Chapter 5: The Accident

17 0 0
                                    

CHAPTER 5: The Accident

Niccolo’s POV

Andito ako sa Condo ko ngayon. Bakit kamo? Dahil naaalala ko si Cassie.

Saksi ang Condo ko sa maraming pangyayari. At lahat nang yun ay ang pag-iyak ko dahil sa iisang babae. Si Cassie Elizabeth Sandoval. Ito ang MUKMUKAN place ko. Dito ako nagmu-mukmok/ nagse-senti/ Umiiyak.

Tngina naman kasi! Habang nagfa-facebook ako, lumantad sa News feed ko ang masayang mukha ni Cassie. Kasama niya yung mga tropa niya.

Kelan ko lang na-realize na sobrang tanga ko at nakipag-hiwalay ako sa kanya nang hindi ko man lang siya pinagpaliwanag.

Kahit kalian ang Bopols mo talaga Niccolo Ezekiel David!

Sabi nga nila, Malalaman mo lang ang kahalagahan ng isang tao, kapag wala na siya sayo.

Ayan tuloy. Andito ako sa Condo at tumitira na naman ng Alak.

Kung pwede lang pawiin ng Alak ang lahat ng sakit diba? Kaso hindi.

Ang laki mong Tanga Niccolo Ezekiel.

Mana ka sa mga magulang mo!

Pero habang tumatagal, lalo akong umiiyak.

Pano ba naman kasi? Kahit saang sulok ng Condo ko, naaalala ko pa rin siya. Mga picture frames dito, panay picture namin.

Kahit na cellphone ko. Password ko? 2277. Meaning? C-A-S-S. Wallpaper ko? Picture namin. Laman ng Camera Roll? Panay pictures din niya. Inbox? Messages namin dati at hindi ko pa binubura.

Pano ba mag-MOVE ON? Kasi ang alam ko. Hindi ko kaya.

Naka-8 bote na ako nang makapag – decide ako.

Pupuntahan ko siya sa bahay nila.

Makikipag-balikan ako.

Wala akong pake kung naka-MOVE ON na siya.

Wala akong pake kung Magmukha akong TANGA.

Lahat ng tao deserve ang second chance diba?

Kaya niya naman akong mahalin ulit diba?

Isinantabi ko muna lahat ng mga tanong sa isip ko at nag-drive na ako papunta sa bahay nila Cassie.

Sobrang bilis na ng takbo ko. Wala akong pakialam kahit na blurred na ang nakikita ko.

Ang importante, makarating ako sa bahay nila Cassie at makausap siya.

And Win Her Heart again.

Kaya lang. Mukhang hindi na ako makakapunta.

BOOGSH!

Bumangga ang kotse ko sa poste.

And it all went black. 

If WE ever MEET AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon