Allerza(TIR)5:Mad

169 13 2
                                    

  "Mad"

Third Person's P.O.V

Kagat labi na sinisisid ng binata ang dalaga na lumulubog na ang katawan papababa. Mas lalo niyang binilisan ang pagsisid hanggang sa naabot na niya ang pulsuhan nito. Dahan-dahan ay hinawakan ng dalawang palad niya ang magkabilang bewang ng dalaga bago iniahon ang kanilang sarili sa kailaliman ng tubig. Nang makaahon ay napasinghap ng hangin ang binata bago lumanggoy papunta sa lupa habang inalalayan pa rin ang dalaga. Maingat niya itong inilapag bago pinakiramdaman ang pulso nito sa leeg pati na rin ang hininga sa ilong. Mahina ang pintig nito at hininga kaya walang atubiling inayos niya ang posisyon ng sarili upang isagawa ang cpr.

Nasa ganoong sitwasyon siya nang itulak siya ni Qiesha. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit inirapan lang siya ng dalaga bago lumuhod sa gilid ng dalagang walang malay at  ipinagpatuloy ang ginagawang cpr. Ilang ulit nang pagbomba niya sa dibdib ng dalaga at pagbibigay ng hangin sa bibig ay unti-unti na itong gumalaw kaya agad niya itong sinampal ng napakalakas.

"Qiesha!" singhal ng binata na nakatayo sa may bandang ulo ng walang malay na dalaga. Umirap lang sa kaniya ang dalaga bago tumayo para magteleport sa kung saan.

Saktong pagkawala ni Qiesha ay siyang pag-ubo ni Allison kasabay nang pag-upo. Umupo sa tabi niya ang binata para hagurin ang likuran. Ubo lang siya ng ubo hanggang sa tumigil at mangiyak-iyak na yinakap ng mahigpit ang binata. Dahil sa awa at pagaalala ay yinakap din siya pabalik ng binata habang hinagudhagod pa rin ang likuran ng dalaga.

Siniksik ng dalaga ang ulo niya  sa leeg ng binata at mas hinigpitan ang yakap.

"Shhh... you're safe now."

Kumalas ang dalaga at sa galit na galit na mga mata ay hinanap niya ang tumulak na si Qiesha. Walang Qiesha sa paligid kaya ang binata ang tinignan niya sa mga mata. Hindi alam ng binata pero bigla-bigla nalang siyang napapalunok.

"Nasa'n si Qiesha?"

"Your eyes..." Pansin niya nang makita ang kulay lilang mga mata nito. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ng dalaga upang matignan ng mabuti ang mga mata nito pero nag-iwas ito ng tingin.

"Qiesha." Tipid ngunit galit pa rin ang mga mata.

Alam ng binata na may mali kaya nangunot ang noo niya. Gumagalaw na ang panga ng dalaga sa galit niya kay Qiesha kaya napabuntong hininga ang binata bago tumayo. Nilahad niya ang kamay sa dalaga bago nagyaya.

"Hali kana."

Hindi siya binalinggan ng dalaga o kahit man lang ang nakalahad na kamay nito. Kusang tumayo ng mag-isa ang nanghihina pa ring dalaga at iniwan mag-isa ang binita. Nagbuntong hininga ang binata bago siya sinundan.

Allison Haerza's P.O.V

Dahil sa galit ko ay hindi ko na nagawang magteleport diretso sa loob ng dorm. Kahit man lang ang nakakahilong hagdanan ay hindi ko na rin napansin. Galit na galit ako ngayon na nasa puntong gusto kong makapatay sa galit. Gumagalaw ang panga ko habang mariin na nakuyom ang mga kamao. Mas binilisan ko ang pag-akyat sa hagdanan hanggang sa nasa huling yapak na ako nang may humawak sa kanang balikat ko. Hindi ko man siya nililingon ay alam na alam ko na siya 'to kaya mas lalo lang akong nagalit.

"Dumiretso na tayo. You need to rest."

Yes, and the only way to rest is to burst out my madness. Just wait Qiesha, I had enough; you are just a bitch but not when I'm mad... YOU. MADE. US. MAD.

Ngumisi lang ako bago tumango-tango at sa isang iglap lang ay nasa may bungad na kami ng pintuan kaya pinanliksikan ko siya ng mga mata.

"I changed my mind, tara na." Hinila niya ang pulsuhan ko pero 'di ako nagpatinag.

Allison Haerza(The Immortal Royalty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon