Allerza(TIR)17:Trained to kill

147 15 0
                                    

"Trained to kill"


Allison's P.O.V

Napakatahimik sa loob ng silid at tanging ang boses lang ng Professor ang maririnig. Lahat ay taimtim na nakikinig sa leksyon. Mukhang ako lang ata ang walang alam dahil nahuli ako ng dating. Napakunot ang noo ko. Hindi ako makahabol sa leksyon at walang magpatanungan dahil abala sila sa pakikinig. Mamaya nalang ako magtatanong.

"...Roiguez, paired to Dominqa. Prinka,Gomey;Bondi,Mons; Crup,Crudes;And Arja, Libie."

Base sa sinabi ni Lily kanina sa'kin ay maaring pagpaparis sa gaganaping ability combat ang pinag-uusapan. Pero sino ang para sa akin?

"Now, proceed." Nagsimula nang umalis ang lahat kaya napatayo ako. "Fox," sagot niya nang siguro ay pansin niya wala ako kanina at parang alam na niya kung ano ang pakay ko.

Ngayon, iba na naman ang problema ko. Sino si Fox? At saan kami pupunta?

Iginala ko ang paningin ko pero wala na sila Professor. Malamang, wala akong mapagtatanungan.

"Bakit kasi iniwan ni Lily."

Agad akong napalingon sa nagsalita at nakita ang kaklase na hindi ko kilala. Iba ang suot niya ngayon, hindi uniporme kundi isang gawa sa bakal. Balot na balot ang katawan niya at may suot pa na boots na yari rin sa bakal. Nakaipit ang buhok niya. May hindi na naman ba ako alam?

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Magbihis ka na. Nasa banyo sila nagbibihis, kunin mo sa locker," pagpapa-alam niya saka umalis kaya hindi na ako nagsayang ng oras.


NANG makarating ay tama nga siya. Pero, ano to? Bakit iba ang sa akin? Oo, yari parin sa bakal pero hindi ba sobra itong sa akin? Buong katawan ko ang binalot ng bakal na'to at ang tanging butas lamang ay sa mga mata ko. Damn, I can't take my eyes off at my body's reflection. Kanina pa'ko nakatulala sa harapan ng wall glass dito sa hallway. Ako lang ang naiiba kahit saanman ako lumingon at ako lang din ang nakahawak ng espada.

"Tara na, magsisimula na."

Napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko. Finally, there is someone who's wearing same as my outfit. Mukhang kakapalit lang niya. " Itali mo buhok mo," utos niya na siyang ginawa ko agad. Hindi pa man ako natapos ay iniwan na niya ako, mabilis siyang maglakad, buti ay nakakahabol ako.

"Irish Fox," wika niya.

"Allison," sagot ko.

Tumango-tango siya.

Her face was fully covered with metal so I couldn't see her beauty. But I could tell that she's pretty. Mapupungay at mapanuri ang mga mata niya; it looked like it's always been glaring, suited her pretty long eyelashes very well and also her thick black eyebrows.

"Isa ka sa mga Seven Codes hindi ba?" tanong niya kaya tumango ako. "Can you say something about that girl? She seems to be quite known, her attitude." Nginuso niya si Qiesha na karga ni Jaferson sa likuran niya. Natutulog.

"You had a fight with her?" tanong ko na mahinang ikinatawa niya. Napailing siya bago nagsalita ulit.

"Don't get me wrong, just asking." Matagal akong nakasagot dahil sa pag-iisip.

Allison Haerza(The Immortal Royalty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon