Prologue:

296 3 0
                                    


"laso..." napatingin ang isang babae sa tumawag sa kanya

"hera... Reyna Hera ng Olympus... Anung maitutulong ko sa iyo?"

Umiwas ng tingin ang reyna "ang aking asawa, ay nais patayin ang aking apo kay hephaestus"

"alam na ng lahat ang planong iyon ng hari.." napatingin ang reyna at bakas ang pangamba "ngunit, anung magagawa namin laban sa hari?" tanung ni laso, saka naglakad patungo sa isang tent "mukhang alam ko na ang iyong nais mahal na reyna..."

"nais kong buhayin nyo sya, kung maaari"

Ngumiti si laso "hindi pa naman sya patay"

"pero nais ni zeus na patayin sya!"

"ngunit nasa tabi nya ngayon si aura.. At si nike.. Sa tingin ko di sya matatalo"

"pero si aphrodite. Sya ang papatay sa kanya"

Humarap si lasa saka ngumiti "simula ng isinilang ang batang iyon ay marami na ang nangakong poprotektahan sya... Kaya ang iyong pangamba ay dapat mo nang iwaglit"

"paano kung..." umiling ang dyosa upang pigilan ang reyna.

"magtiwala ka lamang... At mananatili syang buhay" nakangiting wika ni laso "parang anak ni artemis"

Kumunot ang noo ni hera "buhay ang batang iyon?"

Tumango si laso "matapos ng pag atake ng isang tauhan ni poseidon sa kanya ay totoong nawalang sya ng buhay, ngunit agad itong naibalik sa tulong ni titaness selene"

Kumuyom ang mga kamay ni hera "poseidon..." napailing sya "ano ba talagang plano nila? At nais nilang saktan ang aking apo!"

Huminga ng malalim si laso "may propesiyang inilabas ang isang oracle, isang batang babae ang tatapos sa pamumuno ng olympus sa buong mundo"

"hindi ko alam ang ukol dyan..."

Ngumiti si laso "ang masaklap, di lang naman si aestusdite ang batang babae na ipinanganak noon"

"ang aking anak?" umiling ito "sino?"

"ang anak ni melinoe at ni.."

"ni?"

"tartarus"

Automatically the queen, opens her eyes wide open "t-t-tartarus?"

Tumango ang dyosa "ang dyos sa kailaliman ng mundo"

Napayuko ang dyosa "maaari bang-"

"sya nga ang tinutukoy ni prometheus sa babalang ipinadala nya sa olympus"

"at ang akala ni zeus ay si aestusdite?"

"dahil sya lang  ang isinilang na batang babae nang panahong iyon na anak ng anak nya at mismong harapan nya. Kaya iyon ang akala nya"

"anung maaaring mangyari?"

"ayon sa propesiya 'isang batang babae na may purong dugo ng dyos, na mang gagaling sa angkan ng pinaka mapusok at tusong hari ang syang magpapabagsak sa olympus at sa pamumuno ng olympians..'" nakaramdam ng kaba ang reyna "ngunit may pangitain syang nakita na hindi nya ipinagsabi at tanging iilang dyos at dyosa lamang ang nakakaalam"

"ano?"

"kasabay ng pagsilang ng katapusan ay ang pagsilang ng simula, isang bata ang magliligtas sa lahat ng dapat iligtas, ang kanyang buhay ay susubuking kitilin ngunit sa kanyang buhay nakasalalay ang mundo"

Nagtataka man kung panung kabisado padin nito ang matagal ng propesiya ay nanahimik sya "at iyon ay si?"

"aestusdite, mahal na reyna. Ang tanging dyosa na namuhay sa mundo ng mga mortal at minahal ng mga dyos at dyosa... Karugtong ng kanyang buhay ang ating mundo, sa oras na mamatay sya... Ay mamamatay din tayong... Lahat"  

Monsters in the City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon