Nandito ako ngayon sa garden ng school at hinihintay na dumating si Rain. Hoping na hindi siya late. Bigla akong nagulat ng may nagsalita.
"Can I sit down beside you?" Tanong ni Joshua.
"Sure." Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nanaman ni Joshua sa akin.
"Ah, hinihintay ko lang naman si Rain." Sagot ko naman. Nagtataka pa rin ako kung bakit ako ang inapproach ni Joshua. Pero syempre kinikilig din naman talaga ako.
"Ah, Rain your bestfriend, right?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Oo, paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ah, I just made a guess dahil palagi naman kayong magkasama kaya I guessed na bestfriend mo siya." Nakangiting sagot naman niya. Ang gwapo niya talaga.
"Ah, ok." Tumatangong sagot ko sa kanya.
Deep inside kinikilig talaga ako dahil nanonotice niyang palagi kaming magkasama ni Rain. Meaning tinignan at napapansin niya din naman pala talaga ako.
Tahimik lang kaming nakaupo ng magkatabi rito sa garden.
"Ang tagal naman ni Rain." Naiinis at nababagot kong saad.
"Oo nga eh, magtatime na baka magbell na malate ka pa sa class mo." Sagot naman ni Joshua sa sinabi ko.
"Baka late nanaman kasing gumising. May times talaga siyang nalilate siya." Pagkukwento ko kay Joshua.
"Ganon ba?" Sagot ni Joshua habang nakatingin sa gate ng school.
"Asan nga pala si Ian?" Nagtatakang tanong ko dahil sanay akong palagi silang magkasama kahit saan magpunta.
"Hindi ko alam. Sa classroom kasi kami nagkikita ni Ian every morning." Sagot naman niya sa tanong ko.
"Baka hinahanap ka na ni Ian doon sa classroom niyo." Biglang paalala ko sa kanya.
"Pinapaalis mo na ba ako, Ciara?" Nang aasar na tanong ni Joshua.
"Ano? Hindi ah, nag aalala lang ako baka hinahanap ka na ni Ian." Defensive na sagot ko naman.
"Ok, akala ko pinapaalis mo na ako." Nakangiting sumagot si Joshua.
Hinayaan ko nalang siyang tumabi sa akin habang naghihintay pa rin kay Rain.
Biglang tumunog ang phone ko sa pocket ng palda ko. Kinuha ko ito at nakita kong si Rain ang tumatawag.
"Hello Rain!" Pambungad na sagot ko sa tawag ni Rain.
"Hello Cia, sorry aabsent ako ngayong araw." Parang nanghihinang saad ni Rain sa kabilang linya.
"Bakit? May nangyari ba? Masama ba ang pakiramdam mo." Nag aalalang tanong ko sa kanya.
"Masama talaga pakiramdam ko Cia. Ang sakit ng ulo ko." Nanghihina pa ring sagot ni Rain.
"Ok sige, pagaling ka ha." Nag aalala kong saad.
"Oo Cia, huwag kang mag alala." Sagot naman ni Rain.
"Bye Rain!" Paalam ko kay Rain.
"Bye Ciara." Paalam din ni Rain at tuluyan nang naputol ang tawag.
"Absent daw si Rain. Masakit daw ang ulo niya." Sabi ko kay Joshua habang tumatayo.
"Ganon ba, hatid na kita sa room mo." Paanyaya naman ni Joshua.
"Ah, hindi na kailangan." Nahihiyang saad ko.
"No, I insist." Sagot naman niya. Wala na akong nagawa kundi magpahatid nalang. Naglakad kami hanggang sa huminto kami sa pinto ng classroom namin ni Rain.
"Bye Ciara, Huwag kang mag alala gagaling din yun si Rain." Biglang sabi ni Joshua.
"Bye Joshua, thank you sa paghatid." Nahihiyang paalam ko sa kanya. Tiningnan niya pa ako at nginitian at tuluyan ng umalis para pumunta sa classroom nila.
I feel really giddy today.