Chapter 18:
Nakahinga na ako ng maluwag after ng parade. Nasa dressing room na ulit kami kaya mas nakakagalaw na ako ng maigi ngayon.
Hindi binitawan ni Mark yung pagkakahawak niya sa kamay ko. He was really like a concerned boyfriend. Ganito ba yung feeling ng may boyfriend? He will make you feel safe and make you feel you are the only girl in the world. Pero, hindi ito yung naramdaman ko kay Baekhyun noon. There were only fear. Fear of losing him and leaving me.
Nakaramdam ako ng kamay sa mga balikat ko, "Good job guys. And thank you very much Belle. If hindi ka pumayag, madidisqualify and college natin. You don't have to compete on Saturday. Makakapasok na daw si Ella. And I don't want you to compete as well, I have better plans for you." Umalis na rin pagkatapos nun yung block adviser namin.
Better plans for me? Seriously, ano yun?
"Do you have any plans for the rest of the day?" Tanong sa akin ni Mark. Hindi na ako nag-isip pa nang matagal dahil wala naman akong kahit isang plano ngayong araw. "Wala." Tipid kong sabi sa kanya.He smiled and said, "That's good. Makakapagdate tayo ngayon!" Excited niyang sabi. Tutal we are having this deal naman, I won't spoil him and let him lead the way. I want to experience kung ano nga ba ang feeling kapag yung dalawang tao ang inlove sa isa't isa hindi yung one-sided lang.
"Magbibihis lang muna ako then off we go." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Pumasok na ako sa CR dala yung mga damit na pampalit ko.
Habang nagbibihis ako, maraming tanong ang sumasagi sa utak ko. Ang daming what ifs. What if si Mark ang nagustuhan ko at hindi si Baekhyun? What if kami na lang ni Mark? Mga ganung bagay. I was already wearing my shirt when suddenly Mark knocked on the door, "Ano ba namang klaseng boyfriend ka Mark, ang impatient." I joked.
Pagkatapos kong isuot yung shirt ko, kinuha ko yung mga damit na pinagbihisan ko atsaka binuksan ang pinto para makalabas. I was surprised not see Mark but another person inside the room - Baekhyun. Nakatingin siya sa akin with a different expression in his eyes I've never seen before. Was it longing? Nah, as if.
"Where's Mark?" Walang kagana-gana kong sabi habang inilalagay ko sa paperbag yung mga damit na isinuot ko kanina.
Hindi siya sumasagot kaya walang ibang maririnig sa kwarto kundi yung aircon. "Kung wala kang sasabihin, aalis na ako. May gagawin -" Hindi ko natapos yung sasabihin ko. Tumigil yung mundo ko nang yakapin niya ako mula sa likod. He then whispered to his almost breaking voice, "I miss you so much."
Pinigilan ko ang sarili ko na gumanti sa yakap at sa mga sinabi niya. "Ano na naman bang pakulo ito Baekhyun?" I asked him pushing him away.
"I didn't talk to you for weeks just to see if kaya ko nang wala ka and guess what, I can't. I just can't and I won't." Tears were almost falling from his eyes. Ibang Baekhyun yung nakikita ko ngayon. Siya yung Baekhyun na una kong minahal noon. Yung Baekhyun na hindi takot umiyak. Yung Baekhyun na naniniwala na hindi sign nang kahinaan ang pag-iyak.
"Wag ka ngang umiyak. Ang pangit mo. Baka sabihin ng mga makakakita, pinaiyak kita." Sabi ko para gumaan yung sitwasyon kahit paano. He wiped off his tears using the back of his hands. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa atsaka inabot siya para ako ang magpunas ng mga mata niya.