Pagkatapos ng halos isang oras ay naisipan naming lumabas na ng library at pumunta ng canteen.
"Hindi ko talaga napansing 12:00 na pala." Sabi ni Rain sa akin habang naglalakad.
"Tutok na tutok ka kasi sa librong binabasa mo." Sagot ko naman.
"Oo nga eh. Sorry!" Sagot niya sabay peace sign.
Pagkarating namin sa canteen ay agad kaming pumila at bumili ng pagkain. Inikot ko ng tingin ang buong canteen para tignan kung may bakanteng table pa.
"Oh, yan tuloy wala na tayong maupuan." Nakasimangot kong sabi kay Rain.
"Hehe, Sorry talaga!" Sagot niya sabay peace sign na naman.
"Ciara!" Narinig kong may sumigaw ng pangalan ko. Luminga linga ako para hanapin kung sino yung sumigaw.
"Ciara! Woohoo! Dito na kayo umupo sa table namin." Sigaw ni Ian habang kumakaway kaway pa.
"Ah, huwag na nakakahiya." Nahihiyang sabi ko dahil nakakahiya naman talagang umupo sa table nilang mga basketball players syempre puro lalaki.
Tsaka sa table rin na yan nakaupo si Joshua. Baka maturn off siya sa akin pagnakita niya kung gaano ako kalakas kumain.
"Sige na, Wala na kayong mauupuan." Pamimilit naman ni Ian sa amin ni Rain.
"Oo nga Cia, Wala na rin naman talaga tayong uupuan." Pag sang ayon naman ni Rain.
"Sige na nga." Sabi ko at tinungo na namin ang table nila Ian.
"Guys, give space para may maupuan sila." Biglang sabi ni Joshua. Nabigla ako ng umurong siya at tinap niya yung space sa gilid niya.
Nakita kong umupo na si Rain sa kabilang chair kaya no choice ako kundi umupo sa tabi ni Joshua.
"Now Eat." Sabi nanaman ni Joshua.
"Ano ka ba naman Joshua parang aso naman ang sinasabihan mo." Sabat ni Ian ng tumatawa. Tumawa na rin ang ibang kasama namin sa table.
"Tss. Ano namang pake niyo." Sagot naman ni Joshua na halatang naiinis.
"Woah, Chill Bro!" Sagot ng isa nilang teammate.
"Masyado kang hot." Sagot naman ng isa na naging sanhi kaya nagtawanan nanaman sila.
"Ganyan ka ba talaga kabagal at kaunti kumain?" Biglaang tanong naman ni Joshua.
"Ah, Hi-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla nanaman siyang nagsalita.
"Dapat kumain ka ng marami. So that you'll be healthy." Sabi niya sabay tayo. Biglang tumahimik ang mesa dahil natigilan lahat sa sinabi niya.
"I'll go ahead guys." Sabi niya at hindi na hinintay na makasagot ang mga kasama. Pagka alis ni Joshua ay unti unti na rin umalis ang iba.
"Mauna na rin ako sa inyo. Bye Ciara!Bye Rain." Paalam ni Ian at tuluyan ng umalis.
"Uy, Concern din naman pala si Joshua sa'yo." Nag aasar na sabi ni Rain.
"Rain!" Saway ko sa kanya sabay tinaasan ng kilay.
Pero naisip ko rin concern nga ba talaga si Joshua sa akin?
"Kung alam lang niya kung gaano ka kalakas kumain." Sabi ni Rain sabay tawa.
"Rain! Nakakainis ka na." Saway ko kay Rain.
"Naiinis o kinikilig. Ayyiiiee! Kinikilig na yan" sabay halakhak pang sabi nitong bestfriend ko.
Sa totoo lang kinikilig ako na napansin niya ako at nag show siya ng concern sa akin.
That was wierd. He seems weird.
