Chapter 7

16 0 0
                                    

O L Y M P U S

"IRE!" sigaw ni artemis sa nakahigang si aphrodite

Mariin namang umire si aphrodite habang madiin ang pagkakapit sa kamay ng asawa.

Si apollo naman ay inaalayan ang kapatid sa pagpapaanak kay aphrodite.

"IRE!!!" muling umire ng napakalakas si aphrodite dahilan upang lumabas ang isang batang babae "isang babae.." masayang wika ni artemis saka inilahad ang bata sa harap ni hephaestus.

Napangiti naman ang dyos sa nakita.

Marahang yumuko si hephaestus upang ipakita sa asawa ang kanilang sanggol.

"ang ganda nya.." naluluhang wika ni aphrodite saka tumingin sa asawa "ngunit mas maganda padin ako..." natawa naman ang lahat.

"kapatid" bulong ni apollo sa kapatid "may isa pa" saka tinuro ang isang bagay nalumabas sa loob ng palda ni aphrodite.

Kinuha ito ni artemis saka ipinakita sa mag asawa "may isa pang babae"

Natigilan si hephaestus sapagkat wala na syang inaasahang anak ngunit kung meron pa ay buong puso nya itong tatanggapin.

Kinuha ni aphrodite ang sanggol na hawak ni hephaestus at buong pusong hinaplos ang mukha nito.

Kinuha naman ni hephaestus ang hawak ni artemis saka ipinakita sa asawa.

Ngumiti si aphrodite sa anak bago bumaling kay artemis "salamat sa inyo"

Tumango ang magkapatid bago lumabas upang balitaan ang mga dyos at dyosa sa labas ng silid.

"aedite" napatingin si aphrodite kay hephaestus na nakatingin sa hawak nitong sanggol "may pakpak sya na pang ibon kaya naisip kong aedite"

Ngumuso si aphrodite saka tinuon ang pansin sa anak nilang hawak nya "aphrea" nakangiti nyang wika kay hephaestus "aphrea ang pangalan nya"

"maganda" komento ni hephaestus sa yumakap sa asawa, binitawan nila ang dalawang sanggol saka tinabunan ng tela.

"magsipaglaki na kayo, aking mga anak" lumiwanag ang tela kasabay ng paglaki ng umbok.

Agad na tumalikod si hephaestus para bigyang daan ang mga bata sa pagusbong.

Nakangiting lumapit si aphrodite sa mga anak pero kaagad na niyakap ang anak nila ni hephaestus.

"aphrea.." saka sinapo ang mukha "napaka ganda mo"

"sa-salamat ina.."

Humarap si aphrodite sa anak nya kay ares "aedite" ngumiti sya saka niyakap ito "magdamit na kayo" saka agad na isinuot ang mga tela bilang mga damit.

"AMA!" masayang wika ni aphrea saka niyakap si Hephaestus

"aphrea!" wika nito saka ginantihan ng yakap ang anak.

"ama.." mahinang turan ni aedite, tutungo sana sya kay hephaestus ngunit agad syang pinigilan ni aphrodite "ina.."

"wag mong istorbohin ang mag ama ko" bulong nito sa kanya

Nakaramdam ng kirot si aedite ngunit agad itong nawala ng tawagin sya ni hephaestus.

"aedite" nakangiting wika nito saka inilahad nito ang braso para sa kanya "di mo man lang ba yayakapin ang iyong ama?"

Kinuha nya ang braso sa ina saka tumakbo sa kanyang ama "ama.." para yumakap.

Kita ni aphrodite ang pagtalim ng tingin ni aedite sa kanya kaya tinaasan nya ito ng kilay.

"ina.." agad namang lumambot ang kanyang mukha nang tawagin sya ni aphrea "may problema po ba?"

Umiling sya saka ito tinungo upang yakapin ito "wala naman aking mahal"

Humagikhik ito "napaka saya ko po" wika ni aphrea

"kami din anak, masaya kami ng inyong ina" wika ni hephaestus

AYAW pa sanang pumayag ni zeus nang magpaalam silang uuwi muna sa kanilang tahanan na malapit lamang sa bulkan ay wala rin itong magawa nang lapitan ito at yakapin ni aphrea..

"ang batang iyon.. ang sobrang napaka delikado.." usal ni zeus nang makalayo ang pamilya..

nagtataka naman ang lahat na napatingin dito.

Agad namang nakarating sa kanilang tahanan ang mag anak at dun ay agad na bumungad sa kanila ang napagka gandang estatwa ni aestusdite na gawa ni hephaestus.

"aedite!" pagtawag ni aphrea sa kapatid "halika't maglakad muna tayo"

Umiling lamang si aedite "sasama na lamang ako kay ama"

Ngumuso ang isa "ayos lang.." saka naupo sa upuan.

Agad na tinungo ni aedite ang pinuntahan ng ama pero laking gulat nya ng makita ang isang nymph na niyayakap ang kanyang ama.

"yoshelou" wika ni hephaestus "iilang babae lang ang kaya kong mahalin, ang aking ina, aking asawa, aking mga at ang aking mga anak" saka pinilit tanggalin ang pagkakayakap nito.

Pero pagkaikot ng dyos ay agad hinubad nito ang damit at pinanuod lamang ni hephaestus ang nagaganap.

Nakita nya kung paanung romansahin ng nymph ang kanyang ama.

Ngunit kaagad itong itinulak ni hephaestus "lapastangan!" galit na sigaw ng kanyang ama

"AMA!" napatingin si hephaestus at pati sya sa kadarating lamang na si aphrea "ama..." tinungo nito ang ama "pakiusap huwag" saka yumakap.

Kaagad namang nakaramdam ng pagkapayapa ang dyos.

"aphrea... Patawad..."

Ngumiti ang dalaga sakto namang pumasok si aphrodite "anung naganap?" tanung nito

"yung babae ina, tinutukso nya si ama" sumbong nya sa kanyang ina

Galit na humarap sa babae ang dyosa saka ito kinaladkad "LAPASTANGAN!" saka ito sinampal "mula sa araw na ito ay magiging estatwa ka!"

"w-wag po mahal na-" natigilan ito ng maging bato na sya

"ina.." awang awa si aphrea sa babae

"nilalandi nya ang inyong ama! Marapat lamang syang parusahan"

Yumuko ang batang dyosa saka muli nyang niyakap ang ama "ama.."

"ssh... Ginawa lamang ng iyong ina ang sa tingin nyang tama"

Pinanuod ni aphrodite ang mag ama bago bumaling kay aedite "sumunod ka"

Tumango ang dalaga saka sumunod.

"magaling ang iyong ginawa. Nais kong gawin mo uli yun kung kinakailangan. Kapag mangyari man, ay agad mo akong sabihan. Naiintindihan mo?"

"o-opo!"

Ngumiti si aphrodite saka niyakap ang anak "magaling, aking anak"

Napangiti naman si aedite.

--

"AEDITE.." kuryosong tawag ni Aphrea "dapat lang ba ang ginawa ni ina?"

Nasa loob sila ng kanilang silid ngunit kumakain sila ng mga prutas.

"mm? Sa aking palagay? Tama lamang si ina, asawa nya si ama at marapat lamang na sa kanya ito ng buo"

Inosente naman syang pinagmasdan ni aphrea "pero, masaklap naman yung ginawa ni ina." yumuko ito "nagdadalang tao ang nymph"

Natigilan sya sa pagkain ang dalaga "panu mo nalaman?"

"nakita ko" sagot nito saka kumuha ng ubas "kawawa naman yung sanggol"

"hmm! Dapat lang iyon!"

Umiling si aphrea "masama iyon, kapatid, buntis yun at ang ating ama ang ama"

"kahit pa!" sagot nito

Monsters in the City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon