Chapter 8

29 0 0
                                    

 MATAPOS ang naganap na gulo ay pinaalis muna ng mga guro ang mga estudyante habang kami ay naiwan.

"alessa.." napatingin ako sa aking harapan, sya yung aurai sa clinic.

"salamat" saka ko kinuha ang nakatupi kong damit na iniaabot nya.

Agad din akong nagtungo sa isang cr upang makapagdamit.

Nagtataka akong tumingin sa isang salamin sa aking harapan.

"nasaan na kaya ang eyeglass ko?" tanung ko bago lumabas

Naglakad ako patungo sa pwesto ni cody, na kagad namang ibinaba ang hawak nyang sapatos ko at isinuot ko ito.

Naglakad ako palapit sa kanila.

Kita ko ang seryoso sa kanilang mga mata pero andun padin ang hindi pagkapaniwala.

Ngumiti ako saka yumuko "pasensya na po sa naganap kanina"

"aestusdite..." napatingin ako kay mister dio

"ganun po ba talaga kalaki ang pagkaka-kamukha namin?"

Kumunot ang mga noo nila.

"ah kaya pala pamilyar ka sa akin, nakita na pala kita sa isang estatwa, sa tingin ko'y itinatago sya ni hera" napatingin sila kay sir cedric "nakita ko ang mga files nya at marami sa mga yun ay masasabi kong kasinungalingan."

"kung ganun ay bakit?" kunot noo kong tinignan ang pinto at hindi na inalintana ang tanung ng matandang lalaki, mula dito ay kita ang nakasilip na babaeng kulay puti ang buong katawan at may kulay itim na bulaklak sa ulo.

Ikinakaway nito ang kamay upang sumunod ako.

Dahan dahan ay tinahak ko ang patungo sa kanya.

Nang buksan ko ang pinto ay nasa malayo na ito, agad ko itong tinakbo pero ng marating ko ay agad itong nawala, saka ko lang nakita sa isang pagliko sa pasilyo, muli ay nawala ng marating ko ang kinalalagyan nito kanina at muli ay nagpakita sa ibaba ng hagdan.

"aestusdite..."

Muli ay tinahak ko ang pagbaba sa hagdan, at muli itong nagpakita.

Hanggang sa marating ko ang school ay ganun ang sistema.

Mula dito ay pinalinga linga ko ang aking mga mata, lahat ng estudyante ay nakaharap sa akin at parang nagtataka.

*ting ting*

Dinig ko kasabay ng pagbaba ng isang malaking palakol na dala ng dalawang owl.

Kinuha ko ito kasabay ng pagliwanag nito ang paglaglag ng kung ano galing sa ere.

Kunot noo ko itong pinagmasdan, malaki itong tao parang higante.

"totoo ngang kagaya ni ina, ang iyong kagandahan ay walang kaparis" ngumiti ito sa akin "ngunit, ikinalulungkot ko marapat ka nang mamatay!" saka nito itinaas ang palakol nyang dala saka ako tinira.

Agad ko itong naharangan!

"shit!" daing ko ng maramdaman ang pagbaong ng aking mga paa sa lupang aking kinatatayuan.

Kita ko ang pagkakagulo ng mga tao sa aming paligid.

Muli ay itinaas nya ito dahilan upang makalayo ako pero agad nyang ipinalakol ang aking gilid.

Mabuti nalang at naka alis kaagad ako dun kundi hati na marahil ang mga braso ko't leeg.

'isipin mo ang iyong nais mangyari sa iyong palakol'

Napatingin ako sa aking gilid, sapat lamang upang makita ang babae.

Napakagat ako sa king pang ibabang labi at inihanda ang aking palakol.

Monsters in the City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon