Chapter 5

72 3 0
                                    

  O L Y M P U S

MADILIM na ang paligid ngunit nasa hardin padin si aphrodite at nagpapalipas ng sama ng loob.

"aphrodite?" napatingin sya sa lalaking kararating lamang, balot ng putik at pawis ang buong katawan nito pero ang taglay na karisma ay di nawawala.

"tapos nyo nang ikulong ang mga rebeldeng mga giants?" tanung nya kay ares

"mahirap pero, oo." sagot nito saka naupo sa tabi ng dyosa "anung meron at parang napakalungkot mo?"

Yumuko ang dyosa "nagalit ka ba ng idinamay namin ni zeus ang anak mo sa digmaan?"

"hindi" sagot nito "dapat ngang magpasalamat ako't buhay pa siya eh"

Tumango ang dyosa "mabuti kung ganoon..."

"kamusta na nga pala ang iyong asawa?" tanung ng dyos ng digmaan

Ngumiti si aphrodite ng mapait, bago tumayo at talikuran si ares "ayun, binabalewala ako..." kinagat nya ang pang ibabang labi saka humarap sa kausap, pero laking gulat nya ng makita ang mukha nito ng malapitan.

Hindi maipagkakailang makisig si ares ang dyos ng digmaan, ang kanyang katawan ay napagkaganda at napakalaki ng nito "a-ares..."

"hindi ka nya dapat binabalewala" bulong nito ng nakahawak ang hintuturo sa baba

"a-ares..." bulong muli ng dyosa "pakiusap, masyado pang malaki ang hidwaan sa amin ng aking asawa at-"

"aphrodite, iwanan mo na sya... Pangako, papahalagahan kita, higit kanino pa man"

Napalunok ang dyosa, mula pa man noon ay malakas na ang atraksyon nya sa kasamang dyos, kaya nga't nagkaroon sila ng ipinagbabawal na relasyon.

Inabot ng ilang dekada bago nakalimutan ng mga dyos ang kanilang kasalanan at bago sya mapatawad ng asawa.

Inilapit ni ares ang ilong sa napakalambot at napaka bangong pisngi ng dyosa "walang makakaalam..."

Wala sa sariling napatango si aphrodite at nagpaubaya sa lalaking muntik nang maging dahilan ng pagkawala nya ng asawa at pagka walang tiwala ng mga dyos sa kanya.

Ngayong gabi ay naulit ang mainit nilang pagniniig na halos linipas na ng panahon.

Sa ilalim ng maliwanag at bilog na buwan, saksi ang mga insekto at halaman, si Aphrodite ay muling nagtaksil sa asawa.

  At matapos ang mahabang panahon pagtitimpi ay muling nakamtam ni ares ang langit sa piling ng dyosang kanyang hinahangaan.

"panginoon..." usal ng satyr pero itinaas lamang ni hephaestus ang kanyang kamay sa harap nito saka umiling bago muling naglakad.

Agad din naman itong sumunod sa kanyang panginoon upang makapagpahinga.

AGAD na napabalikwas mula sa pagkakahiga si Apollo.

Habol hiningang tumingin ito sa bintana at dun ay nakita nya ang marahang pagtakip ng itim na anino sa buwan.

"isang pagkakamali ang kanilang pagniniig" wika nya bago tumakbo palabas.

Nakasalubong pa nya ang walang buhay na si hephaestus, dahilan upang matigilan sya.

"bakit hindi mo sya pinigilan?" tanung ni apollo

Tinignan sya ni hephaestus sa mga mata at nagwika "minsan kailangan mo ding tanggapin na tapos na.. Minahal ko na sya ng sa tingin ko ay nararapat sa kanya, at bilang obligasyon nadin bilang asawa nya." saka ito umiling "kahit na alam ko namang di nya ako kayang mahalin, pinilit ko lang din naman sya, eh. Pasalamat nalang ako at pumayag sya sa kahibangan kong pakasalan ako. Kaya tama lamang ito sa akin. Masyado kasing mataas ang ambisyon ko. Mauuna na ako, at ako'y magliligpit pa"

Monsters in the City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon