Chapter 5: He Remembered!

7 0 0
                                    

I feel sad today dahil wala si Rain. Wala pa naman akong masyadong friends bukod kay Rain. Naisipan ko nalang na pumunta ng library. Nang makarating ako ng library ay umupo na ako sa usual seat na inooccuppy namin ni Rain dito sa library.

Iniisip ko pa kung ano bang babasahin ko ng may biglang may nagsalita.

"Mind if I join you?" Nag angat ako ng tingin at nakitang si Joshua nanaman pala ang nagtanong.

"No, I don't mind." Sagot ko at umusog para bigyan siya ng space para may maupuan.

"Bakit ka nga pala andito? Are you following me?" Nagtataray na sagot ko sa kanya.

"Kung oo, may problema ba?" Nakangiting saad niya.

"Ano?" Parang nabingi ako sa naging sagot niya. Akala ko aasarin niya ako o sasabihan niya ako ng masyado akong assuming.

"Wala, I was just joking." Natatawa nanamang sagot niya.

"Ah ok." Medyo disappointed na sagot ko dahil akala ko totoo na yung sinabi niya.

Tumayo na ako at pumunta sa isang hilera ng bookshelves at nagstart na maghanap ng babasahin pampalipas oras.

"Itong aisle ba na to ng bookshelves ang paborito mo?" Nagulat ako ng biglang may nagtanong.

"Gosh!" Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.

"Sorry, nagulat ata kita." Paumanhin ni Joshua.

"Nagulat mo talaga ako." Medyo pagalit na ang pagkasabi ko sa kanya.

"Sorry talaga." Nagpeace sign pa siya habang nagsasalita. Kaya naman napangiti na lang rin ako.

"Ano nga palang tinanong mo?" Tanong ko dahil hindi ko maqsyadong naintindihan ang tinanong niya dahil sa sobrang gulat.

"Itong aisle ba na to ng bookshelves ang paborito mo?" Inulit niya ang kanyang tanong.

"Ah, Oo dahil puro science book ang nandito." Sagot ko habang patuloy naghahanap pa rin ng libro.

"Ah yeah, Science." Sagot naman ni Joshua.

Patuloy ako sa paghahanap at sa wakas nakahanap na rin ako ng librong babasahin.

Umupo na ako at nag umpisang magbasa. Umupo na rin si Joshua sa tabi ko habang may hawak rin na libro.

Makalipas ang halos isang oras na pagbabasa sa library ay naisipan ko na ring tumayo.

"Aalis ka na?" Tanong ni Joshua sa akin.

"Oo, kasi magtatime na kasi para sa third subject ko." Nagpapaliwanag na sagot ko.

"Hintayin mo na ako. Sabay na tayong umalis. Hatid kita ulit sa room niyo." Sagot niya at sinarado na ang librong binabasa niya.

Umalis na kami ng library at sumama nga si Joshua sa akin papunta sa room ko.

Napadaan kami sa Science laboratory habang papunta ng classroom. Nagulat ako ng huminto si Joshua sa harap nito.

"Ciara, do you remember something about this place." Tanong ni Joshua na ikinagulat ko.

"Oo-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng nagsalita siya ulit.

"Dito tayo unang nagkita." Sabi nanaman niya na ikinagulat ko. He remembered?

"Nagkabukol ka pa nga sa noo dahil nabangga kita." Halatang natatawa siya sa ikinukwento niya.

"Oo nga, dahil hindi ka kasi nag iingat." Sagot ko naman sakanya habang natatawa pa rin.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa classroom ko. Ng makarating kami sa harap ng classroom ay nagpaalam na siya at umalis.

I can't still get over the fact that he remembered how we first met.

He remembered!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HelplesslyWhere stories live. Discover now