Chapter 1:Basketball Game

33 6 2
                                    

Nagtatakbo ako sa hallway ng St. Benedict, a Catholic school where I am studying. Wala akong pakialam sa mga taong halos matumba pagnababangga ko. Nagmamadali kasi akong pumunta ng gym. Nagmamadali kasi ako para maabutan ko pa ang basketball game ng super duper crush ko na si Joshua.

Habang papalapit ako ng gym ay naririnig ko na ang mga sigawan sa loob. Nagtatatakbo ako papunta sa loob. Inilibot ko ang mata ko sa buong gymnasium ng biglang may sumigaw.

" Ciara!" Sigaw ng bestfriend kong si Rain habang kumakaway kaway pa sa akin. Nakipagsiksikan na ako para makapunta sa upuan naming magkaibigan.

"Cia! Buti naman nakaabot ka pa." Sabi niya.

"Oo nga eh, busy kasi ng review next week na kasi yung quiz bee." Sagot ko naman habang inaayos ang upuan ko.

" Next week na pala yun" sagot niya having nanonood ng pa rin ng game.

"Anong quarter na pala 'to, Rain?" Tanong ko naman sakanya.

"2nd palang naman." Sagot niya ng hindi tumitingin sa akin.

Tinuon ko na ang atensyon ko sa court. Nakita ko si Joshua na naka upo sa bench habang nagpupunas ng pawis.

"Ang gwapo niya talaga." Bulong ko sa aking sarili.

Bigla siyang tumayo at nagsimula ng maglaro. Nagtilian at nagcheer ang mga babae sa loob ng gym. Syempre nakisabay na rin ako sa pagcheer kay Joshua.

"Go Joshua!Wooohhh!" Sigaw ko rin.
Nakita kong si Joshua na ang may hawak ng bola at bigla niya itong shinoot.

"Go Joshua. Go go go!!!" Halos mawala ng boses ko sa kakacheer sakanya.

Ang bilis ng naging game nila. As always panalo nanaman ang St. Benedict at si Joshua ang MVP. Kaya talaga crush ko siya dahil magaling talaga siyang maglaro ng basketball.    

Pagkatapos ng game nila ay nakita kong umalis na si Joshua kasama ang ibang players. Papaalis na rin kami ni Rain ng may tumawag sa akin.

"Ciara, nandito ka pala." Sabi ni Ian ang bestfriend ni Joshua at isang basketball player din.

"Ah yes, nanood ako ng game niyo." Sabi ko naman habang ngumingiti.

"Ian let's go!" Biglang sigaw ni Joshua.

"Ciara mauna na kami." Paalam ni Ian.

"Sure, paalis na rin naman kami." Sagot ko naman sakanya. Umalis na si Ian kasama si Joshua.

Aaaaahhh! Ang gwapo talaga ni Joshua.

HelplesslyWhere stories live. Discover now