Chapter 3

69 4 0
                                    


MABILIS NA lumipas ang isang buong araw.

Naglalakad ako papasok sa stadium, na-late kasi ako ng gising kaya pinauna ko na yung tatlo.

May tatlong room lang naman ang omega at dun ako sa pinaka last.

Yun daw kasi ang section ng mga indirect descendants gaya ko.

"good morning po" wika ko sa guro "pasensya na po kung nalate ako"

"new student?" tumango ako "you must be Alessa the freak?"nakangising tanung ng guro "sorry it's just that, no one in the right mind will free a monster like that" nagtawanan ang lahat.

Ngumiti ako "mukhang parehas lang po kami ng nanay nyo" wika ko saka naupo sa pinaka dulo.

Nagtawanan pa silang lahat, but i'm sure kung makuha nya ang ibig kong sabihin yari ako.

But thankfully masyado syang utak hangin.

Nagsimula na sya muling magturo kasabay nun ay ang paglipad ng kung anu anu sa buhok kong kulot.

'alessa...'

Napayuko ako at pilit na pinipigilan ang luha ko.

'alessa... My love, please don't cry...'

Tuluyan nang lumandas ang mga luhang pinipigilan ko pero sila pa tuloy lang sa pagbato.

"mama..." bulong ko na di ko alam kung bakit "papa..." kinuyom ko ang mga kamay ko

"alessa the freak! Answer this!" naramdaman ko ang pagtama ng kung anu sa noo ko "ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang natutulog sa klase ko!"

Pinunasan ko ang mga luha ko saka tumayo para sana sagutan ang tanung nya pero di pa ako nakakalapit sa harapan ay naramdaman ko nalang ang pagtama ng kung ano sa paa ko, dahilan upang masubsob ako sa aking dinaraan.

Mas lalong lumakas ang tawanan nilang lahat kasabay ng mga pagpalo sa lamesa ng iilan.

"what a scene" naiiling na wika ng guro bago sumigaw "GET OUT OF MY CLASS NOW!!!" nakayuko akong lumabas habang pinapakinggan ang pagtawa ng lahat.

Nang makalabas ako'y naupo nalang ako sa isang tabi bago tahimik lumuha.

  Nang marinig ko ang pagbell ay agad kong pinunasan ang luha ko.

Naramdaman ko nalang ang paglabas ng guro ko bago akn pumasok, pero gaya kanina ay ay sunod sunod na pagbato ng kung anu anu sa akin.

Pero ilang sandali lang ay pumasok muli ang isang mapang husgang guro.

Samu't saring panlalait at panghuhusga ukol sa aking kaanyuan ang ibinato nya sa aking kasabay ng mga mapanglait na tawanan ng mga tao sa aking paligid.

Salamat na lamang ay natapos na ang tatlong oras nyang panunuya at panghahamak sa akin.

Nakayuko akong lumabas at nag lakad patungo sa kainan.

ISANG malawak na kainan ang tinalaga para sa mga BETA, OMEGA, at MYSTIQUE.

Pero pagtapak ko palang sa bukana ng kainan ay naramdaman ko nalang ang pagtama ng kung anu ano sa akin kasabay ng panglalait at panghahamak.

"FREAK!"

"UGLY!"

"KADIRI KA!"

"YOU SHOULD GO TO HELL!?"

"FUCK YOU, FREAK!"

Napakagat ako sa aking pangibabang labi bago nagtatakbo patungo sa aming silid, para doon ay lumuha at magkulong.

Monsters in the City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon