Prologue

13.5K 244 22
                                    

Prologue.

WANTED: Female Bedspacer


Isang ngiti ang rumehistro sa mga labi ng labingdalawang lalaki matapos nilang mai-kabit ang huling flyer.

"Phew! Ang hirap naman pala nito. Akala ko ang dali lang." Pagmamaktol pa rin ng pinakabata sa kanila na si Sehun.

Iritang-irita naman sa kanya yung labing-isa pa niyang kasama, "Tapos na tayo, di ka pa rin tapos magreklamo." Sagot naman sa kanya ni Chanyeol. 

Naglalakad na sila pabalik sa loob ng subdivision nila ng bagsak na naman ang mga balikat. Iniisip pa rin kasi nila kung may makakapansin agad nung mga idinikit nilang flyers. Kailangan na kasi nila ng pera ngayon pambayad sa kuryente. Nagastos kasi nila ang kani-kanilang pera nung magkayayaan silang mag-bar nung nakaraang Sabado. 

Papasok na sila sa loob ng bahay nila ng may marinig silang iyak ng mga bata.

Hinahanap nila sa paligid kung saan ba nanggagaling ang mga iyak na yun. Nakita ni Baekhyun sa may halamanan sa tabi ng gate nila ang isang basket na may laman na dalawang bata sa loob at umiiyak. 

Nakita naman ni Luhan ang isang note at binasa ito sa harap ng mga kasama, "MGA GAGO, ISA SA INYO TATAY NITONG KAMBAL KO."

EXO's RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon