakin.
"Maghahanap lang ng bagong babasahin." Sagot ko naman at umalis na para maghanap ng librong babasahin.
Nag ikot ako ng nag ikot sa mga shelves.
Habang naglalakad ako sa aisle ng mga bookshelves ay biglang may libro akong nasagi kaya nahulog ito. Pinulot ko ito at nakita kong isa itong Physics book. Bigla nalang akong may naalala.
Nagmamadali akong pumunta ng science laboratory dahil sa orientation namin sa SCILYMPICS. Kasali kasi ako sa Secondary Team bilang representative ng Grade 7. Pagkarating ko sa harap ng lab ay bubuksan ko na sana ang pinto ng may nakabangga sa akin.
"Aray! Ang sakit!" Sigaw ko habang hawak ang noo kong tumama sa pinto.
"Miss, sorry! Sorry talaga." Sabi ng isang boses lalaki. Inangat ko ang paningin ko para makita ang taong bumangga sa akin.
Pakiramdam ko biglang nawala ang sakit ng noo ko dahil sa nakita ko. Ang gwapo ng nakabangga sa akin.
"Miss?" Tanong niya sa akin at doon ko lang narealize na tinitigan ko na pala siya.
"Ah, bakit ka kasi hindi nag iingat?" Pasinghal kong sabi sa kanya.
" Sorry talaga Miss, nagmamadali kasi ako." Sabi niya habang kinakamot ang batok niya.
"Sa susunod mag iingat ka ha. Baka hindi lang bukol sa noo ang abutin ng taong mababangga mo." Sabi ko habang iniirapan siya.
"Ok, aalalahanin ko yan. Sorry talaga. Dalhin na kita sa clinic para malagyan ng cold compress yan." Hinawakan niya ang braso ko at iginaya ako papuntang school clinic.
"Ako nga pala Joshua Ramirez. Grade 8" sabi niya habang naglalakad kami.
"Ciara. Ciara Mendoza." Sagot ko naman sakanya.
That day happened when I was in Grade 7 and now I am already in Grade 10 but I still adore Joshua so much.
Noong araw na yon ako nagkaroon ng feeling para kay Joshua. Doon nagsimula ang pag admire ko sa kanya. Inalam ko kung anong section siya. Stinalk ko siya sa Facebook, Twitter at pati na rin Instagram.
Doon ko rin nalaman na matalino din pala siya hindi lang gwapo. Kaya pala siya nagmamadali that day dahil aattend din pala siya ng orientation. Kasali pala sa Mega Quiz na Individual.
Simula noon palagi kong pinapanood yung mga basketball game nila. Mga quiz bee niya. Lahat ng sinasalihan niya. In short.
That day was the start of everything.
![](https://img.wattpad.com/cover/141724168-288-k307720.jpg)