>> 2

4.8K 178 42
                                    

Chapter 2:

Kanina pa gustong-gustong batuhin ni Baekhyun ng gitara si Belle at yung boyfriend nito na kanina pa hindi mapaghiwalay. Iritang-irita kasi ito sa pagiging PDA ng dalawa sa loob pa mismo ng pamamahay nila. Kung pwede nga lang ba, kanina pa niya pinalayas ang Jungkook na yun. Kaso, hindi pwede dahil nakasalalay sa ibabayad na renta ni Belle ang pambayad nila sa kuryente. Kaya naman kahit ayaw ay kailangan niyang pakitunguhan ng maayos ang dalaga maging ang pangit na boyfriend nito. At least, para sa kanya. 

Number 1 rule pa naman nila sa bahay ay ang wag magpapasok ng kahit na sinong lalaki maliban sa kanilang labindalawang may-ari nito. Kaya nga isang female bedspacer ang hinahanap nila dahil sa hindi malamang dahilan, ayaw nilang may ibang lalaking tumatapak sa pamamahay nila.

"Hoy ano bang problema mo Byun Baekhyun?" Sita ni Chanyeol kay Baekhyun. Kanina pa kasi niya ito napapansin na hindi mapakali sa kinauupuan niya. Napatigil naman ang lahat sa kani-kanilang ginagawa para tignan si Baekhyun.

Ininguso naman ni Baekhyun sa mga kaibigan si Belle at Jungkook na kasalukuyan ngayong nilalaro at inaalagaan yung kambal kasama si Kai at Dyo. Belle and Jungkook together with the twins is a one big picture of a happy family.

"Tangna, nagseselos lang pala." Komento naman ni Tao atsaka uminom ng iced tea at nagtuloy lang sa pakikipaglaro ng baraha kanila Suho, Kris at Sehun.

Nagpatuloy lang din ang iba sa pagkanta habang si Chanyeol at Lay naman ay nag-gigitara.

"Sinong nagseselos? Over my alive, exploding, oozing hottie body. Naver!" Proud na proud pa na sabi ni Baekhyun sa mga kaibigan.

Sa kabilang banda naman, tuwang tuwa si Belle sa pag-aalaga kay Day at Night. Naaawa siya sa kambal kasi wala man lang nag-aalaga sa kanila maliban kay Kai at Dyo. Laking tuwa rin naman ni Kai at Dyo nung malamang mahilig din sa bata si Belle dahil kahit papaano ay may makakatulong sila sa pag-aalaga sa kambal.

"Eh sino ba kasi talaga ang tatay nitong si Day and Night sa inyo?" Tanong ni Jungkook kay Kai at Dyo habang pinapanood na matulog ang kambal sa may sofa. Wala pa kasing crib ang mga ito at walang kahit na anong gamit.

 "Wala ngang gustong umamin eh." Si Dyo na ang sumagot. Hindi pa rin kasi nila napapag-usapan ang tungkol sa mga bata simula nung dumating kanina si Belle.

"EH ANG TINDI NAMAN PALA TALAGA NG TATAY NI DAY AND NIGHT. MAGPAPAPUTOK SA LOOB TAPOS NUNG NAGBUNGA ITATANGGING KANYA." Sadyang nilakasan ni Belle ang boses niya para marinig nung sampung lalaki sa hindi kalayuan ang sinabi niya.

"HOY BELLEYENA! ANG LAKAS NAMAN TALAGA NG LOOB MO PARA SABIHIN YAN. PARA SABIHIN KO SAYO, I USE PROTECTION!" Ganting sigaw naman ni Baekhyun sa kanya. 

"Bakit? Sinabi ko bang ikaw ang tatay nitong si Day and Night? May binanggit ba akong pangalan?" Pang-aasar pa ni Belle kay Baekhyun.

Binalingan naman agad ni Belle ang kambal na mahimbing na natutulog, "Wala naman di ba, Day and Night? Guilty naman masyado si TITO Baekhyun." Diniinan pa talaga niya ang salitang 'Tito'.

Natawa na lang ang mga tao sa bahay dahil for the first time, taob si Byun Baekhyun. Napa-hanga ang lahat sa lakas ng loob at sense of humor ni Belle. Ngayon lang kasi nila nakita ang side niyang ito. Yung mahiyain at patay na patay kay Baekhyun lang kasi na Belle ang nakikita nila noon. Sino nga bang mag-aakala na darating ang panahon na halos tapak-tapakan lang ni Belle ang pride at ego ng kaibigan nila?

---

"As one of the owner of this house, I demand to evict Belle from this house." Sabi ni Baekhyun sa mga kaibigan. Iniwan nila si Belle at ang higad nitong boyfriend sa baba kasama nung kambal para sa meeting na ito. Headed by Byun Baekhyun of course.

"Tanga, anong evict? Evacuate yun." Correct naman ni Chen sa kanya.

"Mga bobo, vacate! Jusko, bakit ba biniyayaan niyo ako ng mga bobong kaibigan?" Pagco-correct ni Kris sa kanila. And this time, tama na. Si Kris ay isa sa mga matatalino sa kanilang magkakabarkada. Kahit hindi mag-aral, pumapasa at nakaka-ace pa sa mga exams nila. Bilang na bilang mo lang sa kanila yung matatalino, si Kris, Suho, Kai at Dyo. 

Umalma naman ang lahat sa sinabi ni Baekhyun, "Pare naman, kailangan natin si Belle lalo na ang pera niya. Siya lang ang tanging pag-asa natin." Pagpapaalala ni Luhan.

"Hindi niyo ba magets? Hindi kami pwedeng magsama sa iisang bubong. Riot lang lagi."

Si Sehun naman ngayon ang nagsalita, "Eh di gumawa ka ng sarili mong bubong, tanga." 

Napa-sapo na lang silang lahat sa noo dahil sa ka-engotan ng kaibigan nila. Pero, tuloy-tuloy pa rin si Baekhyun sa pagkumbinse sa kanila, "Pride at ego ko na tinatapakan niya."

"Sensya na pare, sa mga ganitong panahon walang pride pride at ego ego sa amin. Tiisin mo na lang kasi. 6 months lang naman eh. Atsaka malay mo, may mabuo ulit na love." Sabi ni Lay. 

Umaktong nasusuka si Baekhyun dahil sa narinig niya, "Buntis ka, Baek?" May halong concern na tanong ni Sehun. Tangina lang po ni Oh Sehun. 

Iniwan na lang nila si Sehun sa sala sa 2nd floor at isa-isang bumaba. "Hoy, di ba kayo concern kay Baekhyun?" Tanong pa ulit niya. "Gago, tigilan mo ako Oh Sehun." Di na rin nakapagpigil si Baekhyun at iniwan na rin si Sehun doon mag-isa.

Pagkababa nila ng hagdan, sakto namang paalis na si Jungkook. Hinatid ito ni Belle hanggang sa pintuan. Nung una ay di pa napansin ng mag-nobyo yung mga may-ari ng bahay buti na lang ay nahagip sila ng mata ni Jungkook. "Bro, alis na ako. Thanks! Kayo na bahala sa girlfriend ko." Tumango lang sila atsaka na ito umalis. 

Pagkaalis ni Jungkook ay naglakad agad si Belle papunta sa sofa kung nasaan ang bag nito. Kinuha niya ito at isinukbit sa balikat, "Kuya, aalis lang ako ah." Paalam niya sa Kuya Suho niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong naman nito kaagad.

"Sa mall, bibili lang ng gamit nitong sila Day and Night. Kawawa naman eh."

Naglakad na ulit ito papunta sa pinto para lumabas ng may biglang magsalita, "Samahan na kita." 

EXO's RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon