Chapter 8:
Napasalampak na lang ako sa kama ko sa sobrang pagod pagkatapos kong ihatid si Mark sa labas. Magdi-dinner pa ata sila Kuya, ako naman walang balak. Napapa-isip pa rin ako hanggang ngayon kung saan ko nakuha yung lakas ng loob kanina.
Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko at nakatulala. Ipinikit ko sandali yung mga mata ko para makapagpahinga at makapag-isip ng maayos. Ito yung gusto mo di ba? Panindigan mo. Sabi ko sa isip ko. Iminulat kong muli ang mga mata ko at kasabay nun ay ang isang malalim na buntong hininga.
Nakarinig ako ng dalawang katok kaya't agad akong napa-upo sa gilid ng kama ko.
"Pasok." Tipid kong sabi.
Sino naman kaya yun? Tanong ko sa isip ko.
Nung bumukas yung pinto, laking gulat ko ng makita si Kai sa may pintuan at nakasilip, "Oh, napadpad ka sa kwarto ko?" Agad kong tanong sa kanya.
"Yung boyfriend mo kasi nasa baba, hinahanap ka." Napatayo agad ako dahil sa narinig ko at nagmamadaling tumakbo pababa.
Tumatakbo pa lang ako ng hagdan, sinalubong na agad ako ni Jungkook, "Hey, be careful little lady. You might get hurt." He hugged me really tight atsaka inalalayan ako pababa. He's really sweet. I'm so lucky to have someone like him at my side.
Laking pasasalamat ko at nakilala ako ng isang tulad niya, maalaga at mapagmahal. The last thing he wants to see is seeing me cry and get hurt. Ganyan niya ako kamahal kaya ganun ko rin siya kamahal.
Habang pababa kami ay nag-uusap kami, "What brings you here?" I asked him. Hindi man lang kasi muna siya nagpasabi na pupunta siya para man lang nakapag-ayos ako or nakapaghanda. Nakakahiya sa kanya. I have this messy hair and I'm only wearing a loose shirt and a very short short.
"Why? You don't want to see me?" Biglang nagbago yung tono ng boses niya. Ramdam mo yung disappointment sa kanya. Yung mukha rin niya biglang lumungkot. "You know its not like that." I explained. "Nagulat lang ako at tignan mo I look like a mess right now. See?" Then I pointed him my whole body. "Di man lang ako nakapagbihis or nakapag-ayos. I should look good infront of you para hindi ka naman magsawa sa akin at di mo ko ayawan." Pagpapatuloy ko.
Nasa baba na kami ngayon at ngayon ko lang napansin na kasunod ko palang bumaba si Kai tapos yung mga kaibigan niya naka-gather lahat sa sala sa first floor kunwari di nakikinig pero ang totoo lumalaki na yung mga tenga nila para maki-usyoso.
Jungkook cupped my face and told me, "You know that I love every single thing about you. I won't get tired of you. I don't even care if you don't take a bath or brush your teeth. But maybe..." He paused for a while. He hold his chin and examines my body, "you should not wear that short shorts ever again especially if you're living with some guys. I'm selfish Belle." Pagkatapos nun ay hinalikan niya ako sa noo. Ang sinungaling ko naman kung sasabihin kong hindi ako kinikilig sa sinabi niya. Grabeng pagpipigil nga ang ginagawa ko para lang hindi ko masyadong maipakita na kinikilig ako.
"Puta pare, kinikilig ako!" Mahina at may impit yung pagkakasabi ni Sehun sa mga kabarkada niya na naglalaro rin ng baraha sa may lamesa at naka-upo sa sahig. Inirapan naman siya ng mga kaibigan niya.